Epilogue Part 1

317 16 16
                                    

(A/N: Epilogue will be divided into four parts)
(10 years passed)
[Xave]
Agad akong napatingin sa taong kakapasok lang sa aking office.

Zup Uno! Nang-aasar niyang bati kaya binato ko siya ng magazine na katabi ko. Tss. Nakailag ang g*go. Psh! Agang-aga ang init ng ulo mo. Kaya walang pumatol sayo eh. Sabay tawa nito. Hindi ko naman siya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ng mga proposal.

What are you doing here? Wala ba kayong lakad ng girlfriend mo? Naramdaman ko naman ang pag-upo niya sa upuan sa harap ng table ko. Tss.

Wala naman namiss lang kita Xavier. Masyado kang busy eh! Sige ka tatanda kang binata niyan. Sayang lahi. And about my girlfriend busy yun mag shopping kasama si Cindy. Nakangiting sagot nito sa akin.

Tss. Busy din ako, bakit ako ang napili mong bulabugin? Bakit hindi mo samahan mag shopping si Trixie?

Psh! You know her when it comes to shopping. Maiinip lang ako doon. Teka nga! Bitter ka parin ba sa amin hanggang ngayon? Nakangising tanong sakin ni Skyler.

Tss. Asa. Naka move on na ako Skyler. Yeah that's true. I don't know pero biglang nawala yung feelings ko kay Trixie kaya pinaubaya ko na siya kay Skyler.

Sabagay, mag top 1 ka ba naman sa hottest and successful bachelors in the Philippines. Agad naman akong napatingin sa phone ko nang tumunog ito at napabuntong-hininga naman ako sa nabasa kong text. Si tito?

Yeah, sinet up na naman niya ako sa isa sa anak ng business partners niya. Walang gana kong sagot.

I don't get you. Lahat ng sineset up sayo ni Tito George is pasok sa standards mo, pero you only dated them once and after that back to normal ulit. Yung totoo Xavier, hindi ka pa ba magaling sa pagkakacoma mo? Tss. Agad kong pinalipad ang magazine sa mukha niya pero magaling talagang umilag ang g*go. Psh! Wag mo nga ako batuhin! Hanggang ngayon ba hinahanap mo parin yung babae sa panaginip mo? Tanong niya sa akin.

Yeah, nacoma ako noon ng one week because of the trouble na pinasok ko as a gang leader. So, after I woke up binuwag ni Dad ang gang na iyon and pinadala niya ako sa London to continue my study ganun din ang ginawa ng mga ugok kong kaibigan. We spent our days para mag aral about business. So ngayon kami na ang nag handle ng companies ng kanya-kanya naming family.

Meron din kaming side profession aside from being a businessman.

After kong magising sa coma and kahit nasa abroad ako lagi kong napapanaginipan ang isang babae. Hindi malinaw ang mga pangyayari and sa tuwing malapit na siyang humarap at malapit ko na makita ang mukha niya ay napuputol ito at nagigising ako.

I guess tama ako. Hindi ko naman siya pinansin. Well, a part of me is yun ang dahilan. Totoong nakikipag date ako but at the end of the date hindi ko na ulit hinahayaan ang sarili ko makipag date ulit sa kanila. There's a part of me na may hinahanap. Parang may kulang? I don't know hindi ko mafigure out. Tatanda kang binata kung hahanapin mo siya. Iling-iling na sabi nito. I don't care as long as mahanap ko ang babae sa panaginip ko. I want to know her and I want to know the reason kung bakit ko siya napapanaginipan. By the way, umatend ka ng engagement party ni Gray and Cindy. Parang mini reunion na din nating 7aces. Everyone is expecting na pupunta ka. Natatawang biro nito kaya tiningnan ko siya ng masama at akmang babatuhin ng laptop ko. Kalma Xavier! Ang bilis talaga uminit ng ulo mo! Hindi ka na mabiro. Pero seryoso pumunta ka. Malay mo nandoon pala ang lovelife mo. Tss. Eh ano ngayon kung ako nalang ang walang girlfriend sa amin. Ako naman ang pinaka gwapo!

I'll double check with my sched. Yun lang ang naging sagot ko sa kanya.

Psh! Mag unwind ka naman wag puro trabaho kaya walang lovelife eh. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumayo na ito. Makaalis na nga baka kung ano pang mamahaling gamit ang ibato mo sa akin. Basta pumunta ka. At nagpaalam na ito.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now