Kabanata 25

809 18 3
                                    

[Play the song Sana By: I Belong to the Zoo while reading this chapter.]

After 3 years...

Jean's POV

"Kayo na ang bahala kay Baby muna ah." bilin ko kay na Ms. Aquino. Hinatid ako nila dito sa airport, hindi naman ako masasamahan ni Dad kasi biglang may emergency na nangyari sa resort at kailangan niya munang ayusin yun.

So mag-isa lang akong pupunta sa US. Nakapunta naman ako dun dati pero tatlong taon na ang nakalipas nung last akong pumunta nung namatay si Ma, na Mama ni Luigi.

Binuhat ko muna si Baby Luean. Two years old na siya ngayon at hindi pa rin umuuwi ang Daddy niya. So I'm doing this for my daughter, gusto kong makilala siya ng Daddy niya.

"Anak, promise hahanapin ko Daddy mo." sabi ko kay Baby Luean saka niyakap siya. Nagpaalam na ako kay Liam at Ms. Aquino, binili ko din na alagaan nila si Baby Luean.

Sumakay na ako ng eroplano. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Masaya na kinakabahan.

Masaya kasi after 3 years makikita ko na ulit si Luigi, kinakabahan kasi hindi ko alam kung galit pa rin ba siya sakin. Hindi ko alam kung paniniwalaan pa ba niya ako. Natatakot ako na ma-reject at ipagtabuyan niya pero ginagawa ko ito para sa anak namin. Ayaw kong lumaki siya na walang kinikilalang ama.

-**-**-

At Birminghan, United States...

Sa wakas nakarating na din ako dito sa village nina Luigi.

Andito na ako sa harap ng bahay nila. Kinakabahan ako para bang ang bibigat ng hakbang na ginagawa ko sa sobrang kaba. Hindi ko alam ang sasabihin ko pag nagkita kami.

Hi? Hello? Musta?

Gosh! Jean just be yourself, huwag na huwag kang kabahan. Kaya mo yan!

Hindi ko namalayan na andito na pala ako sa tapat ng pintuan ni Luigi. Nag-doorbell na ako.

Kinakabahan ako nung unti-unting bumukas ang pinto. Akala ko si Luigi ang nagbukas, hindi pala kundi si Amber, Amber Alhambra. Naalala ko siya, siya yung nakilala ko dati sa funeral ni Ma.

"Oh look who's here." sarkastiko niyang pagkakasabi. Bakit ba andito siya? Asan ba si Luigi?

"Babe sino yan?" isang pamilyar na boses ang narinig ko. Tama, boses ni Luigi yun.

Babe. Pumintig ang tenga ko sa narinig ko. Talagang kinalimutan na niya ako. May mahal na siyang iba. Samantalang ako nagpapakahirap na alagaan ang anak naming dalawa at siya? Andito lang nagpapakasaya.

Nilingon ko ang dumating na lalaki na nasa tabi na ngayon ni Amber. Hindi pa rin nagbago ang mukha niya, ganun pa din siya.

"Jean?" gulat na gulat siya nung makita niya ako. Nginitian ko siya. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang tanggapin ang katotohanan na wala na talagang pag-asa sa relasyon namin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"K-Kasi Luigi may anak tayong dalawa. Luigi 2 years old na siya ngayon at hindi ko kayang wala siyang kilalanin na ama." bigla siyang tumawa. Akala ko di siya nagbago. Nagbago pala siya. Nagbago na ang ugali niya. Hindi ko na siya kilala. Ibang Luigi ang nakilala ko at hindi yung nasa harap ko ngayon.

My Favorite Mistake (Completed)Where stories live. Discover now