-44-

222 16 2
                                    

[Cindy]
Nang makarating ako sa hospital ay pumunta ako sa information desk para alamin kung saan dinala si Gail.

Ah miss, nasaan ang kwarto ni Gail Dizon, yung student na galing sa Montereal University.

Sandali lang po, kaano ano po sila? Tanong niya sa akin habang may tinatype sa computer.

Kaibigan niya po ako. Tumango lang ito.

Nasa room 314 siya. Kanan ka lang para sa lift tapos 3rd floor.

Okay thank you. At sinunod ko ang sinabi niya. Nang makarating ako sa 3rd floor hinanap ko ang room 314. Nang makita ko ito ay kumatok ako at pumasok. Naabutan ko ang isang babae na may kaedadan na at si Gail na natutulog.

Agad naman ako lumapit at nagpakilala.

Hello po, Ako po si Cindy, kaibigan ni Gail.

Ngumiti lang siya at pinaupo ako sa sofa.

Tawagin mo nalang akong Nana Ising. Ako ang nag aalaga kay Gail.

Kamusta po siya?

Pina lab test siya kanina, bukas pa yung ibang test. Sabi ng doctor okay lang naman siya dahil naayos na ang sugat niya pero kailangan makasigurado na walang damage or fracture sa ulo niya kaya kailangan siyang kuhanan ng ilang test.

Tumango lang ako sa kanya at tumingin kay Gail. Natutulog ito, napatingin naman ako sa ulo niya na may benda. Grabe na talaga ang grupo nila Chelsea.

Alam mo ba iha kung anong nangyari sa kanya?

Tumingin lang ako kay Gail na natutulog.

Pasensya na po, hindi ko po kasi alam nabalitaan ko lang po. Pagsisinungaling ko. Wala ako sa posisyon para magsabi nito. Hahayaan ko nalang si Gail na siya ang mag sabi kay Nana Ising.

Ah ganun ba. Masyado ako nag aalala sa kanya. Nang iabot sa akin ng nurse ang mga gamit niya ay sobrang dumi ng uniform niya. Amoy itlog ito at namantsahan ng ibat-ibang kulay.

Napaiwas ako ng tingin dahil base sa sinabi ni Nana pinagtripan nga siya ng grupo ni Chelsea. Napakasama talaga ng babaeng iyon.

Makikibalita po ako mamaya. Babalik po ako sa school para kunin ang gamit ni Gail.

Tumango lang ito. Nagpalipas lang ako ng ilang oras nang mapagpasyahan ko ng bumalik sa school.

(Montereal University)
Nang makarating ako sa school. Agad kong pinaalam sa mga prof namin ang tungkol kay Gail. Pagkatapos ko gawin iyon ay kinuha ko ang mga gamit niya. At bumalik agad sa hospital.

Pagkadating ko, agad kong nakitang gising na si Gail. Nang makita niya ako ay ngumiti lang ito.

Iha ikaw muna ang bahala kay Gail. Bibili lang ako ng makakain. Maiwan ko muna kayo. At umalis na siya.

Gail. Agad ko siyang niyakap, natawa naman siya ng mahina sa ginawa ko.

Ayos lang ako Cindy, wag ka na magalala. Humiwalay naman ako sa kanya.

Ano ba kasi ang nangyari sayo? ang huli kong natatandaan ay iniwan kita sa garden tapos biglang ganito na ang nangyari. Sermon ko sa kanya.

May nagpadala kasi sakin ng sulat binigay ng isang grade 7. Sabi sa sulat, makikita ko daw ang uniform ko sa gym kaya agad akong pumunta.

Seryoso lang akong nakikinig sa kwento ni Gail.

Nang makarating ako doon nakita ko ang uniform ko sa gitna ng court lumapit ako at nakita kong sobrang dumi niya. Aalisin ko na sana yung uniform ng biglang magsalita sa likod ko si Chelsea. Hindi ko na nga siya pinansin kahit nalaman ko na siya pala ang nagpapakalat ng maling balita tungkol sa akin. Nagalit siya, hindi ko alam na madami pala siyang kasama at doon pinagbabato nila ako ng itlog at lobong may lamang makulay na tubig. Habang nag kwento siya nakatingin lang siya sa kamay niya na nakapatong sa mga hita niya.

Sinubukan ko silang pakiusapan para itigil na nila ang ginagawa nila kaso ayaw nila makinig. Hanggang sa maramdaman ko na may tumama sa akin dahil doon nawalan ako ng balanse. Hinayaan ko na sila sa ginagawa nila dahil hindi ko na kaya tumayo at sumasakit na din ang ulo ko noon. Hanggang sa dumating si Xave. Tapos nakita ko lumuhod na silang lahat tapos lumapit siya sa akin at pinapaalis na niya ako kaso sobrang sakit talaga ng ulo ko noon at may nakita na akong dugo pagkatapos noon nagising nalang ako na nandito na sa hospital at kasama si Nana Ising. Pagpapatuloy niya sa kwento.

Ang sama talaga ni Chelsea, ano ba ang kinagagalit niya sayo? Nagiintay lang ako sa sagot niya.

Siguro dahil narinig niya ang pinag usapan natin noong linggo tungkol kay Sky at Liam. Galit siya dahil masyado daw akong papansin at tuwang tuwa pa daw ako sa atensyon na nakukuha ko galing kay Liam at Sky. Nagulat ako sa sinabi niya. Iyon lang dahilan niya para magalit siya kay Gail.

Nanatiling tahimik si Gail pagkatapos sabihin iyon. Nagulat nalang ako ng bigla niyang banggitin ang pangalan ko.

Cindy.... mag quit na ako bilang secretary ni Liam.

Ha? Pero bakit? Kung iniisip mo yung about sa nangyari, for sure may gagawing action ang school and ang SSC.

Napag isip-isip ko kasi na siguro mas makakabuti kung aalis nalang ako bilang secretary ni Liam. May importanteng bagay ako na dapat gawin, pero dahil madami ako ginagawa gaya ng pag sesecretary, glee club tapos may trabaho din ako nalilimutan ko na yung importanteng bagay na iyon.

Ano ba iyong importante mong gagawin?

Pasensya na Cindy, hindi ko pa pwede sabihin sayo. Nangako ako na wala na ako ililihim sayo pero hindi ko pa talaga maaring sabihin sayo.

Ayos lang Gail, naiintindihan ko. Pero sigurado ka na ba sa desisyon mo? Tumango lang siya. Napabuntong hininga lang ako.

Sige kung iyan ang desisyon mo. Susuportahan kita. Nakangiti kong sabi sa kanya. Dumating na din si Nana at kumain na kami. Nang makita ko ang oras ay nagpaalam na ako dahil may trabaho pa ako sa cafe.

Mauna na ako Gail. Wag ka na mag alala nasabi ko na sa mga prof natin ang nangyari kaya na excuse ka na klase. Ako na din bahala magsabi kay ate Maggie.

Salamat Cindy. Nagpaalam naman ako kay Nana Ising at umalis na para pumasok sa trabaho.

-----------------------------------------------------------
AN: THIS CHAPTER IS DEDICATE TO azengot 😊

Oh my Angel!Where stories live. Discover now