Kabanata 16

821 19 0
                                    

Jean's POV

Andito ako sa may lobby kasi may ka-meeting si Luigi sa office niya. I don't know kung babae or lalaki pero kung babae man...I trust him so hindi ko kailangang pagdudahan siya.

"Bespar!" napalingon ako kay Liam na hingal na hingal, siguro tumakbo siya papunta sakin. Inapiran niya ako.

"Oh kumusta? Hindi na tayo masyadong nakakapag-usap ah. Hindi rin kita nakikita kapag lumalabas ako sa office ni Luigi ay este ni Sir Luigi." natawa bigla si Liam.

"Paano ba naman si Boss nilagay ba naman ako sa may inflatable island para alalayan yung mga turista dun tapos ayun kaya nangitim na ako dahil palagi akong babad sa initan." natatawa ako sa kinu-kwento niya. Nakakaitim nga naman yun, akalain mo yun sobrang puti ni Liam mas maputi pa sakin tapos biglang nangitim.

"Nga pala may hindi ka kinu-kwento sakin ah. Nakakatampo lang kasi nalaman ko pa sa iba. Bestfriend mo ako pero hindi ka sakin nagsasabi." ano ba ang hindi ko naisasabi sakanya? Kahit kailan talaga ang arte ng lalaking ito.

"Ano yun?" tanong ko sakanya. Napakamot na lang siya sa ulo at inakbayan ako.

"Na boyfriend mo na si Boss Luigi." naubo ako. So alam na pala ng lahat? Ghad! Kaya pala kanina pagpasok ko lahat nakangiti sakin. Nakakapanibago lang kasi dati rati ang ngumingiti at bumabati lang sakin palagi ay si Manong Guard, si Ms. Aquino at si Liam. Pero ngayon, shocks! Nakakapanibago.

May narinig kaming umubo sa likod kaya biglang inalis ni Liam ang kamay niya sa mga balikat ko ng malaman niyang si Luigi pala ang nasa likod namin.

"Sorry sir, babalik na po ako sa trabaho. Kinausap ko lang po si Jean, kamustahan lang po ganun." tumango naman si Luigi at lumapit sakin sabay halik sa pisngi ko. Nagulat ako sa ginawa niya, buti na lang at walang tao.

Nakita ko ang mapait na ngiti ni Liam. Alam ko na may gusto siya sakin pero sinabi ko sakanya na hindi magwo-work ang relasyon namin kasi nga bestfriend lang talaga ang turing ko sakanya. Alam ko na kaya nag-aral siya sa ibang lugar dahil nasaktan siya sa sinabi ko kaya nga nagulat ako na pagbalik niya ay parang walang nangyari samin noon na dahilan ng paglayo niya sakin.

"Love, let's go to the resto. Magtatanghali na rin so sabay na tayong kumain." paalis na sana si Liam kaso bigla ko siyang pinigilan. Gusto kong gumaan man lang ang loob niya, alam kong hindi siya makakatrabaho ng maayos, kahit paano naman bestfriend ko pa rin siya.

"Liam, sabay ka na samin kumain." nakita ko ang mukha ni Luigi na gulat na gulat sa sinabi ko kay Liam. Kinurot ko siya sa tagiliran niya at napaliyad siya ng dahil dun.

"Ahh oo sige! Masaya yun, sumabay ka na samin." good boy. Akala ko tututol siya.

"Talaga boss?! Sige!" tuwang-tuwa na sabi ni Liam kaya tumungo na kaming tatlo sa resto ng aming resort at nakahanda na pala dun ang table namin at may mga pagkain na din.

Inalalayan ako ni Luigi sa pag-upo at katabi ko siya. Samantalang si Liam ay kaharap ko naman. Nagsimula na kaming kumain, andaming mga ulam, iba-ibang putahe. Alam kong hindi namin mauubos ito kaya sasabihin ko na lang kay Luigi na i-take out ko na lang. Hahaha! Wala akong ulam mamayang gabi sa bahay eh.

"Love, try this! Kakahuli lang niyan kanina. Pinahuli ko sa isang staff natin dyan sa may laot. I'm sure magugustuhan mo ito kasi fresh pa." iniabot niya sakin yung sinaing na tulingan at inilagay niya sa plato ko.

Shems, allergic ako dito pero hindi ko kayang tanggihan kask syempre nag-effort pa si Luigi para dito. I don't want to dissapoint him.

Kinuha ko na yung tinidor at nanginginig ang kamay ko. Last time na kumain ako nito ay nung bata pa ako, bigla akong nagkalagnat ng sobrang taas tapos tinubuan ako ng malalaking pantal na animo'y kinagat ng malaking langgam. Tapos hindi rin ako makahinga nun, hinahabol ko ang hinga ko. Then, I knew na allergic pala ako sa tulingan.

Isusubo ko na sana kaso tinabig ni Liam ang tinidor at nahulog ang tinidor na may laman na tulingan sa sahig. Nagulat ako sa ginawa niya, oo nga pala alam din ni Liam na allergic ako sa tulingan.

