-24-

253 15 0
                                    

[Gail]
Nang makarating kami sa auditorium ay nagulat naman kami sa dami ng taong nanonood. Agad naman ako napalunok dahil sa kaba.

Mukhang maraming manonood ngayon ah. Halika doon tayo sa waiting area. Hinila naman ulit ako ni Cindy.

Nang makaupo kami, kasalukuyang may kumakanta sa harap ng tatlong tao.

Sila pala ang judge ngayon, dati 2 member ng 7aces ang naging judge. You know si seven at five.

Nanood lang kami sa mga kumakanta, di ko maiwasang humanga sa kanila ang ganda ng mga boses nila.

Sabihin mo nga Gail, gaano kadaming contest na ang sinalihan mo?

Wala pa ako sinasalihan kahit anong contest. Wag kang mag alala marunong naman ako kumanta kahit papaano. Binigyan niya lang ako ng mapanuring mata. Hindi ko nalang siya pinansin.

Omg!!! Andito si five at seven!!!! Tilian ng mga babae sa auditorium. Agad naman ako napalingon sa kung saan nanggagaling ang tilian. At totoong andito sila.

Oh andito na pala sila. Sigurado titingnan nila ang mga nag audition this year. Biglang sabi ni Cindy.

Agad naman naupo sila five at seven sa upuan malapit sa stage. Hindi ako mapakali sa pwesto ko, parang kinabahan ako bigla. Tumingin ulit ako sa pwesto nila five ng makita kong nililibot ni five ang paningin niya sa mga tao dito sa auditorium.

Ayos ka lang Gail? parang hindi ka mapakali.

Ahh Cindy pwede mo ba ako samahan mag cr sandali. Hindi ko na inintay na sumagot si Cindy at hinatak ko na siya. Malapit na sa pwesto ko ang mga mata ni five. Sigurado di pa ako nakakapag audition ay bagsak na agad ako.

Okay ka lang ba Gail? Nag aalalang tanong ni Cindy.

Oo ayos lang ako wag ka mag alala. Tipid ko siyang nginitian.

Kaya mo yan Gail, wag kang kabahan andito lang ako nakasuporta sayo. Pagpapalakas niya ng loob ko.

Salamat Cindy. At nginitian ko siya. Nagpalipas pa kami ng mga 10 minuto bago bumalik.

Agad kong tiningnan ang pwesto nila five, nakita ko naman na nanonood na sila. Buti naman.

Uupo pa sana ako ng may lumapit sa amin, isang babae.

Kayo na po ang susunod, tara na po.

Tumingin naman ako kay Cindy. Binulungan naman niya ako ng good luck.

Habang andito ako sa likod, mas domoble ang kaba ko, paano kung hindi nila magustuhan? Pag nakita ba ako nila five, anong mangyayari sa akin? Sa kakaisip ko hindi ko napansin na tinatawag na pala ako.

Kinakabahan man ay lumabas na ako, nagulat ako dahil domoble ngayon ang nanonood. Lalo tuloy ako kinabahan.

Hi! Agad naman akong napalingon sa tatlong tao sa harap ko. Nakangiti lang sila sa akin.

So miss anong pangalan mo?

Gail Dizon.

Gaano ka na katagal kumakanta? Ilang competition na ang nasalihan mo?

Sa totoo lang, ito ang unang beses na kakanta ako sa harap ng madaming tao.

Oh I see. Sige mag umpisa ka na.

AN: Please play the video. Yan yung audition song ni Gail

Pagkasabing mag umpisa na ako mas lalo akong kinabahan. Ang tagal kong nakatayo sa gitna. Nagbubulungan na ang mga tao. Agad hinanap ng paningin ko si Cindy at sinenyasan niya ako ng salitang "kaya mo yan". Huminga ako ng malalim at nag umpisa na akong kumanta.

[Seven]
Nagulat kami sa susunod na lumabas galing back stage.

Gail.....

The hell!! Anong ginagawa ng babaeng iyan dito?? Pupunta na sana si five sa stage kaso pinigilan ko siya.

Five hayaan mo siya. Panoorin nalang natin ang gagawin niya. Padabog na umupo ulit si five.

Hi! Bati sa kanya ni Joseph, isa sa ka member namin. Hindi naman umimik si Gail.

So miss anong pangalan mo?

Gail Dizon. Dizon? Iyon pala ang surname niya. Gail Dizon, let see kung anong meron sayo.

Gaano ka na katagal kumakanta? Ilang competition na ang nasalihan mo? Mahigpit kasi ang audition ngayon para sa glee club. We need an excellent voice not just excellent but a unique quality voice.

Sa totoo lang, ito ang unang beses na kakanta ako sa harap ng madaming tao. Seriously!!! She doesn't have a chance na makapasok. But let see kung anong ipapakita niya.

Tsk. Kapal ng mukhang mag audition. I dont want to see her performance. Sabay lingon niya sa kaliwa at pumikit.

Oh I see. Sige mag umpisa ka na. Ang tagal bago niya mag umpisa nakatayo lang siya sa gitna at tumitingin sa paligid. Kinakabahan ba siya?

Nagsimula ng magbulungan ang crowd. Nakita kong huminga siya ng malalim. What's happening to her?

See, i told you walang kwenta ang performan---

Hindi na natapos ni five ang sasabihin niya ng mag umpisang kumanta si Gail. Lahat ng tao dito sa auditorium napanganga dahil sa ganda ng boses niya. Seriously, parang may bumabang anghel. Sobrang nakakagaan sa pakiramdam habang pinapakinggan mo ang boses niya. Kahit si five napatulala, nilibot ko ang paningin ko sa buong auditorium lahat ng nanonood ay nakapikit at dinadama ang pagkanta ni Gail. Kahit sila Joseph ay ganun din ang ginawa. Nagsisi ako na hinusgahan ko kaagad siya.

Nang matapos siya kumanta naging tahimik ang auditorium. Parang may dumaang anghel sa sobrang tahimik.

Wow, ngayon pa lang ako nakarinig ng ganyang quality ng boses. Thank you, malalaman mo nalang ang result sa announcement board mamaya. At umalis na si Gail.

Wala palang kwenta ha. Asar ko naman kay five.

Tss. Totoo naman.

Don't lie five, I saw you watching her while performing. Asar ko parin kay five.

Tss. At tumayo na siya for sure pupunta na ulit iyon ng tambayan.

Sumunod naman agad ako sa kanya. Pero bago ako tuluyang lumabas ng auditorium, agad kong tiningnan ang babaeng nagpahanga sa akin ngayong araw na ito.

Gail Dizon.....

Sino ka ba talaga?

Oh my Angel!Where stories live. Discover now