Simula

2.5K 42 7
                                    

"Goodmorning Sir, I'm Jean Aleika Salvia applying for a Secretary position." inikot ko ang aking swivel chair upang makita kung sino ang magiging secretary ko.

Since bagong upo lang ako dito as a CEO kasi ipinaubaya na sakin ito ni Dad and the first thing I need to do is to find a secretary.

Kinilatis ko siyang mabuti. She looks nice and I admit that she's also beautiful but I don't know  if she's really qualified to be my secretary. Ang gusto ko kasi sa secretary ko mabilis kumilos at hindi patamad-tamad. Gusto ko rin na agarang susundin niya ang iu-utos ko nang hindi ko na inuulit pa.

"Uhmm Sir here's my resume." ibinigay niya sakin iyon.

I scan her resume. Highschool graduate lang siya? Well, hindi naman sa hinuhusgahan ko siya pero kakayanin ba niya ang trabaho na ito? I mean may alam ba siya sa mga ginagawa dito sa resort?

Claveria's Resort and Restaurant is a five-star resort here in Batangas. Ang daming dumadayo dito lalo na ang mga foreigners. So talagang malaking suliranin ito sakin and I need a secretary na alam ang lahat dito sa resort so that pwede niya akong matulungan.

"Uhmm Sir alam kong naga-alangan kayo kasi highschool graduate lang ako pero promise ko po sainyo gagampanan ko po ng mabuti ang trabaho ko. Lahat po ng iutos niyo gagawin ko." I like her confidence, she's also brave kasi hindi siya nasisindak sa pagtaas ko ng kilay sakanya.

Well, I will test her. If she's not good then I'll fire her. Ngayon, kailangan ko lang talaga ng makakatulong sakin so pagtitiisan ko muna siya.

"Okay you're hired. Make sure na ayusin mo ang trabaho mo kasi hindi ako naniniwala sa word na second chance kaya pag may nagawa kang mali, I'll fire you!" banta ko sakanya. Well, gusto ko talagang maging strict sa mga empleyado ko. I need that kasi kung ituring ko sila na kabarkada lang natatakot ako na baka mamaya pa-chill chill na lang sila while I am working.

"Thank You Sir, promise po hindi po kayo magsisisi sa pagkuha sakin." kinamayan niya ako and weird cause she's really desperate to get that job I mean siguro wala na siyang ma-applyan so lucky you dahil kinuha kita.

"Okay so you'll start your day tomorrow. And also bukas daanan mo kay Mrs. Aquino yung mga libro about dito sa resort. Dun nakalagay lahat ng mga backgrounds about sa hotel natin including our investors and many more so I need you to study it." tumango naman siya at pagkatapos naming magkaliwanagan ay umalis na rin siya sa kwarto.

Sobrang daming papeles na nakalagay sa table ko. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong opisina. Dati rati tumatakbo lang ako dito habang pinagmamasdan si Dad na nagta-trabaho.

"Dad, ang dami niyo naman pong pinipirmahan. Hindi po ba kayo nangangalay niyan?" tanong ko kay Dad na isa-isang pinipirmahan ang mga papeles na nakalagay sakanyang lamesa. Kasi naman hindi ba siya nangangalay? Ako nga eh kapag pinagsusulat ng teacher namin sa papel ko ng "Hindi na ako mag-iingay" back to back pa yun! Ay nangangalay na ako hays.

"Anak, okay lang na pumirma ako ng pumirma dito at hindi ako mapapagod kasi ito ang dahilan kung bakit nakukuha mo ang lahat ng gusto mo. Dito nanggagaling pera natin." ha? Kumunot ang noo ko. Paanong magkakaroon ng pera sa pagpirma lang? Sabi ng teacher ko dapat daw mapapawisan ka dahil yun daw ang tanda ng kasipagan at pagsisikap, dun ka daw magkakapera. Pero si Dad di naman pinagpapawisan eh ay oo nga pala may aircon.

