-84-

245 8 19
                                    

[Gail]
Pagkapasok na pagkapasok namin sa school, usap-usapan ngayon dito ang isang international exchange student. Ayon sa announcer, lahat ng estudyante ay pinapunta sa hall para sa isang announcement.

Ano kaya ang inaannounce nila? Tanong sakin ni Cindy.

Siguro yung tungkol sa exchange student. Nagkibit balikat nalang si Cindy sa naging sagot ko.

Tingnan mo oh! Umatend din ang 7aces. Mukhang big deal ang announcement na ito. Napatingin naman ako sa tinuro ni Cindy. Tama nga siya nandito nga ang 7aces pero kulang sila wala si Xave.

Naramdaman ko naman ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko ito, may text galing kay Xave.

From: Xave
Tambayan. Now.

Napairap naman ako matapos kong mabasa ang text ni Xave. Napabuntong hininga naman ako at agad tinago ang cellphone ko sa bulsa.

Saan ka pupunta Gail? Nagtatakang tanong ni Cindy.

Mag ccr lang ako Cindy.

Sama na ako sayo. Umiling naman ako.

Wag na. Baka mawalan tayo ng pwesto. Madali lang naman ako. Nginitian ko na siya at nagpaalam.

Agad naman akong lumabas ng hall at pumunta sa tambayan. Ingat na ingat akong wag makita ng SSC at mga guro dahil siguradong mapapagalitan ako.

Pagdating ko sa tambayan ay agad kong hinanap si Xave. Nakita ko naman itong nakaupo at mukhang malalim ang iniisip.

Lumapit naman ako sa kanya. Bakit mo ako pinapunta dito? Tsaka hindi ka ba aatend sa hall ngayon? Nanatili parin itong tahimik.

Flat woman. Hindi ko naman siya sinagot gantihan lang no! Diba gusto mong malaman kung paano mo ako tutulungan?

Oo, kaso hindi mo naman sinasabi.

I need you to help me para iwasan at pagselosin ang isang tao. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

Sino naman? Fangirls mo?

Nope. Someone from my past. Malamig niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Napabuntong hininga naman ako. Wala naman na ako magagawa kasi pumayag na ako kahapon kahit hindi naman talaga ako pumayag. Misyon ko parin si Xave at parte nito ay tulungan siya.

Kelan ba ito? At sino siya?

Soon, you will meet her. Matapos namin mag usap ay pinabalik na niya ako. Kaso pagbalik ko kakatapos lang ng announcement at palabas na ang mga tao. Ayos ah! Mukhang wala na akong inabutan.

Gail!! Boses palang ay alam ko na kung sino ang tumawag sa akin. Nang makalapit siya sa akin ay agad niya akong sinermunan. Akala ko ba mag ccr ka lang? Eh bakit hindi ka na nakabalik?

Nakita ko kasi si Xave habang pabalik ako kaya sinundan ko siya. Napailing nalang sa akin si Cindy at hinatak na ako palabas ng hall. Tungkol nga pala saan yung announcement? Naalala kong tanong.

Tungkol lang sa exchange student na makikisit in sa class ng section ng 7aces. Walang ganang sagot ni Cindy.

Teka! May problema ba? Bakit parang nawala ka sa mood? Umiling lang ito at hindi na sumagot. Nakakapagtaka naman.
——————————————————
Nang matapos ang klase namin ngayong umaga ay balik na naman sa usapan tungkol sa exchange student ang mga kaklase ko. Naririnig ko pa nga na sinabi ng isa sa kanila na bumalik na daw. Sino ba iyon?

Oh my Angel!Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα