Kabanata 24

801 15 0
                                    

After 9 months...

Jean's POV

Andito ako ngayon sa may dalampasigan. Simula nung lumaki na ang tiyan ko, hindi na ako pinagtrabaho pa ni Dad. Gusto niya magpahinga na lang daw ako kaya ayun nabo-boring na nga ako dito.

Sa pagmamasid ko sa napakagandang view ng dagat ay may dumaan sa harap kong dalawang magkasintahan bigla akong napangiti.

Naalala ko si Luigi. Ewan ko ba pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako na babalik si Luigi. Bigla kong pinalis ang mga luhang pumatak na sa mata ko. Basta kapag si Luigi talaga ang naiisip ko hindi ko maiwasang umiyak.

Hanggang ngayon wala pa rin kaming balita sakanya. Kahit ang sarili niyang Daddy hindi siya matawagan, unattended ang phone niya.

Syempre naga-alala ako kay Luigi kasi baka may masamang nangyari sakanya kaya di niya sinasagot mga tawag ng Dad niya pero wag naman sana. At the same time baka gusto lang talaga niyang kalimutan ako, kalimutan ang relasyon namin kaya nagpakalayo-layo siya.

Siguro nga ganun na lang kalaki yung galit niya sakin. Pabalik na sana ako sa bahay nang biglang sumakit ang tiyan ko, sinalo ko ito at napapaluhod na ako sa sobrang sakit.

"Pumutok na ang panubigan ni Ms. Salvia!" sigaw nung isang staff at biglang lumapit sakin si Liam at Ms. Aquino. Tinawagan na rin nila si Dad na nasa office niya ngayon.

"Tumawag na kayo ngayon kaagad ng ambulansya!" rinig kong sabi ni Ms. Aquino. Nakita kong lumapit na din sakin si Dad at yung ibang turista ay nakitingin na din.

"Ahhhh!" ang sakit talaga. Hawak-hawak ko pa rin ngayon ang tiyan ko.

Binuhat ako bigla ni Liam at dinala sa malilom at kumportableng lugar.

"Konting-tiis na lang Jean." sabi niya sakin para kahit papaano kumalma ako. Alam mo yung feeling na excited ka kasi lalabas na din si Baby at the same time kinakabahan at sobrang sakit na talaga.

Ilang oras lang dumating na ang ambulansya at buti malapit lang ang bayan dito sa resort kung saan nandon ang hospital.

Agad ako isinakay dun at sumama na sa loob si Liam. Susunod na daw si Dad at Ms. Aquino, magko-kotse sila.

Liam's POV

Pinapakalma ko ngayon si Jean. Kailangan na niya mapaanak ngayon kasi pumutok na daw ang panubigan. Itinigil muna ang ambulansya.

Hawak-hawak ni Jean ang kamay ko habang umi-ire siya. Hirap na hirap na siya at pawis na pawis.

"Push pa po." sabi ng babae na nagpapaanak kay Jean.

Ginawa ulit ni Jean ang ginawa niya kanina pero mas malakas ngayon.

"Ayan na po lumalabas na yung ulo ni Baby, konting push na lang po." at sa last push niya may narinig na akong iyak. Iyak ng bata. Agad ako napatingin sa baby at napatulala ako at napangiti. Ang cute ng baby ni Jean.

"You made it Jean! Andito na ang baby mo." sabi ko sakanya, nginitian niya ako. Hinang-hina siya ngayon.

"Congratulations Ma'am! It's a girl!" babae pala ang baby ni Jean. Mas lalo siyang napangiti, hindi kasi siya nagpa-ultra sound gusto daw niya surprise, malalaman na lang niya pag naipanganak na.

Napabaling ako kay Jean at bigla siyang napapikit. Nawalan na pala siya ng malay. Agad pinatakbo ulit ang ambulansya para maisugod na sa hospital si Jean.

Wala naman daw ako dapat ipag-alala dahil normal naman daw yun baka lang daw napagod si Jean kaya siya nahimatay.

-**-**-

Jean's POV

'Pag mulat ko andito na ako sa hospital. Nakita ko si Liam, Dad at Ms. Aquino na sabay-sabay lumapit sakin.

"Are you okay na hija?" tanong ni Dad. Tumango ako saka nginitian sila. Pero medyo masakit pa din yung ano ko down there.

