Chapter 60

497 5 0
                                    

*Akisha Jade POV*

"Shane pwede ko ba munang makausap ang anak ko before niyo siya ayusan? Ayokong kausapin siya mamaya after siyang ayusan baka kasi masira ang make up niya." Halos maiyak na si mommy ng sabihin niya sakin yun.

"Okay po ma'am two hours pa naman po before the wedding." Ngumiti sa kanya si Shane at lumabas muna sila kasama ang make up artist at hair stylist na kinuha ni Ricci.

Niyakap agad ako ni mommy nung lumabas sila. Napatingin naman ako kay papa na nakatayo sa likod ni mommy.

"Congrats sweetie, finally ito na yung araw na pinaka hinihintay mo. Your man is really amazing, sobrang ganda ng wedding mo sweetie. Hindi ko inaasahan na ganito ka engrande ang kasal ng nag iisa kong anak. I'm so happy for you sweetie." Tapos kiniss niya pa ako sa ulo.

"Ako din mom hindi ko inaasahan na magiging ganito ka bongga ang kasal namin." Hindi ko na din napigilan ang maging emotional.

Kumalas sakin si mommy at hinawakan niya ang mukha ko, kahit si mommy umiiyak na din siya.

"Hindi ko naman nakita na lumaki ang nag iisang sweetie ko, masaya pa din ako na nabigyan ako ng pagkakataon na makilala ka. Ikaw ang isa sa pinaka magandang regalo na natanggap ko mula sa diyos sweetie. Hindi man kita nasubaybayan sa iyong paglaki, hindi ko man nakita kung paano nag simula ang pagmamahalan niyo ni Ricci, bilang mommy mo sobrang saya ko for you sweetie. Grabe hindi ako makapaniwala na magpapakasal na talaga ang nag iisa kong anak. Ayaw pa sana kitang ibigay kay Ricci kasi gusto pa kitang makasama. Pero nakikita ko naman sa inyong dalawa na gustong gusto niyo na din bumuo ng sarili niyong pamilya. I know you will be a great wife to your husband and a great mother to your children. I can't wait to see my grandson and grand daughter playing."

Pinunasan ko yung luha ni mommy at niyakap ko siya.

"Magpapakasal man kami ni Ricci ikaw pa din ang mommy ko, sayo pa din ako tatakbo pag kailangan ko ng tulong ng isang ina. Hindi ko po alam kong papaano ko papalakihin ang magiging anak namin, pero alam ko naman na gagabayan niyo ako. Thank you so much mom. I love you." Then kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"I will sweetie, I will guide you always. I love you more sweetie." Tapos hinila niya si papa para lumapit sakin.

Niyakap din ako ni papa. "I'm so happy for you darling, this is your day and enjoy your day. Sobrang effort ang ginawa ni Ricci para sa kasal niyo darling. I can't believe na magagawa niya ito sa loob ng dalawang linggo, kakaiba talaga yang si Rivero." tapos kiniss niya ako sa forehead ko.

"Thank you papa, ako din po hindi ko inaasahan na magagawa niya lahat to. I'm so happy also papa, sobra." Nakangiting sabi ko at kiniss ko siya sa cheeks niya.

"Basta always remember na nandito lang kami ng mommy mo para sayo anak. Sanay gabayan kayo ng diyos at sana bigyan niya kayo ng isang malaki at masayang pamilya. Best wishes sa inyo darling." Tapos niyakap niya ulit ako.

"Sige na sweetie lalabas na muna kami, kailangan mo pang ayusan. Babalik na lang kami after ka bihisan, Hon lets go?" Tapos hinawakan ni mommy si papa sa kamay.

Lumapit muna sakin si mommy at kiniss niya ako sa forehead. "I'm the most happiest mother in the whole universe right now sweetie. Best wishes sa inyong dalawa. I love you sweetie."

Lumapit din sakin si dad at kiniss niya din ako sa noo. "Godbless you darling, best wishes and always put God at the center of everything. I love you Akisha Jade, darling."

"Thanks papa, mommy, I love you both." Then kiniss ko na sila isa isa.

Then lumabas na din silang dalawa. Maya maya pa pumasok na ang mag aayos sakin kasama si Shane.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now