Magiging okay din si Uno Gail. Malakas si Uno. Hindi ko na inabala pang ipagamot ang sarili ko dahil sumakay ako sa ambulansya kung saan sinakay si Xave.

Xave, pakiusap wag kang matulog. Wag mo akong iwan Xave. Diba nangako ka sa akin? Umiiyak kong sabi.

S-Shh... inangat niya ang kamay niya para punasan ang mga luha ko, agad ko naman hinuli ang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit. H-Hindi kita iiwan, n-nangako a-ako d-diba? Tumango ako sa kanya kaya nginitian niya ako. G-Gail, p-pwede b-ba a-akong m-matulog k-kahit s-sandali l-lamang? P-pangako g-gising a-ako a-agad. M-masyado a-akong n-napagod k-kanina. Nakangiti nitong sabi. Labag man sa loob ko ay tumango ako. Dahan-dahan nitong ipinikit ang mga mata niya.

Nang makarating kami sa hospital ay agad pinasok si Xave sa emergency room.

Tulala lang akong nakatitig sa pintong pinasukan ni Xave at nang doktor.

Agad may yumakap sa akin kaya hindi ko na mapigilan ang lumuha. Shh... magiging okay din si Uno, Gail.
——————————————————
Oras na ang lumipas hindi parin lumalabas ang doktor. Wala parin kaming balita kung ano na lagay ni Xave.

Kanina pa kaming nag iintay lahat dito.

Where's my son? Napatingin kami sa dumating sila tito at tita.

Nasa loob pa po tito George. Sagot ni Sky kasabay nito ay ang pag iyak ni Tita Celine at Celestine.

Ilang oras pa ang lumipas nang pag aantay namin ng lumabas na ang doktor.

Doc, how's my son? Tanong ni Tito George.

Successful namin natanggal ang mga bala sa katawan niya pero there's a damage sa utak niya. I'm very sorry but he's in a coma right now. Lalong lumakas ang iyak nila Tita Celine at Celestine matapos marinig ang sinabi ng doktor pilit naman silang kinakalma nina Tito George at Tito Luis.

Ako nanatili akong tulala matapos marinig ang sinabi ng doktor. Hindi maaring mangyari ang sinasabi niya. Nangako sakin si Xave na gigising siya. Sabi niya matutulog lang siya saglit.

Naramdaman ko naman ang pagyakap sakin.

Shh... Gail magiging ayos din si Uno. Pinahid niya ang mga luhang lumalandas sa mukha ko.

Sky... nangako siya gigising siya. Sinabi niya sa akin. Mahigpit niya akong niyakap.

Oo, gigising siya Gail. Iintayin natin ang paggising niya.
——————————————————
Lahat sila ay isa-isang pumasok sa loob para puntahan si Xave. Ako nanatili lang dito sa labas.

Naglakad ako. Gail, saan ka pupunta? Narinig kong tanong ni Cindy. Balak niya akong sundan kaso pinigilan siya nina Sky.

Dumiretso lang ako dito sa chapel ng hospital at taimtim na nagdadasal na sana gumising na si Xave.

Matapos akong magdasal, ay umiyak lang ako ng umiyak.

Kung may nagawa sana ako ng oras na iyon. Sana nakahingi ako ng tulong kay Shin. Bakit nung oras na iyon ay wala na akong koneksyon kay Shin at sa mundo namin? Bakit nung oras pa na iyon ako naging mahina?
——————————————————
(Few days passed)
Ilang araw pa ang lumipas nanatili paring tulog si Xave. Pilit akong pinapasigla ng mga tao sa paligid ko pero hindi ko magawa.

Oh my Angel!Where stories live. Discover now