-64-

231 16 0
                                    

[Gail]
Agad naman akong napabangon. Hala! Umaga na! Agad naman akong napatingin sa paligid. May kumakaluskos sa may kusina kaya agad akong napatakbo.

Cindy!!

Gulat naman humarap sa akin si Cindy habang bitbit ang kawali.

Oh! Good morning Gail. Anong nangyayari sayo? Natatawang tanong niya.

Nakatulog ako kagabi habang iniintay kita. Anong oras ka na nakauwi?

Naku! Mga 1am na sobrang dami tao sa cafe kagabi. Pinag overtime nalang kami ni ate Maggie.

Pasensya na Cindy hindi ako nakapasok, kung kelan pa kailangan ng tao saka ako hindi pumasok.

Ayos lang iyon, ano ka ba? Tsaka sobrang nakakapagod kagabi. Hindi na kita ginising dahil ang sarap na ng tulog mo. Nilagyan nalang kita ng kumot. Nakangiting sabi ni Cindy.

Napansin ko naman na nakasuot na siya ng uniporme namin.

Maaga kang papasok ngayon?

Ah oo, may gagawin kami ngayon sa office. Mga materials na gagamitin para sa event.

Tumango lang ako sa sinabi niya.

Kailangan mo ba ng tulong?

Hindi pa naman. Madami naman volunteer ang SSC eh. Nakakatuwa dahil dati volunteer lang si Cindy ngayon na proklama siya bilang bagong secretary ni Liam, yung dating posisyon ko.

Kamusta pambayad mo sa renta? Nabuo mo na ba? Iyan isa pa ang bagay na iyon sa pinoproblema ko. Kulang parin ang pambayad ko sa renta. Bakit kasi sobrang mahal nung materials para sa project namin sa isang subject. Hay!

Yun na nga Cindy eh, kulang pa rin ang pambayad ko. Malungkot kong sabi.

Hindi kita magawang pahiramin Gail. Ipapadala ko kasi kina nanay yung matitira sa sahod ko. Maliit na din kasi ang matitira sa allowance ko pag nagkataon. Mag rest day ka pa ba sa sabado?

Baka hindi na muna Cindy. Ang dami ko ng absent kay ate Maggie tsaka kailangan ko mabuo ang pang renta ko dahil ilang araw nalang magbabayad na tayo. Tumango tango lang ito. Nang matapos itong kumain ay nag aayos na siya para pumasok.

Off ko ngayon. Ipagluto kita ng makakain mo pag uwi. Narinig ko kay ate Maggie na madami daw reservation mamayang gabi kaya for sure overtime kayo. Tumango lang ako sa sinabi niya. Nagpaalam na siya na mauna na siyang pumasok kaya nag umpisa na din ako mag ayos.

Nang matapos ako ay nag umpisa na akong kumain at maghugas ng mga pinggan. Pagkatapos ay nag ayos na ako para sa pagpasok.

Nang magawa ko ito ay sinigurado kong nakasarado ng maigi ang bahay bago ako maglakad palabas.

Gail, iha yung renta ninyo sa susunod na araw ay kukunin ko na. Pinapaalala ko lang. Tumango lang ako sa sinabi niya at nginitian ko si Aling Martha bago tuluyang lumabas.

Pagkalabas ko agad naman akong napabuntong hininga. Saan ko kukunin ang pangdagdag sa renta? Nagsimula na ako maglakad papunta sa sakayan. Nang magulat ako dahil may bumusina sa may likod ko.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon