-41-

251 16 4
                                    

[Gail]
Sabado ngayon pero kailangan ko pumunta ng school para tumulong sa pag gagawa ng mga ididisenyo sa stage.

[Montereal University]
Nang makarating ako sa SSC office ay halos kumpleto na sila. Kumaway naman sa akin si Cindy habang bitbit niya sa isang kamay niya ang mga gagamitin namin sa pag didisenyo. Lumapit naman ako sa kanya at tinulungan siya magbitbit.

Nang mababa na namin ang mga gamit ay nagumpisa na magpaliwanag si Liam tungkol sa gagawin namin at nagbigay na siya ng mga gawain sa bawat isa sa amin. Sa pagpipinta ng mga letrang ginupit at binuo ako naka assign, ganoon din si Cindy.

Mukhang kukulangin ang mga materials natin. Narinig kong sabi ni Ace. Lumapit naman ako sa kanila.

Kung gusto niyo ako nalang ang bibili ng gamit na kulang, tutal madami naman ang nagpipinta ako nalang ang bibili para hindi mabawasan ang gagawa ng mga letra.

Sigurado ka Gail? Tumango naman ako sa sinabi niya.

Sige, Ms. treasurer bigyan mo ng budget si Gail. Agad naman tumayo ang kinausap ni Ace para kunin ang budget. Ililista ko lang ang mga bibilhin mo.

Gail, mag isa ka lang at mukhang madami kang bibilhin baka di mo kayanin dalhin iyon. Nag aalalang tanong ni Cindy.

SASAMAHAN KO SIYA! Napalingon naman kaming lahat sa dalawang tao na sabay na nagsalita.

Mr. pres at Mr. vice! Sabi ni Cindy.

Hindi pwedeng parehas kayo mawala, walang mag asikaso sa mga gawain dito. Mabuting si Vice nalang ang sumama kay Gail. Sabi ni Ace, sabay abot sa akin ng pera at listahan.

Tama si Ace president, mas kailangan ka dito kasi mas alam mo ang gagawin kaysa sa akin. Ako nalang ang sasama kay Gail sa pagbili ng mga kulang na gamit natin. Pagkasabi niya noon ay hinatak na niya ako palabas. Naglalakad lang kami sa pasilyo ng school ng makita namin si tres. Nag apir lang ang dalawa at nilampasan na namin siya.

Nang makasakay ako sa sasakyan ni Sky, nakatanggap naman ako ng text galing kay Cindy.

From: Cindy
Ano shampoo mo Gail?

Ha? Anong klaseng tanong naman itong sinasabi ni Cindy. Wala na naman siguro ito magawa doon. Nireplyan ko naman siya.

To: Cindy
Bakit mo naman natanong? Oy tumulong ka diyan wag ka mag cellphone lang.

From: Cindy
Ang haba kasi ng buhok mo kanina. :)

Mahaba? Tiningnan ko naman ang buhok ko. Hindi naman ah ganito pa din naman ang buhok ko. Nababaliw na si Cindy kung ano ano ang nakikita.

Sino ka text mo Gail? Tanong ni Sky

Ah si Cindy, wala sigurong magawa kaya nangungulit.

Ah ganoon ba. At binalik na niya ang atensyon sa daan at hindi na nagtanong pa. Nag text ulit si Cindy. Hindi ko pa nga pala siya narereplyan.

From: Cindy
Dalawang sikat na heartthrob ang nag agawan para samahan ka.

Agad naman nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Ito talagang si Cindy nagbibigay na naman ng malisya. Hindi ko nalang siya rereplyan kasi kukulitin lang niya ako sa nangyari kanina.

(Mall)
Nakarating naman kami sa mall. Agad kaming pumunta sa National Bookstore para bumili ng mga kailangan namin.

Gail, patingin ako ng listahan para mabili na natin. Binigay ko naman sa kanya ang listahan at hinatak na niya ako.

Nang matapos namin makuha lahat ng kailangan namin ay dumiretso na kami sa may cashier para bayadan ito. Matapos bayadan ay  binigay na samin ang mga binili namin, aabutin ko sana ang pinamili namin ng unahan ako ni Sky. Inabot lang niya sa akin ang isang plastic na naglalaman ng magagaan na gamit. Pagkabigay niya ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila na palabas.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now