Kabanata 8

1K 19 8
                                    

Luigi's POV

Sobrang aga kong pumasok ngayon, nalaman ko din kay Ms. Aquino na andaming turista ang nag-book dito sa resort namin.

Chineck ko yung website ng aming resort. Nag-upload ako ng mga new attractions namin so that mas ma-enganyo yung mga tao na bisitahin ang resort namin.

Natigil ako sa pag-asikaso dahil nakita kong tumawag si Mom.

[Hey anak kumusta ka na diyan?]

Kahit may sakit siya ako pa talaga ang kinakamusta niya. That's why I'm very lucky na si Mom ang naging Nanay ko. I mean sobrang swerte ko talaga sakanya, so talagang nalungkot ako nung nalaman ko na may breast cancer si Mom. That time may final exam kami, muntikan na akong bumagsak kasi distructed ako sa kalagayan ni Mom.

"I'm fine Mommy. Ikaw po how are you? Kumusta po kayo diyan ni Dad." miss ko na silang dalawa. I still remember nung magkakasama pa kaming tatlo.

[We're fine anak, wag ka mag-alala. Ako nga ang naga-alala sayo. Kaya mo ba talaga diyan? You're alone and wala kami dyan para masubaybayan ka.]

"Ma wag na po kayo mag-alala, ayos lang po ako dito."

[Mukha nga. Anak? May gusto ka bang sabihin sakin?]

"Ha? Ano yun ma? Wala naman po."

[Really? Mukha kasing iba ang boses ng anak ko ngayon, mukhang masaya.]

"Ofcourse I'm happy kasi nakausap ko po kayo."

[Other than that? May napupusuan na ba ang anak ko?]

"Ma wala po."

[Asus. Kilalang-kilala kita kapag may nagugustuhan ka. So can you tell me her name?]

"Okay. Jean. Jean po pangalan niya. Pero Mom nito ko lang nalaman na gusto ko pala siya. I mean hindi ko alam kung pwede kami kasi ano na lang ang sasabihin ng ibang tao? I mean she's my secretary mom. Nito ko lang siya nakilala pero sobrang gaan na ng loob ko sakanya tapos alam mo yun Ma, ayaw na ayaw kong makita na nasasaktan at umiiyak siya."

[Anak, I think she's the one. Anak ito ah, i-keep mo yung ganyang mga babae, wag na wag mong sasaktan okay? At saka bakit hindi kayo magiging bagay porket ba secretary mo siya? Well, alam mo naman diba anak na mahirap lang ako nung nakilala ko ang Dad mo. Ayaw na ayaw sa akin ng Lola mo noon dahil mahirap nga lang ako pero ipinaglaban ako ng Dad mo. Kaya ayaw kong tumutol sa relasyon niyo kasi nanggaling din ako sa ganyan.]

"Thank you mom sa advice."

[Anak, sana maging kayo na ah para may makasama ka naman diyan at hindi ka na malungkot.]

"Yung totoo ma, natatakot ako kasi baka hindi pa siya ready. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya yung nararamdaman ko."

[Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Anak, try to take a risk. Malay mo naman diba there's a chance between you and her.]

"Yes ma, okay. So magpahinga ka na, I Love You! Please tell Dad that everything is okay here in his resort."

[Kahit naman hindi ko sabihin alam naman ng Dad mo na responsable ka. Sige anak bye na, may work ka pa ata. I love you too.]

Pinatay na ni Mom yung tawag. I really miss her, her advices and yung pag-aalaga niya sakin, miss ko na din.

Teka nga, it's almost 7 pero wala pa si Jean? Where is she?

Jean's POV

Nagmamadali akong umalis sa bahay kasi 6:30 na at male-late na ako. Ang hirap mag-adjust sa totoo lang kasi dati yung bahay ni Tito ay malapit lang sa resort pero now napalayo ako.

My Favorite Mistake (Completed)Where stories live. Discover now