Biglang may kumatok sa pintuan at pagkabukas ni Ms. Aquino, nakita ko yung nurse na dala ang baby ko. Napangiti ako nang makita ko ang anak ko, ang anak namin ni Luigi.

Dinala ng nurse ang baby sa tabi ko at saka umalis.

"Ang cute ng apo ko!" sabi ni Dad sakin habang titig na titig sa first apo niya.

Tuwang-tuwa ako na babae ang anak ko. Sobrang cute niya talaga at ang ganda like her Mommy! Mana-mana lang yan!

Her eyes and her nose, katulad na katulad ng mata at ilong ni Luigi. Gosh! Mukhang nagmana pa ata si Baby kay Luigi. Sana andito siya para makita niya ang Baby namin. Na-imagine ko yung mukha ni Luigi kung andito siya, sobrang saya siguro niya.

"Anong pangalan ng anak mo?" tanong ni Ms. Aquino sakin. Matagal ko ng pinag-isipan ito.

"Luean Pauline po." sagot ko.

Luigi+Jean=Luean at sa second name ni Luigi na Paul, since girl ang baby ko naging Pauline. So Luean Pauline Claveria, my angel.

"Hi Baby Luean!" sabay-sabay nilang bati kay Baby. Napangiti naman ako sa pagtawag nila kay Baby na Luean at mukhang agree naman lahat sila sa naisip kong name.

Lumabas muna si Ms. Aquino at Dad para bumili ng pagkain. Si Liam naman natulog muna saglit sa sofa.

Dahil wala akong magawa kinausap ko muna ang anak ko na mahimbing na natutulog ngayon.

"Hi anak! Sorry ah wala ngayon dito Daddy mo pero alam mo ngayon palang andami ng nagmamahal sa'yo pero hindi ko naman sinabing hindi ka rin mahal ng Daddy mo, alam kong mamahalin ka nun pag nalaman niya na anak ka niya. Anak, sana lumaki ka ng maayos at mabait na bata. Mahal na mahal kita anak. Ngayon ikaw na lang ang kasama ko muna. Tayong dalawa na lang muna. Pero naniniwala ako anak na mabubuo din pamilya natin, babalikan din tayo ng Daddy mo." napaluha ako sa mga sinabi ko kay Baby Luean. Sobrang naawa ako sakanya kasi mukhang wala siyang kikilalaning ama dahil sakin. Hindi ko kasi siya ipinakilala kaagad sa Daddy niya.

Sorry anak. Hayaan mo gagawa ako ng paraan para masundan ang Daddy mo sa US. Ipapakilala na kita sakanya.

"Hey wag ka ng umiyak." narinig kong sambit ni Liam na gising na pala. Nilapitan niya ako. Biglang umiyak naman si Baby.

"Ayan mukhang magmamana pa sa'yo ang anak mo. Magiging iyakin din hays kawawang bata." hinampas ko si Liam sa sinabi niya. Napatawa na lang ako sa pinagsasabi niya.

"Uy thank you nga pala ah." sabi ko sakanya.

"For what?"

"For being there sa tabi ko palagi. Simula nung iwan ako ni Luigi andyan ka sa tabi ko para pagaanin ang loob ko, kayo nina Dad at Ms. Aquino. Kahit papaano gumagaan ang loob ko dahil sainyo." sabi ko sakaniya. Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Bumabawi lang ako sa'yo kasi nga diba ako ang dahilan kung bakit sumuko na lang bigla si Luigi sa relasyon niyo." matagal ko naman na siyang napatawad sa ginawa niya. Ganun talaga, siguro hindi na rin masaya si Luigi sa akin kaya hindi muna niya ako hinayaang mag-explain.

Alam mo yung parang ambilis lang ng relasyon namin ni Luigi. Naging secretary niya ako tapos niligtas niya ako kay Tito dati tapos niligawan na niya ako at naging kami. Naging kami na ganun lang kabilis pero ganun din kabilis ang pagbitaw niya sa relasyon namin.

Biglang dumating na sina Ms. Aquino at si Dad. Natuwa ako sa mga bitbit ni Dad. Nag-shopping pa talaga sila ng mga gamit ni Baby Luean. Ang cute lang kasi puro pink ang binili ni Dad.

Sobrang swerte ko din na natanggap ako ni Dad. Kahit wala si Luigi, andyan pa din siya para sa amin ng apo niya.

♥♥♥

My Favorite Mistake (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن