-61-

275 15 16
                                    

[Gail]
P-Po? Natatarantang tanong ko sa tatay ni Xave. Humanda ka talaga sakin Xave.

I heard you iha, I was about to approach you kung bakit nandito ka? And narinig ko ang sinabi mo.

Pasensiya na po! Hindi ko po talaga gustong mag sinungaling? Pinilit lang po ako ni Xave. Pasensiya na po talaga kayo! Nakayuko kong paghingi ng paumanhin.

I know iha that Xave will do this. Last year ganon din ginawa niya kaya hindi na ako magtataka kung uulitin niya iyon.

Pasensiya na po. Wag ninyo po sana ako tanggalan ng scholarship sa school ninyo dahil sa ginawa ko. Hindi ko na po uulitin. Patawad po.

Scholar ka sa school namin? Tumango lang ako sa tanong niya. Mukhang mawawala na scholarship ko. Paano na ang misyon ko pag nangyari iyon?

Okay. Gusto mo bang wag mawala ang scholarship mo? Tumango ulit ako sa sinabi niya.

Okay sige hindi ko na tatanggalin ang scholarship mo. Agad naman akong tumingin sa kanya.

Talaga po? Tumango ito.

In one condition. Agad nawala ang saya ko dahil sa sinabi niya.

Ano pong kondisyon?

Help me... help me to teach some lesson to my son.

A-ano p-pong ibig ninyong sabihin?

Ipagpatuloy mo lang ang pagpapanggap na girlfriend ng anak ko. Ako na bahala sa iba. Gusto kong maranasan niya yung sarili niyang gulo. Naiintindihan mo ba iha? Tumango lang ako sa sinabi niya.

Pasensya ka na sa inasal niya kanina. Celine and him are not in good terms kaya ganon nalang ang pakikitungo niya. Ginagawa ni Celine ang lahat para makuha ang loob ni Xavier but matigas ang puso ni Xavier.

Tutulungan ko po kayong ayusin si Xavier. May dahilan po siguro siya kaya siya nagkakaganon.

Thanks iha. I'll appreciate it. Gusto mo pa bang bumalik sa party?

Hindi na po. Uuwi nalang po siguro ako. Wala na po dito si Xave. At alam ninyo na po na nagpapanggap ako.

Okay. Papahatid na kita pauwi. Maiwan na kita, papuntahin ko nalang dito ang driver namin para maihatid ka.

Salamat po.

No iha, salamat kasi tutulungan mo ako. Ngumiti lang ako sa sinabi niya. At nagpaalam na siya na babalik na sa loob.

Hindi naman nagtagal at dumating na iyong driver kaya umalis na kami. Nang nasa sasakyan na kami ay sinabi ko lang ang address.

Hay nako Gail! Ano ba itong pinapasok mo?

Nang makarating ako sa apartment ay agad akong nagpasalamat kay manong sa paghatid sa akin. Nang makaalis na ito ay pumasok na ako sa apartment. Pagkapasok na pagkapasok ko ay sinalubong ako ni Cindy.

Gail, saan ka ba nagpunta? Alalang-alala ako sayo. Ilang beses kita tinawagan at tinext. Matapos niya sabihin iyon ay agad kong tiningnan ang cellphone ko. Tama nga siya puro text at missed call ang bumungad sa akin. Binalik ko ang tingin ko sa kanya para humingi ng tawad dahil pinagalala ko siya kaso sinalubong ako ng mga mata niyang maluha-luha. Wag mo na ulit iyon gagawin Gail, pinag-alala mo ako ng sobra. Niyakap ko naman siya para pakalmahin.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now