Epilogue Part 1

Beginne am Anfang
                                    

Agad ko naman nahilot ang sentido ko at agad kong niluwagan ang necktie na suot ko.

Tss. I know na madami na akong achievements sa nagdaan na ten years. At an early age naging successful businessman na ako and nakapagpatayo ng madaming companies pero sa kabila ng achievements ko parang hindi ako masaya...

parang may kulang...

Parang may hinahanap ako...

Agad naman naputol ang isipin ko ng marinig ko ang ilang katok.

Come in. Bumungad sa akin ang mukha ni Butler Seo, nag bow naman ito.

Young master, oras na po para sa meeting ninyo kay Mr. Dela Fuerte. Pagbibigay alam nito.

Okay, give me a minute. Nagbow na ulit siya at umalis. Kaya tumayo na ako at nag ayos.
——————————————————
(**** restaurant)
Pagdating ko sa restaurant kung saan kami mag-uusap ni Mr. Dela Fuerte ay agad akong nagtungo sa reserve table.

Good morning Mr. Montereal. Sabay lahad nito ng kamay sa akin.

Good morning din Mr. Dela Fuerte. At tinanggap ko naman ang pakikipagkamay nito.

I already deposited the amount on your bank account Mr. Dela Fuerte. Pag inform ko sa kanya. Tumango naman ito at agad niyang binigay ang isang folder.

As promise, that's the title and documents of that place. I don't know kung bakit binili mo ang lugar na iyon. Mahirap mag business sa lugar na iyon dahil mababa ang turismo dito. Nagtatakang sabi ni Mr. Dela Fuerte.

I see but I have better plans for that place, anyways, thank you Mr. Dela Fuerte for the deal. I'm going now, may kasunod pa akong meeting. Formal na sabi ko. Nakipagkamay ulit ako bago umalis.

Nang makasakay ako sa sasakyan ay agad akong hinarap ni Butler Seo. Young master, saan po tayo? Tanong nito sa akin.

Sa location. Tumango naman ito at sinabi sa driver kung saan kami pupunta.

Sandali ko naman pinikit ang aking mata at unti-unting nagpadala sa antok.
——————————————————
(Sa loob ng panaginip ni Xave)
Nandito na naman ako sa pamilyar na lugar. Paulit-ulit ang panaginip kong ito sa loob ng 10 years pero never kong nakita ang mukha ng babaeng kasama ko sa panaginip ko.

Xave. Iyan ang naririnig kong tawag niya sa akin. Yung fireworks sa school, yung pag aaway namin, yung pag uusap namin sa ulan, yung masasayang araw na kasama ko siya.

Mahal na mahal kita Xave. Sana ngayon makita ko na ang mukha niya.

Mahal na mahal din kita G—

Young master. Nakaramdam ako ng mahinang tapik kaya nagising ako. Nandito na po tayo. Agad akong lumabas ng sasakyan at ginala ang mata ko.

Iwan ninyo na muna ako. Tatawagan ko nalang kayo pag aalis na. Nagbow naman sila sakin dalawa at umalis na.

I don't know kung anong nangyari sa akin at binili ang lugar na ito kahit alam kong hindi ganun kaganda ang tourism dito para sa mga business. Nang makita ko ang lugar na ito, there's a part of me na naguudyok para bilhin ito. Ilang beses ko pang niligawan si Mr. Dela Fuerte para lang pumayag siyang ipagbili ito. This is a private property owned by him.

Naglakad-lakad lang ako sa dalampasigan, masyado pang maaga para makita ko ang totoong ganda ng lugar na ito. Siguro isa sa dahilan kung bakit ko gustong bilhin ang lugar na ito ay dahil sa breathtaking na sunset dito.

Agad kumunot ang noo ko nang mapansin ang isang taong nakatayo di kalayuan sa pwesto ko.

Excuse me Mister pero this is a private property bawal ang trespassing dito. Pagtawag ko ng pansin nito.

Muli tayong nagkita Xavier Kier Montereal. Humarap siya sa akin ng nakangiti. Kumunot ulit ang noo ko. Kilala niya ako?

Magkakilala ba tayo? Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Sapat na ang oras ng paghihintay mo, nalalapit na ang tinakdang oras para magkalapit ang dalawang pusong pinaghiwalay ng tadhana. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Sino ba ang tinutukoy nito? Kung kaya mo pang mag intay may darating. Ha? Sino? Sino yung darating? Pero sa ngayon, tanggapin mo muna ang munti kong regalo. Nagulat ako ng bigla itong maglaho at mas lalo akong nagulat ng makita ang biglang paglitaw nito sa harap ko. Hindi pa ako nakakabawi sa gulat ko ng hawakan niya ang ulo ko pagkatapos niyang hawakan ito ay bigla itong naglaho.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit kaya napapikit ako. May mga imahe at mga pangyayari ang halo-halo kong nakikita. Ang iba ay katulad ng nasa panaginip ko. Unti-unting lumilinaw ang lahat, mabilis ang pagpapalit ng mga lugar. Parang flashback ang nangyayari.

Tuluyang tumulo ang mga luha ko matapos kong makita ang mukha niya. Bakit? Bakit ko ba siya nakalimutan? Bakit ngayon ko lang siya naalala?
















G-Gail...
——————————————————
A/N: End of Epilogue part 1.





Ps: see you sa part 2 😊

Oh my Angel!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt