-46-

256 13 0
                                    

[Gail]
Lumipas ng mabilis ang mga araw, abala na ang SSC dahil bukas na ang sports fest. Mamaya ay may final meeting kami para sa assignment kung saan kami mag facilitate. At ito na din ang huling araw ko bilang SSC member, dahil after nito mag pokus na ako sa misyon ko ang ayusin ang buhay ni Xave.

Nag type lang ako dito ng biglang lumapit sa akin si Cindy.

Gail, narinig mo na ba yung bali-balita? Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Cindy. Anong balita?

Tungkol saan?

Kay uno. Bumaba ng one week ang suspension niya. Dahil sayo ano?

Wag ka maingay Cindy. Baka may makarinig sayo. Oo, sinabi ko sa dean ang nangyari. Sinabi ko na niligtas niya ako kahit hindi ako sigurado kung niligtas ba niya talaga ako.

Sabi na nga ba eh. At bumalik na siya sa ginagawa niya. Tumayo na ako para dalhin sa dean's office itong mga request at letters na napirmahan na ni Liam. Napapansin ko simula ng nagsabi ako na aalis na ako sa pag secreatry ay naging iwas sakin si Liam. Wala naman ako magagawa mas importante ang misyon ko kaysa sa pagiging secretary ko.

Nang mabigay ko na sa dean's office ang mga dala ko ay agad akong bumalik sa office dahil may meeting kami ng biglang may humatak sa akin. Agad akong napatingin sa taong ito at hindi ko siya inaasahan.

Uno. Buti walang masyado tao ngayon dito dahil kasalukuyan paring may klase.

What the hell do you think you're doing? Try'n to be my hero huh?

Anong ibig mong sabihin uno?

Sa tingin mo hindi ko malalaman ang ginawa mo ha? Ang pakikipag usap mo sa dean. Me...saving you? Nagpapatawa ka ba?

Alam ko naman eh, ginawa ko lang iyon dahil alam kong wala ka kasalanan sa nangyari tsaka tinulungan mo ako kahit sinasabi mong hindi o kahit hindi mo talaga ako intensyon na tulungan, tutulungan parin kita.

Pwede ba i don't ask for your f*cking help okay? Bakit ba ang hilig mo makialam? Stop meddling into someone's business. Pagkatapos niya sabihin iyon ay nilagpasan lang niya ako at binangga.

Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya. Paano ba ako mapapalapit sayo Xave? kung lahat ng gawin ko para sayo ay masama ang tingin mo.

Nagpatuloy na ako maglakad pabalik ng office. Naabutan ko naman sila na papunta sa meeting room. Sumunod lang ako sa kanila at naupo sa pwesto ko.

Nang makumpleto ay nagumpisa na si Liam sa pagbibigay ng gawain at assignment para bukas.

Sky, sa first day program ka naka assign together with Ace, kayo ang emcee. Gail, please confirm mo ang list ng performers para sa program spills na gagawin. Tumango lang ako sa sinabi ni Liam. Sa mga sports games naman.... nagbigay na siya ng assignment kung saan sports ang ipafacilitate. Sinulat ko lang yung mga assignments nila. Gail, sa basketball ka together with Sky since player naman siya. Ace, volleyball ka kasama mo si Cindy. Travis, sa pictures ka lahat ng sports event pati yung program sa hallroom, don't worry bibigyan kita ng mga volunteers na pwede mong makatulong. And that's all. Any questions? Wala naman nagtanong sa amin. So it's settled. Dismissed. Nag umpisa na umalis sila. Bumalik naman ako sa table ko para gawin ang print outs ng program at mga assigned areas para bukas.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon