-40-

247 14 0
                                    

[Gail]
Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko, pinagsabay ko ang pagtatype at pagkain. Kailangan ko kasi ito matapos dahil may practice ang glee club mamaya.

Gail, ito na yung pagkain--- oh! May pagkain ka na pala? Saan galing iyan? Hindi kita nakita kanina sa cafeteria.

Galing ito kay Liam kanina, pasasalamat daw niya sa hard work ko.

Ha? K-kay M-Mr. President ba ang sabi mo?

Ah oo, bakit may problema ba?

Wala naman, nakakapanibago lang kasi ngayon lang nagbigay ng pagkain para sa staff si President ng personal madalas by team ang ginagawa niyang panglilibre. Kahit si ate Liz hindi niya pa nabibigyan ng personal.

Hay naku Cindy! Wag mo bigyan ng kahulugan ito. Ayaw niya lang siguro magutom ang secretary niya sa panahon na abala sa paghahanda. Alam niya kasi na mahihirapan siya pag walang gagawa ng ganitong trabaho dahil sa sobrang abala niya.

Nagkibit balikat lang si Cindy.

So, ako nalang ang kakain ng binili ko. Sayang ngayon pa naman ako nanlibre. Agad ko naman kinuha ang pagkain na binili niya.

Oy! Binili mo ito para sa akin, minsan lang ito. Kakainin ko din ito. Biro ko kay Cindy.

Sige na gawin mo na iyan, babalik na din ako sa trabaho ko. At bumalik na siya sa table niya para gawin ang task niya.

Lumipas ang oras na abala na ang lahat. Nag print nalang naman ako kaya naisip kong gumawa ng kape para sa lahat.

Isa isa ko itong inabot sa kanila, pinasalamatan naman nila ako, nginitian ko naman sila at bumalik na ulit sila sa ginagawa nila.

Inabutan ko din ng kape si Sky na abala sa ginagawa niya.

Thanks Gail. Ngumiti lang ako sa kanya at pumunta sa office ni Liam. Kumatok lang ako at binuksan ko na ang pinto. Naabutan ko siyang abala basahin ang ilang papel. Pinatong ko lang ang kape sa ibabaw ng mesa niya napatingin lang siya sa akin.

Nagtimpla ako para sa lahat, kaya dinalhan kita. Ngumiti lang ako sa kanya at nag umpisa ng lumabas.

Thanks. Narinig kong sabi niya bago ako tuluyan makalabas. Pagkatapos ko ibigay ang mga kapeng tinimpla ko ay bumalik na ulit ako sa ginagawa ko.

Lumipas ang oras at hapon na pala, nagpatawag si Liam ng isa pang meeting para ipaalam na bukas ay kailangan namin magkita dito sa school para gumawa ng mga props na gagamitin sa disenyo ng stage sa hall para sa opening ng sports festival.

Nang matapos ang meeting ay nagpaalam naman ako sa kanila na mauna na dahil may may practice ang glee club ngayon.

(Glee club room)
Nang makarating ako sa glee club room ay naguumpisa na sila mag practice. Agad naman ako humingi ng pasensya kay Sir Chan dahil na late ako. Kasalukuyan nag practice si five at seven at napaka galing nilang dalawa. Iyon siguro ang kakantahin nila sa sports festival dahil kasama nila ang isang ka member namin. Nakita ko din sila Grace, isa sa naging ka close ko dito sa glee club na nag prapractice din, sila ang opening number sa sports festival ayon kay Sir. Napaka ganda ng kakantahin nila. Nanonood lang ako sa kanila gaya ng ginagawa ng iba naming kasamahan na hindi mag perform.

Guys, try ninyo kantahin ang kinakanta nila. And you perform it on the next meeting. Tumango naman kami sa sinabi ni sir.

Nang matapos ang practice sa glee club ay agad kong kinuha ang phone ko para itext si Cindy, pero binawi ko din agad dahil nakatanggap na ako ng text galing sa kanya.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now