Epilogue part 4

514 17 27
                                    

[Gail]
Hanggang ngayon nakatingin parin ako sa seryosong mukha ni Xave. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko halo-halong emosyon ang aking nadarama.

Bakit? Bakit ayaw na niya? May mali ba? May kulang ba ako? Hindi na ba niya ako mahal? Meron na ba siyang iba? Ano?!!

Hinayaan ko ng lumandas sa aking mukha ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na kaya pang itago. Natatakot ako....

Natatakot ako na baka mawala sakin si Xave.

Ayaw ko na sa relasyon na meron tayo Gail. Sapat na yung taon na pinagsamahan natin. Alam kong nararamdaman mo ang pagiging cold at busy ko nitong nakaraang buwan. Do you want to know the reason? Hindi naman ako sumagot at hinayaan lamang siyang magsalita. Because of this. Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko.

Gail, ayaw ko na sa relasyon na meron tayo dahil gusto ko... gusto ko maging permanent na makasama ka. I want to be with you for the rest of my life. I want to watch thousand of sunsets with you and with our future kids. Handa ka bang samahan ako Gail? Will you marry me? Sabay lahad ng singsing sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko at masayang ngumiti kay Xave.

Oo... oo Xave, handa akong samahan ka and yes I'll marry you. Sinuot naman niya ang singsing sa daliri ko at agad akong niyakap.

Sorry for making you upset and cry. This is all part of my proposal plan. Sorry for being cold nitong past months. It is really hard for me because I want to hug and kiss you every time I see you sad. Happy anniversary my flat woman I love you. Mahinang sabi niya habang nakayakap siya sa akin.

Aaminin ko, nung una natakot ako dahil baka mawala ka sa akin pero lahat ng iyon ay naglaho dahil sa ginawa mo ngayon. Salamat Xave. Happy anniversary. Mahal na mahal din kita Xave. Sabay yakap ko ng mahigpit.

Nakarinig naman ako ng malakas na hiyawan kaya napatingin ako dito. Nakita ko ang mga kaibigan namin, mga magulang ni Xave at ilang malapit sa amin. Masaya silang nakatingin sa amin at masaya din nila kaming binati.

Muli kong narinig ang boses ni Xave ng bumulong ito sa akin.

I love you Mrs. Montereal. Lihim naman akong napangiti dahil sa sobrang saya.
——————————————————
(One week passed)
Nakaharap ako ngayon sa salamin kung saan nakikita ko ang ayos ko ngayon. Nakasuot ako ng wedding gown. Ngayon ang tinakdang araw ng kasal namin ni Xave.

Ang ganda talaga ng gown mo, Gail. Sana pag kinasal kami ni Sky ganyan din kaganda ang gown ko. Masayang sabi ni Trixie.

Intayin mo kaya muna mag propose sayo si Sky. Pang-aasar ni Cindy kay Trixie kaya naman napanguso ito. Hanga din ako kay Xave. Excited pakasalan ka, pinaghandaan lahat-lahat eh! Si Xave na kasi ang naghanda ng lahat ng kailangan para sa kasal namin. Kung may nais naman ako palitan at hindi gusto yun lang ang kontribusyon ko sa paghahanda.

Tse! Buti nga nakahanap na si Xave ng babaeng papakasalan niya akala ko talaga tatandang binata yon eh. Sabi ni Trixie. Buong ten years ni hindi manlang nag girlfriend. Napangiti naman ako dahil sa narinig ko habang inaayos ng designer ang gown ko.

Oo nga, nakikipag date siya dati pero wala siyang naging girlfriend sa mga iyon. Dagdag ni Cindy kaya mas lalo akong napangiti.

Nang matapos na ang designer ayusin ang gown ko saktong dumating na ang wedding organizer para ipaalam na kailangan ko ng pumunta ng simbahan.

Excuse me po, Mrs. Montereal. Kailangan na po ninyo pumunta ng simbahan. Nagpaalam na naman sakin sila Cindy na mauna na sa simbahan.

Inalalayan naman ako ng mga staff dahil sobrang bigat, haba at laki ng gown ko.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now