-3-

431 19 0
                                    

Gail's POV
Andito parin ako sa itaas ng building. Isa nalang ang iniintay ko matatapos ko na ang misyon ko. Agad kong binuklat ang libro pero nagulat ako sa nakita ko. Anong nagyayari sa libro.

Anong nangyayari sa libro? Bakit di ko maintindihan ang nakasulat at ambilis pa ng pagpapalit palit. Binali-baliktad ko ang libro nagbabaka- sakaling maayos ko ang pagbabasa ng pangalan ng susunod kong misyon.

Hay!! Nakakainis naman ito kung kelan ikasampung tao na saka pa nagkaaberya. Itinaas taas ko pa ito at pinaikot ikot ng di sinasadyang malaglag ko na naman ito.

Hay! Ano ba yan? Nakakainis na ah. Agad akong naglaho para kunin ang libro ko.

Pagdating ko sa baba agad kong pinulot ito. Buti nalang di ito nagdumi tumayo na ako para basahin na ulit yung laman ng libro ng di inaasahang pagharap ko nakasalubong ko ang isang lalaki agad nagkaroon ng parang force field sa pagitan namin at pareho kaming nagulat maya maya pa ay tumalsik kami pareho at biglang nagdilim na ang paningin ko.

Someone's POV
Anong nangyari? Bakit parang may tinamaan ako. Agad akong napalingon sa paligid nandito pa din ako sa harap ng hospital. Nagulat ako ng may makita akong babaeng nakahiga at walang malay, wag mong sabihin na siya yung nakabunguan ko. Agad akong lumapit sa kanya.

Miss? Miss? gising! Nang hindi siya magising agad ko siyang dinala sa loob ng hospital. Agad din naman siyang inasikaso ng mga nurse na nakaduty dun. Umalis lang ako saglit para asikasuhin ang labi ng kapatid ko ibinilin ko na siya kay Nana Ising hanggang ngayon di  ko parin tanggap ang pagkawala niya. Masakit  sobrang sakit.

Iho? Agad na tawag sakin ni Nana pagkakita niya sakin.

Nana kayo muna bahala kay Sammie. Di ko pa kaya na makita siyang ganun. Sobra akong nasasaktan Nana. Iniwan ko na si Nana. Masakit man pero di ko pa talaga kaya. Agad akong bumalik sa babaeng dinala ko dito. Buti naman at gising na siya.

Buti naman at gising ka na. Agad napalingon sakin ang babae at base sa mukha nito ay gulat na gulat siya.

Nakikita mo ako? Gulat parin niyang tanong habang nakaturo sa sarili niya. Ano ba akala niya magiging invisible siya.

Oo, gusto kong magsorry sa nangyari di ko sinasadya di kita napansin. Parang di niya ako naririnig at parang wala lang sa kanya yung sinabi ko. Bumubulong pa siya.

Di maari ito. Hindi talaga ito pwede. Ang libro? Tama nasan ang libro ko? Maya maya pa parang may hinahanap siya. Ang weird ng babaeng ito.

Patuloy parin siya sa paghahanap ng kung anong bagay. Hanggang sa bigla siyang bumangon at nagmadaling lumabas.

Sandali Miss!! Hinabol ko siya, nakita ko siyang may hinahanap kung saan kami nagkabanggaan kanina.

Nasaan na ba kasi iyon? Hindi iyon maaring mawala.

Agad akong lumapit sa kanya. Agad ko siyang kinausap.

Miss sandali ano ba ang hinahanap mo? Agad siyang tumigil sa ginagawa niya at tumingin sakin.

May nakita ka bang libro dito?

Wala. Wala ka naman din hawak nung nabangga kita.

Kasalanan mo ito eh. Bakit ka kasi bigla sumulpot sa likod ko!! Maiyak iyak niyang sabi.

Look Miss I'm sorry hindi ko ginusto na banggain ka at mawala yang libro mo. Nagawa niya pa akong sisisihin.

Mukhang okay ka na naman I'll go ahead marami pa akong gagawin don't worry bayad na ang bill mo. At iniwan ko siya doon. Sino ba naman ang gugustuhin makabangga ng tao. Marami na ako iniisip dadagdag pa siya.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now