-56-

239 15 5
                                    

(Sunday morning)
Maaga akong gumising para maghanda sa pagkikita namin ni Treston.

Naabutan ko naman sa kusina si Cindy na naghahanda ng almusal namin.

Oh! Good morning Gail. Gigisingin pa sana kita. Binati ko din si Cindy. At naupo na para simulang kumain. Habang kumakain, pinag usapan lang namin ni Cindy ang mga dapat gawin mamaya.

Ikaw na bahala sa ibang gawain Cindy. Ako nalang bahala sa iba at kay Treston.

Ako bahala Gail. Kasama ko naman si Sky at mga kaibigan niya eh. After namin kumain ay pinauna na niya ako mag ayos dahil malapit na yung takdang oras ng pagkikita namin ni Treston.

Nang matapos ako mag ayos, pinuntahan ko si Cindy na saktong maliligo na din.

Paalis ka na ba? Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya. Nag paalam naman ako na aalis na.

Sana maging maganda ang kalabasan nito.
-----------------------------------------------------------
Paglabas ko ng apartment nagulat ako ng makitang may magarang sasakyan na nakaparada sa harap ng apartment namin, at nang lumabas siya sa sasakyan niya ay ngiti ang binungad nito sa akin. Hindi ko naman akalain na susunduin niya ako, dahil sinabi ko sa kanya na magkita nalang kami sa isang lugar.

Pinagbuksan naman niya ako ng pinto ng makalapit ako sa kanya. Nang makasakay ako ay tinanong niya ako kung saan kami pupunta.

Sa parking lot ng school. Kumunot ang noo niya ng marinig ang sinabi ko. Nginitian ko lang siya, at kahit walang ideya kung bakit doon kami pupunta ay sinunod nalang niya ako.

(Montereal University parking lot)
Nang makarating kami doon at nakapag park siya ay bigla siyang nagtanong.

May dadaan ka ba dito or may kasama ka pa? Umiling lang ako sa sinabi niya at bumaba ng sasakyan. Nang makababa ako ay umikot ako kung saan siya nakapwesto at binuksan ko ang pinto.

Iiwan natin ang sasakyan mo dito. Mag commute tayo papunta sa pupuntahan natin. Nakangiti kong sabi sa kanya. Naguguluhan naman siya sa kinikilos ko.

Why? Dalhin nalang natin ang sasakyan ko para mas mapadali. Umiling lang ako sa sinabi niya.

Mamaya nalang natin iyan gamitin pag pauwi na tayo. Mas maganda kung mag commute tayo. Halika na!  At hinatak ko na siya.

Nang makarating kami sa sakayan ay takaw pansin si Treston lalo na sa mga kababaihan na nagiintay din ng masasakyan. Paano ba naman kasi sobrang gwapo niya sa suot niya ngayon.

(An: attire ni Treston on multi-media)

Gail, are you sure? mag commute ba talaga tayo? Nag aalangan na tanong niya.

Oo naman sigurado ako mas madali kapag commute lang tayo. Sakto naman na may tumigil na jeep sa malapit sa amin at papunta ito sa lugar na gusto kong puntahan. Hinatak ko na si Treston kahit mukhang nagaalinlangan pa siya.

Punuan ang jeep at medyo masikip, kaya napatingin ako sa katabi ko. Sobrang dikit na namin sa isat-isa dahil yung katabi niya ay medyo may katabaan at medyo nasisik-sik siya papunta sa akin. Naririnig ko naman ang mahihina niyang "tsk".

Oh my Angel!Where stories live. Discover now