"Alam ko anak na naguguluhan ka pero someday maiintindihan mo rin ang mga pinagsasabi ko kasi sayo rin ito mapupunta lahat." sabi ni Dad. Ano? Ibig sabihin ipapasa niya sakin yang mga papel na yan at saka ako pipirma? Hays Dad, hindi tayo niyan yayaman kung tatamad-tamad ka sa pagpirma niyan dapat pa nga pinagpapawisan ka eh.

And here I am I'm the new CEO of our resort. Dati hindi ko ito pinapansin at sineseryoso pero ang resort na ito ang isa pala sa pinakamahalaga naming ari-arian na hindi pwedeng bumagsak at mawala.

Kaya dapat ipagpatuloy ko ang ginawa ni Dad. Actually, natatakot ako na baka di ko mapantayan o mahigitan man lang ang ginawa ni Dad for this resort pero ayaw kong ma-dissapoint si Mom especially Dad.

Humiga na ako sa aking kama. Nagpalagay talaga ako ng kama dito sa loob ng aking opisina para kapag may unfinished works ako na kailangan na kailangan ko na talagang gawin okay lang na gabihin ako kasi may higaan naman ako dito.

Tulad ngayon, summer so andaming turista ang dumadayo dito. Kailangan ko talagang mag-isip ng plan kung paano ia-accommodate ang napakaraming turista.

What if magdagdag kami ng rooms and also I think kailangan naming mag-upgrade ng mga activities dito sa resort para hindi sila halos sa pool naliligo, malaki naman ang pool may pang-adult and children pero ang pangit namang maligo pag crowded diba? May mga naliligo rin naman sa dagat kaso yung mga ayaw sumabak sa initan sa pool pa rin talaga pumupunta kasi medyo malilom doon dahil sa mga puno.

So kailangan may paglibangan sila aside from the pool. Ang available pa lang na mga activities dito ay kayaking, banana boat, island hopping and scuba diving. Gusto kong magkaroon dito ng inflatable island, bago lang yun and madaming resort ang may ganun so baka they're expecting na dito merong ganun din. And also baka dayuhin talaga kami ng mga turista kasi hindi lang basta-basta may inflatable island kami dito may accent pa ng Taal Volcano sa likod so picture perfect talaga, gaya nga ng sabi ng iba instagrammable.

Kailangan ko munang i-consult ito sa mga board members syempre hindi porket na CEO ako eh masusunod na kaagad ang gusto ko, syempre I need their opinions too.

Almost 12 midnight na. Di pa rin ako makatulog so lumabas muna ako para magpahangin. May mga guest na nasa labas pa rin pero tahimik pa rin ang buong lugar tanging tunog lang ng mga alon ang maririnig mo.

Naglakad-lakad ako sa dalampasigan. Iniisip ko kung magiging mabuti ba akong CEO? Magagawa ko kaya ang mga nagawa dati ni Dad? Magagampanan ko ba talaga ng maayos ang aking tungkulin? Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay gagawin ko ang lahat para mapantayan o mahigitan pa ang lahat ng ginawa ni Dad para sa resort na ito.

Sa di kalayuan, may nakita akong isang babae. Hindi na nasasakop ng ilaw iyong parte na iyon kaya madilim. Anong ginagawa niya roon baka mapahamak siya.

Agad ko siya pinuntahan para sabihin sana na kung gusto niya mapag-isa dapat dun siya sa may liwanag man lang.

Wait parang pamilyar siya. Tama, siya yung hinire kong new secretary ko.

"Uhmm Ms. Salvia right? Anong ginagawa mo rito? Bakit andito ka?" lumingon siya sakin at nakita kong umiiyak siya at pugtong pugto na ang kanyang mga mata.

"Are you okay?" tanong ko sakanya pero tinitingnan lang niya ako at para bang may gusto siyang sabihin pero kita ko sa mga mata niya na natatakot siya.

My Favorite Mistake (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat