-96-

300 10 23
                                    

[Gail]
Habang nakatago ako dito at nakapikit, ay patuloy na umaagos ang luha ko. Rinig na rinig mula sa pinagtataguan ko ang malalakas na hampas at pagdaing dahil sa sakit. Gustong-gusto kong imulat ang mga mata ko at suwayin ang pangako ko kay Xave para alamin ang kalagayan niya kaya lamang ay natatakot ako sa maari kong makitang kalagayan niya.

Kung may natitira pa sana akong kakayahan para magamit ko ito para mailigtas si Xave. Maliit ang tsansa niyang manalo, bukod sa wala siyang armas ay mag isa lang niya itong hinaharap.

Ang hirap ng sitwasyon ko wala manlang akong magawa para makaligtas kami dito, kundi ang magtago lang. Bakit ngayon pa ako naging mahina?

Narinig ko naman ang pagdaing ni Xave. Kaya napasigaw ako.

Ayos lang ako Gail. Yung pangako mo. Umiyak nalang ako dito sa pwesto ko at taimtim na nagdasal na sana maging ligtas si Xave.

Ilang pagdaing at hampas pa ang aking narinig. Hindi ko na malaman kung ano na ang lagay ni Xave.

Nagulat ako ng may marahas na humawak sa akin at marahas akong tinayo mula sa pinagtataguan ko.

Dahil dito ay minulat ko na ang aking mata. Isa sa mga tauhan ni Ainstein ang may hawak sa akin at pilit akong nilalabas mula sa pinagtataguan ko.

Ano ba bitawan mo ako!! Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak nito.

Gail! Tawag sa akin ni Xave kaya napatingin ako dito. Agad nanlaki ang mata ko matapos makita yung isang tauhan ni Ainstein na palihim na lumapit kay Xave sabay hampas ng kahoy sa ulo ni Xave.

Tila walang nangayari kay Xave, parang hindi niya iniinda ang pagdugo ng kanyang ulo. Naiyak ako sa nakikita ko. Agad hinampas ni Xave ang lalaking humampas sa kanya at agad itong tumumba.

Bigla naman dumating ang mga pulis at ang 7aces. Nilabanan nila ang mga tauhan ni Ainstein. Nang tingnan ko ulit si Xave ay nakaluhod na ito at hawak ang dumudugong ulo.

Xave!! Buong lakas kong inapakan ang lalaki may hawak sa akin at sinipa siya sa maselan niyang parte kaya nabitawan niya ako. Patakbo akong pumunta kay Xave.

Nang makalapit ako dito ay agad ko siyang niyakap. Tss. Ang tigas talaga ng ulo mo. Hindi mo tinupad ang pangako mo. Be ready on your punishment girlfriend. Mahina at nakangisi nitong sabi sa akin. Hindi ko naman siya pinansin at hinawakan ang sugat niya.

Kailangan magamot ng sugat mo Xave. Nag-aalala kong sabi.

Where's Ainstein? Nilibot ni Xave ang paningin niya para siguro hanapin si Ainstein.

Hayaan na natin na ang pu— GAIL!! Sobrang bilis ng pangyayari bigla nalang kaming nakarinig ng ilang putok ng baril at mabilis akong inikot ni Xave para magpalit kami ng pwesto.

Nagulat ako ng makitang may lumabas na dugo sa bibig ni Xave. X-Xave?! Lumuluhang sabi ko.

Are you okay Gail? Nanghihina niyang tanong. Bakit? Bakit niya ginawa iyon? Bakit niya sinangga ang balang para sa akin? Agad tumumba si Xave sa akin. Buti nalang nakalapit na sina Sky sa amin. Tulala lang ako dahil sa nangyari.

Five help me. Dalhin natin si Uno sa ambulance. Agad lumapit si Five kay Sky. Tulala lang ako di parin ako makapaniwala sa nangyari.

Gail lets go. Gamutin natin ang sugat mo. Paglapit sa akin ni Treston.

Treston si Xave... magiging okay siya diba?... hindi naman siya mawawala diba?... lumuluhang tanong ko kay Treston agad naman niya akong inalalayan palabas.

Oh my Angel!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang