Chapter 38

359 6 0
                                    

*Akisha Jade POV*

Isang linggo na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa din ako kinakausap ni Ricci. Yes nasaktan ako physical and emotional pero wala eh mahal ko pa din siya. I know sinabi niyang tapos na kami pero hindi ko hahayaan na tatapusin niya yung relasyon namin ng ganun ganun lang.

Hanggang ngayon hindi ko pa nasasabi kay mommy ang nangyari samin ni Ricci. I know kasi na magagalit siya kaya ayoko munang sabihin sa kanya. Gusto ko ulit subukang ayusin ito at sa huling subok ko pag hindi na talaga nag work, then maybe it's time to let him go. Hindi din alam ni Brent at Samantha ang nangyari I know pag nalaman ni brent to susugurin niya si Ricci, kaya ayokong sabihin sa kanila.

Sa isang linggong lumipas sobrang daming nag bago. Una nagiging cold na siya sakin at hindi na niya ako kinakausap. Pangalawa hindi na siya pumapasok at nandon lang siya sa gym buong araw. Pangatlo naghihinala na si Samantha kung bakit daw hindi kami nag papansinan ni Ricci. Panghuli nag aaway na din ang buong team nila at nagiging mainitin na daw ang ulo ni Ricci ngayon.

"Sissy yung thesis natin?" Seryosong tanong ni Samantha at umupo siya sa tabi ko.

Nandito kami ngayon sa canteen kumakain dahil lunch break na namin. This week na din ang finals at lahat busy na sa pag rereview. After this week sembreak na.

"Nandon pa sa laptop ni Ricci, wag kang mag alala kukunin ko yun mamaya sissy. Tsaka ikaw na lang ang magbigay kay Miss non." Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko.

"Sissy may napapansin talaga ako sa inyo ni Ricci." Seryosong sabi niya.

Napalingon ako sa kanya at makikita mo talaga sa mga mata niya na seryoso siya.

"Ano yun sissy?" Umiwas ako ng tingin sa kanya at tinuon ko yung tingin ko sa pagkain.

"Nag away ba kayo sissy? Lately kasi parang hindi ko kayo nakikita na magkasama. Tapos dalawang beses lang yata pumasok si Ricci sa loob ng isang linggo. Nag away ba kayo o baka busy lang siya?" Hinawakan niya yung kamay ko at iniharap niya ako sa kanya.

"Ano ka ba sissy okay kami, busy lang talaga siya." Pilit na ngiti ang pinakita ko sa kanya.

"Sissy bestfriend tayo since kids kaya wag ako, alam ko pag nag sisinungaling ka." Seryosong sabi niya.

Kaya ayaw na ayaw kung pag usapan namin to dahil hindi talaga ako makakapag lihim sa kanya.

"Look sissy, what ever your problem is tandaan mo lang na nandito lang ako palagi para sayo. Magkapatid na tayo sissy kaya alam ko kung may problema ka." Seryosong sabi niya.

"I'm sorry sissy kung hindi ko pa masasabi lahat sayo ngayon, but I promise pag naayos ko na to sasabihin ko sa inyo lahat." I feel so bad kasi sariling pamilya at kaibigan ko hindi ko mapagsabihan ng problema ko. Isang tao lang ang napagsasabihan ko nito and I never expect na siya pa ang magiging sandalan ko sa lahat ng mga problema ko ngayon.

"I respect your decision sissy, but always put in your mind na madami kaming nagmamahal sayo. Nandito lang kami para sayo." Then after that niyakap niya ako.

"Ang drama mo sissy, sige na kumain ka na." Ngumiti ako sa kanya at tinuloy na namin yung pagkain namin.

"Sissy cr muna ako." Paalam niya at tumayo na siya. Tumango na lang ako sa kanya at umalis na nga siya.

"Akisha Jade." Napaangat ako ng tingin ng marinig ko yung boses niya.

"Anong kailangan mo sakin? Diba sabi ko sayo wag ka ng lumapit sakin?" Seryosong sabi ko at tumingin ako sa mga mata niya.

"Jade I'm sorry sa nagawa ko sayo dito sa canteen last week. Hin---"

"Tapos na yun Joseph kalimutan mo na yun, wala ka namang magagawa pa dahil nangyari na yun." Cold like an Ice.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now