Pagdating ko sa labas nagulat ako ng makita yung bridal car na gagamitin ko.

Ahhmm. Iyan po kasi ang gusto ni Mr. Montereal. Nakangiting paliwanag nito.

Sumakay na ako sa loob ng sasakyan.

Napaka ganda po ninyo ngayon Ms. Dizon. Magalang na papuri sa akin ni Butler Seo. Siya ang driver ng sasakyan ngayon.

Salamat po. Nginitian ko naman siya ng napakatamis.

Gail. Agad akong napatingin sa tumawag sa akin sa may kaliwa ko kasabay din noon ay ang paghinto ng oras.

Shin. Agad ko naman siyang niyakap.

Gusto lamang kitang makita sa araw ng kasal mo. Marahil ito na ang masayang araw para sa iyo dahil nakikita ko ang ningning sa iyong mga mata. Nakangiti akong tumango kay Shin. Masaya akong nakikita kang masaya. Gusto lang kita makita sa huling sandali mo habang hindi ka pa natatali sa mortal na iyon. Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya.

Shin naman eh! Natawa lang ito kaya nagulat ako. Si Shin tumatawa?!!

Nagbibiro lamang ako pero pwede mo din sundin kung nagbago ang iyong isip. Sabay tawa ulit nito. Muli ulit kitang bibisitahin pag nagkaoras ako. Mag iingat ka. Niyakap ko siyang muli at matapos ito ay bumalik na muli ang takbo ng oras.

Pagdating ko sa simbahan. Lahat sila ay abala, nakapila na ang mga abay at mga sponsor.

Bigla ata akong nakaramdam ng kaba.

Mrs. Montereal kayo na po ang maglalakad. Inalalayan naman nila akong bumaba ng sasakyan at inayos nila ang aking gown.

Handa na po kayo? Tumango naman ako sa wedding organizer at huminga ng malalim kasabay nito ang pagbukas ng pintuan ng simbahan kung saan sinalubong ako ng ngiti ng napakadaming taong saksi sa aming pag iisang dibdib.

Nag umpisa na akong maglakad. Napaka ganda ng simbahan na napili ni Xave, maging ang dekorasyon nito ay napakaganda din.

Nang mag umpisa akong maglakad ay sinabayan ito ng isang kanta. Pamilyar ang boses ng kumakanta kaya agad akong napatingin sa unahan bahagi ng simbahan kung saan siya nag iintay.

Siya ang kumakanta habang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasan na maluha sa sobrang saya. Totoo pala iyong nakikita ko sa palabas tungkol sa babaeng umiiyak sa kasal nila.

(A/N: Ito ang kinanta ni Xave)

Nang matapos ang kanya niya ay saktong nakarating din ako sa unahan kung saan siya naghihintay. Nakita ko na halos mangiyak-ngiyak siya.

Hinawakan naman niya ang kamay ko nang napakahigpit at nakangiti namin hinarap ang pari.

Nag umpisa ang seremonyas ng kasal hanggang sa nakarating sa part kung saan magbibigay kami ng vows para sa isat-isa.

Flat woman. nakarinig kami ng tawanan mula sa mga tao dito sa simbahan kaya napanguso ako. Tinawanan lang ako ni Xave. Bago ka dumating sa buhay ko, sobrang gulo nito. Walang direksyon ang buhay ko at puno ng galit ang puso ko. Nang dumating ka nagbago ang lahat, tinuruan mo ako ng mga bagay na hindi ko inakalang magagawa ko, ang magpatawad at higit sa lahat ay ang magmahal. Napangiti naman ako. Madami tayong pinagdaanan bago tayo makarating dito and isa lang ang mapapangako ko sa harap niya at nila. I will love you until my last breath. I love you flat woman. Pinahid ko naman ang luhang kumawala sa mga mata ko.

Xave, nung una wala sa plano ko ang mga ito pero nung nakilala kita madami akong natutunan. Iba-ibang pakiramdam na hindi ko inakala na mararamdaman ko. Naranasan kong umiyak, masaktan, mag sakripisyo, mag selos at gaya mo magmahal lahat ng iyon naramdaman ko ng nakilala kita. Hindi ako nagsisi na ikaw ang lalaking aking minahal at sayo ko pinagkatiwala ang puso ko. Sinubok man tayo ng tadhana, pinaghiwalay man tayo at nakalimot. Tadhana rin ang naging dahilan para magkita at magkasama tayo ngayon. Masaya ako dahil ikaw ang lalaking makakasama ko hanggang sa huling sandali ng buhay ko. Mahal na mahal din kita Xave. Nakangiti kong sabi. Iniwas naman ni Xave ang tingin niya sa akin at sandaling pinahid ang kanyang luha.

Nagpatuloy ang pari sa seremonyas at nang dumating ang oras na pinakaiintay ng lahat.

I pronounced you husband and wife. You may now kiss your bride. Masayang anunsyo ng pari. Agad naman akong hinapit ni Xave. Inianggat niya ang aking belo. Nginitian ko naman siya.

You're mine now, flat woman. Sabay halik sa akin at narinig ko ang palakpakan ng mga tao. Hindi parin bumibitaw si Xave.

Hoy! Mamaya na iyan Xave!! I save mo na iyan para sa honeymoon. Sigaw ni Treston kaya nakatanggap ito ng masamang tingin kay Xave at naging dahilan kung bakit napuno ng tawanan ang mga tao sa loob ng simbahan.

Mahina din akong natawa dahil inis na inis si Xave. Stop laughing wife, Remind me to punish you later for doing that Xave's way. Sabay ngisi niya sa akin. Can't wait to do that. Bulong niya sa akin kaya naman namula ang mga pisngi ko.

Sinalubong naman kami ng mga kaibigan namin at binati.

Madami man kaming pinagdaanan ni Xave para humantong kami sa kasiyahan na meron kami ngayon. Kailanman ay hindi ko ito ipagpapalit kahit na sa una hindi maganda at hindi umayon sa amin ang tadhana. Dahil sa mga panahon na iyon, madami akong natutunan at sa panahon na iyon nakilala ko ang taong mamahalin ko panghabangbuhay.

I love you wife. Bulong ni Xave bago ako halikan kasabay noon ay ang pagflash ng camera.

Nice shot Mr. Montereal. Sigaw ng photographer.















End.
——————————————————
A/N: This is it. Oh my Angel! reach its ending. Salamat sa lahat ng sumuporta at sumubaybay sa kwento ng buhay ni Gail at Xave.

Salamat sa mga taong patuloy na nag comment at nag vote ng kwento ni Xave at Gail.

Love na love kayo ng 7aces at  ni Gail. Hanggang sa muli my dear readers.

Oh My Angel is signing off....

Oh my Angel!Where stories live. Discover now