-91-

284 13 21
                                    

[Xave]
Dahil sa tulong ni Dad mas lalo kong naintindihan ang nararamdaman ko. And right now itatama ko na ito.

Vier, bakit biglaan kang nagyaya kumain sa labas? Namiss mo ako ano? Nakangiti nitong sabi at dahil doon naguguilty ako sa ginagawa ko sa kanya.

Xie, I want to tell you something. Seryoso kong sabi kaya naman nawala ang mga ngiti niya. Xie, I'm sorry. Hindi naman siya nagsalita at nanatili lang siyang nakatitig sa akin. I'm sor—

I'm sorry dahil may mahal ka ng iba. I'm sorry dahil mas mahal mo siya kaysa sa akin. I'm sorry dahil nasasaktan mo ako. I'm sorry dahil pinipili mo siya. Pagputol niya sa sasabihin ko.

Xie. Tumulo naman ang mga luha niya, balak ko na sana itong punasan kaya lang ay pinahid na niya ito gamit ang kamay niya.

Matagal ko ng alam Vier, na siya na ang nilalaman ng puso mo. Matagal ko ng nababasa ang kinikilos mo at mga titig mo sa kanya pero nagbulag-bulagan ako dahil umaasa ako na mababawi ko pa yung dati. Umasa ako na kaya ko pang higitan siya sa puso mo pero alam ko na umpisa palang talo na ako, na baka wala na akong babalikan. Iniiwas niya ang tingin sakin at saka pinapahid ang mga luhang tumutulo mula sa mata niya.

Una palang nakita ko na kung paano ka palihim na tumingin at tumitig sa kanya ng hindi niya nalalaman. Mga simpleng actions mo basang-basa ko kapag malapit ka sa kanya. Kung paano ka lihim na ngumiti kapag inaasar mo siya, lahat iyon nakita ko Vier. Hindi ako makasagot kay Xie. Nakikita kong nasasaktan siya. Lalo akong nakokonsensiya dahil ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon.

Pero Xie alam mong minahal kita. Ngumiti naman ito at tumango.

Alam ko iyon Vier, pero mas mahal mo na siya ngayon. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.

I'm sorry. Mahina kong sabi at hinawakan ko ang kamay ni Xie.

Don't be Vier. Nagmahal ka lang, nagmahal lang din ako. Diba ganun naman pag nagmamahal ka hindi maiiwasan na may masasaktan? Nginitian niya ako. Masaya ako na minahal ako ng isang Xavier Kier Montereal noon at masaya ulit ako dahil binigyan mo ako ng ikalawang pagkakataon para mahalin ka, yun nga lang huli na. Tinanggal naman niya ang pagkakahawak sa kamay ko at siya ang humawak nito.

Isa ako sa dahilan kung bakit ka nasaktan noon at hindi naging masaya kaya ngayon gusto kong maging isa sa dahilan kaya ka magiging masaya. I want you to be happy Vier at alam kong sa kanya ka sasaya. I'm letting you go. Fight for her. Nagulat naman ako sa huling sinabi ni Xie. Hindi ko akalain na gagawin niya ito. She really improved a lot, mas naging mature na siya ngayon.

Thank you Xie. Ngumiti naman ako sa kanya kaso nang maalala ko na iniiwasan na ako ni Gail ay nawala agad ang ngiti ko.

May problema ba Vier? Agad naman akong napatingin kay Xie.

Iniiwasan niya ako ngayon Xie and besides Sky is inlove with her.

Psh! Wow ah! The great Xavier Kier Montereal natotorpe sa isang babae. Parang hindi ka naman ganyan sakin noon ah! Natatawang biro nito. Ngayon ka pa ba natakot kay Sky eh noon nga nag away pa kayo dahil sa akin. Hay! Ang ganda ko talaga! Kaya natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Tuluyan ng napalitan ang mabigat na atmosphere namin kanina ng masayang atmosphere. Don't worry I'll help you. Kakausapin ko siya.

Thank you Xie. Nakangiti kong sabi.

Buong dinner nagkwentuhan lang kami ni Xie. I miss this kind of conversation with her.

Thank you Xie.
——————————————————
[Gail]
Natapos ang shift namin ni Cindy, kaya nag aayos na kami para umuwi.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now