-47-

245 13 2
                                    

[Gail]
Ngayon... ngayon ang araw ng sports festival, hindi ako mapakali dahil makikita ko siya. Galit parin kaya siya sa ginawa ko? Paano ko siya haharapin ngayon? eh doon ako naka assign.

Gail!!! Tulala ka na naman. Ano na naman ba iniisip mo? Nabalik naman ako sa realidad ng sigawan ako ni Cindy sa mismong tenga ko. Kanina pa ako nagsasalita dito, wala pala ako kausap eh.

Ano ba ang sinasabi mo?

Ang sabi ko lang naman po baka gusto mong bilisan kumain. Malalate na tayo. Agad naman ako napatingin sa kinakain ko at sa oras. Tama nga siya malalate na kami kaya naman nag madali na ako.

Paalis na kami ng apartment ng makita namin sa labas ang sasakyan ni Sky. Siniko naman ako ng mahina ni Gail tapos nang aasar na ngumiti sa akin, hindi ko nalang siya pinansin.

Nakangiti naman kaming sinalubong ni Sky, napatingin naman ako sa paligid at madaming tao ang nakatingin sa kanya. Hindi niya ba alam na ang gwapo niya ngayon? Lumapit naman kami sa kanya.

Good morning Gail at Cindy. Nakangiti nitong bati sa amin. Binati din namin siya at pinasakay na niya kami sa sasakyan niya.

(Montereal University)
Nang makarating kami, iwas parin ang tingin nila sa amin, hindi ko nalang sila pinansin dahil wala naman mababago. Habang papunta kami sa SSC office, nakita namin si tres kasama si six. Tumigil naman si Sky dahil kinausap niya ang mga ito. Base sa ekspresyon ni Tres, parang walang nangyari kahapon. Nakakangiti siya ngayon na parang hindi siya malungkot. Ibang-iba siya sa nakita ko kahapon.

Nang matapos sila mag usap ni Sky ay pumunta kami sa SSC. Naabutan naman namin sila na nag usap usap. Binigay lang ang id's namin at opisyal na uniform ng SSC para sa araw na ito. Niyaya naman ako ni Cindy para magpalit. Nang bumalik naman kami halos kumpleto na sa office, binigyan naman kami ng konting paalala ni Liam.

Guys, ito na yung araw na pinakaiintay natin. Thanks for your cooperation sa mga nag daan na araw. Kaya natin ito guys. Good luck. Matapos iyon ay nagtungo na kami sa hallroom para sa program.

Agad naman humiwalay samin sila Sky at Ace para maghanda dahi sila ang emcee ng program. Simple lang naman ang hinandang program. Konting speech galing sa dean, pinakilala ang mga players, pledge nila, lighting ng torch, tapos intermission number.

Gail, pwede bang pakidala ako nitong mga mineral water para sa performers, nasa backstage sila. Utos sakin ni Liam. Tumango naman ako sa sinabi niya.

Agad akong nagtungo sa backstage.

Ahmm.. excuse me, pinabibigay ni Mr. President para sa mga performers. Isa isa ko naman ito inabot sa kanila. Agad naman naagaw ng pansin ko ang isang tao na nasa isang sulok at nakatingin sa phone nito. Napabuntong hininga naman ako ng maramdaman na naman ang lungkot. Lumapit ako sa kanya at inabot sa kanya ang tubig na hawak ko.

Tubig oh, pag alok ko sa hawak ko. Wag kang kabahan kaya mo iyan. Ngumiti lang ako sa kanya. Nanonood sila sayo kaya galingan mo. Nakatingin lang siya sakin. Kaya ngitian ko pa siya lalo. Hindi ko man alam kung anong problema meron siya atleast maparamdam ko sa kanya na may karamay siya. Umalis na ako dahil malapit na mag simula ang program.

Pagkaupo ko sa upuan sa tabi ni Cindy ay kakaumpisa palang ng program.

Saan ka galing Gail? Tanong sa akin ni Cindy pagkaupo ko.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now