-95-

249 13 14
                                    

[Sky]
Ilang araw ng nawawala si Gail. Wala kaming balita kung nasaan siya. Matapos kaming ipatawag ni Uno at sabihin ang nangyari ay agad kong nakuyom ang kamao ko. Kung sino man ang kumuha kay Gail, ay humanda siya dahil hindi lang galit ni Uno ang haharapin niya kundi pati na rin ang galit ng 7aces.

Ilang araw ng walang tigil sa kakahanap at kakaisip si Uno. Mainit lagi ang ulo nito. Muntik na nga maospital dahil sa suntok niya yung naka assign na security ng school.

Nakita kasi sa footage ng school kung sino ang kumuha kay Gail pero hindi malinaw ang mukha nito mukhang pinagplanuhan ang ginawa niya.

Wala pa rin bang balita kay Gail? Naiiyak na tanong ni Cindy. Agad naman siyang inalo ni Seven.

Wala kaming masagot sa kanya dahil lahat kami ay walang ideya. F*ck! ang hirap nito wala manlang kaming magawa.

Nakakatakot ang aura ni Uno ngayon, parang kayang-kaya niyang pumatay ngayon.

Napasuntok nalang ako sa dingding sa sobrang inis.
——————————————————
[Gail]
Boss, pagkatapos mo bang patayin si Uno, pwede mo bang ibalato sa amin ang babaeng iyan? Rinig kong sabi ng isang lalaki. Hindi ko sila nakikita dahil may piring ang aking mga mata. Nakatali din ang aking bibig at kamay.

Nagulat naman ako ng makarinig ako ng putok ng baril.

Walang gagalaw sa babaeng iyan, ang sumuway sa utos ko isusunod ko dito sa g*gong ito. Agad naman akong natakot matapos marinig ang boses niya kung ganun siya yung bumaril sa lalaking nagsalita kanina?

Naramdaman ko naman na lumapit siya sa akin. Nagulat ako ng hawakan niya ang baba ko ng mahigpit.

Magaling pumili si Montereal. Higit na mas maganda ka kesa kay Trixie. No doubt, nagustuhan ka ng kapatid ko. At marahas naman niya akong binitiwan. Kapatid? Sinong kapatid niya?

Hayaan muna natin mabaliw si Montereal kakaisip at kakahanap sayo. At narinig ko ang mala demonyo niyang pagtawa.
——————————————————
Hindi ko alam kung ilang araw na ang lumipas pero sobrang tagal ko na dito. Pinakakain naman nila ako pero nanatili parin akong nakapiring. Tinatanggal nila ang tali ko sa bibig sa oras na papakainin nila ako.

Sayang di ka pwedeng tikman. Mukhang masarap ka pa naman at mukhang mabango. Agad akong kinilabutan ng maramdaman ang pag amoy sakin ng lalaking ito. Amoy sigarilyo at alak siya. Siguro pwede ka naman tikman kahit sandali wala naman si boss ngayon eh. Agad akong nabalot ng kaba dahil sa sinabi niya. Taimtim akong nagdasal, humihiling na sana ay wag ituloy ng lalaking ito ang balak niya sa akin.

Dahan-dahan naman niya akong hinaplos ng malapit na siya sa maselan kong parte ay nakarinig ako ng putok ng baril kasabay noon ay ang pagtalsik ng kung anong bagay sa mukha ko, narinig ko din ang pagbagsak ng isang bagay malapit sa akin.

Sinabi ko na diba? walang gagalaw sa babaeng iyan. Sana magsilbing leksyon iyan sa inyo. Itapon na ninyo ang bangkay niyan ayaw ko ng kalat dito. Narinig ko na naman ang boses niya. Ipinagpasalamat ko nalang ang pagdating niya kahit papaano naligtas ako sa lalaking may nais gawin saking masama.

Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa akin sabay tanggal ng tali ko sa bibig. Ano bang kailangan ninyo sa akin? Sino ka ba? Sunod-sunod kong tanong.

Shh... malapit mo ng malaman. Wag kang atat. At tumawa ulit siya ng malakas.
——————————————————
[Xave]
F*ck ilang araw nang nawawala si Gail at wala manlang kaming kahit anong lead kung nasaan siya.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now