Nagulat ako ng biglang tumayo si Luigi at nakakuyom ang kanyang mga kamao. Halatang nagalit siya sa ginawa ni Liam. Pati si Liam napatayo na rin, nagtinginan na yung mga tao na kumakain sa loob ng resto.

"Ano ba pre! Bakit mo tinabig yun?!" galit na galit si Luigi. Pinapakalma ko siya pero hindi siya nakikinig sa akin.

"Boss muntik mo ng mapatay si Jean dahil dun!" sabi ni Liam sakanya, tiningnan ako ni Luigi na para bang nagtataka sa sinabi ni Liam.

"Kakain lang siya ng isda pre! Hindi siya mamatay ng dahil dun. At sisiguraduhin kong hindi mapapahamak si Jean hanggang kasama ko siya!" sagot ni Luigi. Hinawakan ko ang laylayan ng damit ni Luigi para paupuin siya kaso ayaw talaga niya, nakakahiya na kasi, nakatingin na ang mga tao.

"Hindi mo pa nga siya kilala boss." sarkastikong pagkakasabi ni Liam kay Luigi at bigla niyang kwinelyuhan si Liam. Napatayo ako bigla at pinipigilan si Luigi. Kung tutuusin napakaliit ng bagay ng pinag-aawayan nila. Hindi ko alam kung bakit galit na galit sila sa isa't isa. Lumapit na din yung mga guard para awatin ang dalawa.

"Paano mo naman nasabi na hindi ko pa siya kilala?! I know everything about her! Alam kong mas matagal na kayong magkasama pero mas madami pa akong alam ng tungkol sakanya." napangisi si Liam sa sinabi ni Luigi.

"Really boss? Sorry ah pero muntikan mo na siyang mapatay tapos sasabihin mo na mas madami ka pang alam sakanya? She's allergic sa tulingan! Yun ang pinupunto ko! Nung kumain siya niyan dati, kailangan niya ng oxygen para makahinga ng maayos!" binitawan ni Luigi ang kwelyo ni Liam at saka umalis na lang bigla.

"Liam, sorry and thank you. Susundan ko lang siya." umalis na ako sa resto at sinundan si Luigi. Naabutan ko pa siyang naglalakad at tinatawag ko siya pero hindi siya lumilingon at binibilisan niya ang paglalakad niya hanggang sa makarating na kami sa loob ng office niya.

Umupo siya sakanyang swivel chair at tumalikod sakin.

"Luigi. Hindi mo kailangang gawin yun kay Liam." pangaral ko sakanya. After all, naging magkaibigan rin naman sila ni Liam.

Biglang may tinawagan siya, si Ms. Aquino.

"Hello Ms. Aquino? Please tell Liam na pumunta sa office after his duty, I will give him his LAST SALARY!" sabi ni Luigi sabay end ng call. Shems! Hindi pwede ito!

"Luigi? Huwag mo namang gawin yun. Para lang dun, gaganunin mo na kaagad si Liam? Luigi please, wag mo siyang alisin sa trabaho niya. Ako na ang nakikiusap sayo." iniikot niya ang swivel chair niya at ngayon ay magkaharap na kaming dalawa.

"Importante talaga siya sa'yo ano?" ano bang sinasabi niya? Hindi ko maintindihan kung ano ba ang nangyayari sakanya. Nagseselos ba siya? Wala naman siyang dapat na ipagselos kasi siya naman ang mahal ko.

"Luigi hindi sa ganun pero--"

"Bakit hindi mo na lang tinanggihan yung pag-alok ko sa'yo kanina? Bakit hindi mo na lang sinabi sakin na you're allergic to that kind of fish?!" seryosong tanong niya sakin.

"Kasi nag-effort ka. Ayokong masayang lahat ng efforts mo." sabi ko sakanya.

"Pero tama si Liam, muntikan ka ng manatay ng dahil sa akin." malungkot na pagkakasabi niya.

"Huwag ka ngang maguilty. Buhay ako oh! Buhay na buhay!" sabi ko sakanya. Agad niya akong niyakap.

"Love, I'm sorry. Sorry sa ikinilos ko kanina. I just can't control my feelings when I'm jealous. Nagseselos ako kasi mas kilala ka pa nga ni Liam at whenever I see you na kasama siya, feeling ko sobrang saya mo at naiinis ako kasi hindi ako ang dahilan ng pagtawa o pagngiti mo. Pero don't mind me, alam kong napaka-immature ng ginawa ko." paliwanag ni Luigi. Niyakap ko siya ng mahigpit. Gusto kong iparamdam sakanya na siya talaga ang mahal ko kaya hindi niya kailangang magselos sa iba kasi nasakanya ang puso ko.

"I love you." he said and the next thing I know. Hinahalikan na niya ako, we kissed before pero ito parang iba. Nakakaramdam ako ng kakaibang kuryente sa buong katawan ko.

♥♥♥

My Favorite Mistake (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon