-20-

268 18 0
                                    

Gail's POV
Lumipas ang oras at natapos na ang klase ko. Nag aayos na ako ng gamit ko para maghanda sa pag uwe ko.

Hay!!! Buntong hininga ko.

Ang lalim noon ah. Mukhang nahirapan ka ngayon araw na ito sa paghabol sa mga lesson ah. Di bali magiging maayos din iyan. Tutulungan naman kita eh. Nakangiting sabi ni Cindy.

Ngumiti lang ako sa kanya. Di bali sana kung yung lesson lang na hindi ko naabutan ang problema ko eh. Kaso higit na mas mahirap doon. Lumipas na naman ang isang araw na hindi ako napapalapit sa kanya. Pero ayos na din itong araw na ito dahil may nalaman akong impormasyon tungkol sa kanya, kailangan ko lang pag isipan ng mabuti ang magiging hakbang ko hindi ako maaring basta basta nalang kumilos.

Mauna na ako Gail. May part time job pa akong pupuntahan. Magkita nalang tayo bukas.

Okay sige, mag ingat ka. At nakangiti itong nagpaalam sa akin. Naglakad na ako palabas ng school.

Di naman ganoon kalayo ang tambayan nila Sky sa school kaya mabilis lang ako nakarating. Agad akong pumunta sa kusina dahil sa bango na naamoy ko.

Oh iha! Andito ka na pala. Kamusta ang unang araw mo sa school? Nakangiti nitong bati sa akin.

Agad ko naman siyang nginitian.

Okay naman po Nana medyo nahihirapan akong humabol sa mga lesson na nakaligtaan ko.

Ganoon ba. Maari kang magpaturo kay Xave or kay Sky dahil matatalino ang mga batang iyon.

Dahil sa sinabi ni Nana Ising. Naalala ko na naman ang nalaman ko tungkol sa kanila. Alam kaya ito ni Nana?

Agad naman napansin ni Nana ang pagiging tahimik ko.

Okay ka lang ba iha? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan. Agad naman ako umiling sa sinabi ni Nana.

Wala po Nana, okay lang po ako, siguro ay napagod lang po ako sa school. Nakangiti kong sabi.

Tulungan ko na po kayo sa ginagawa ninyo Nana.

Naku, ayos lang iha, magpalit ka na ng damit mo. Malapit na din naman ako matapos dito. At bumalik na siya sa ginagawa niya. Nagsimula na din ako bumalik sa silid ko para gawin ang sinabi ni Nana. Palabas na sana ako ng silid ko ng may tumawag sa akin.

Sky calling....

Sky? Napatawag ka?

Kamusta ang unang araw mo sa school? Di ka naman nahirapan? Agad naman sumagi sa isipan ko ang nalaman ko sa school. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa bagay na iyon at kung bakit niya nilihim ito.

Gail?  Agad naman ako nabalik mula sa kakaisip ng marinig ko ang boses ni Sky.

Ha? A-ah oo okay naman may naging kaibigan na din ako. Medyo nahirapan lang ako makahabol sa mga lesson pero ayos lang naman.

Ganun ba. Ilang minuto din walang nagsalita sa amin.

Sky, pwede bang magkita tayo bukas sa school? Nanatili paring tahimik sa kabilang linya, ibaba ko na sana ng bigla siyang magsalita.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now