-79-

231 14 6
                                    

[Gail]
Isang buwan na ang lumipas. Isang buwan nang nanliligaw si Sky at isang buwan ko na din napapansin na iwas sa akin si Xave. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi tuloy ako makagawa ng paraan para makapag usap sila ng nanay niya.

Si Seven naman hindi din masyado pumapasok kaya hindi ko siya makamusta.

Teka! Si Xave ba iyon?! Binilisan ko naman ang lakad ko para maabutan siya.

Xave! Sandali! Buti nalang nahawakan ko agad ang kamay niya.

Tiningnan lang niya ako. What do you need?

May nagawa ba ako sayo? Bakit iniiwasan mo ako?

I'm not avoiding you. Iniwas naman niya ang tingin niya sa akin. I'm just giving Dos enough time to know you and also to court you.

Kapalit rin ba ng panliligaw ni Sky ang pagkakaibigan natin? Malungkot na sabi ko. Natigilan naman siya.

It's not like that. Iniiwasan ko lang na makagawa ng another issue involving you and Sky.

Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba eh.

You don't understand Gail. The more na may issue ka may chance na saktan ka nila. Importante ka na sa akin... I-I mean sa 7aces and also kay Sky. So, mas mabuti na itong ganito. Don't worry mag kaibigan parin tayo. Hindi naman ako nakasagot dahil umalis na ito. Napahawak naman ako sa dibdib ko bakit parang bumigat yung pakiramdam ko?

Malungkot akong pumasok sa klase. Naabutan ko naman si Cindy na nagrereview dahil may competition na naman itong sasalihan kaya hindi ko siya nakakasama ngayon.

Nang mapatingin ito sa akin ay ngumiti ako. Kaya naman agad niyang tinago ang reviewer niya. Nang makaupo ako ay nanatili parin siyang nakatingin sa akin. May problema ba Gail? Bakit ang lungkot ng mga mata mo? Umiling lang ako sa tanong niya at pilit pinasigla ang mga ngiti ko.

Ayos lang ako Cindy wag mo ako pansinin. Ayaw ko naman na abalahin pa siya sa pag rereview niya. Napabuntong hininga naman siya.

Si Uno ba? Natigilan naman ako dahil sa tanong niya. Sabi na, iniiwasan ka parin ba niya? Tango nalang ang naging sagot ko at kinuwento sa kanya yung nangyari nung papunta ako sa room.

Siguro mabuti na nga iyon Gail. Umiiwas lang si Uno na magkameron kayo ng issue lalo na't nanliligaw sayo ang kaibigan niya. Iniiwasan din niya na saktan ka ng mga fangirls nila pag nagka issue kayo. Sinabi naman niya na magkaibigan naman kayo ah.

Eh para saan yung pinapangako niya ako na manatili ako sa tabi niya kung may gawin man siya? Ano iyon?

Hindi ko din sigurado Gail, pero sa ngayon hayaan mo muna si Uno. Binalik na ulit niya ang atensyon niya sa pag rereview niya.

Nga pala nagtataka na din si Sky, bakit daw parang ang lungkot mo. Kaya wag mo na kaisipin yung pag iwas sayo ni Uno okay? Hindi ko nalang sinagot si Cindy at tinuon ang atensyon ko sa kakapasok lang naming guro.
——————————————————
Mag isa lang ako ngayon dahil pinatawag si Cindy sa academic club. Papunta na ako sa garden para tumambay lang doon dahil wala naman akong maisip na puntahang iba.

Nagulat nalang ako ng may humarang sa akin at nagbow.

Long time no see Ms. Dizon. Magalang na bati sa akin ni Butler Seo. Ang personal na butler ng tatay ni Sky. Nginitian ko naman siya at nilapitan ko siya.

Kamusta po. Nginitian lang ako nito.

Mr. Park wants to talk to you. At inalalayan niya ako sa daan kung saan nagiintay si Tito Greg.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now