Chapter 36

338 8 0
                                    

*Akisha Jade POV*

"Sissy! Hey sissy tapos na yung law natin at uwian na!" Tumatawang sabi ni Samantha at kinakaway kaway niya pa yung kamay niya sa mukha ko.

Hindi muna ako tumayo at nakatingin pa din ako sa white board namin. Hanggang ngayon naiisip ko pa din yung sinabi n---

"Sissy kanina ka pa tulala! Mula nung bumalik ka kanina dito hanggang natapos na yung buong araw tulala ka pa din!" Tinapik pa ako ni samantha sa pisngin.

"Si Ricci hindi ba siya pumasok?" Seryosong tanong ko habang nakatingin sa white board.

"Omygod sissy! Lutang ka nga talaga! Natapos na yung buong klase natin at hindi mo man lang na pansin na hindi pumasok si Ricci! Gosh nag away ba kayo?"

Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yun. Teka nag away ba kami? Hindi naman kami nag away. Pero may sinabi sakin kanina s--

"J-jade pwede ka b-bang pumunta sa gym n-ngayon?" Hingal na sabi ni Kobe.

Saglit akong napatingin sa kanya at napatingin din ako kay samantha.

"Bakita anong gagawin niya doon kobz?" Seryosong tanong ni samantha.

"Si Ricci nagwawala nanaman sa gym tapos lahat kami nasigawan niya na. Muntikan na nga niyang masuntok si Juan mabuti na lang napigilan namin." Seryosong sabi niya.

"Bakit may problema ba siya?" Seryosong tanong ni Samantha.

Ang dami kung gusto itanong pero parang nawalan ako ng lakas para ibuka ang bibig ko.

"Hindi namin alam kung anong nangyari nagulat na lang kami na mainit na yung ulo niya mula kanina." Seryosong sabi niya. Hinawakan niya ako sa kamay at pinatayo niya ako. "Jade ikaw lang ang makakapag paamo sa kanya kaya pwede ba pumunta ka don?" Seryosong sabi niya.

"Sige sissy puntahan mo na yung jowa mong nagwawala! Tsaka hindi ako sa condo uuwi, pinapauwi ako ni Tita sa bahay nila ngayon. Sige na sissy puntahan mo na si Ricci at uuwi na din ako." Nag beso siya sakin at lumabas na siya ng room namin.

"Halika na baka ano pa magawa ni Ricci." Seryosong sabi ni kobe at hinila niya ako palabas ng room namin.

****

Papasok na kami sa gym ngayon at pakiramdam ko naririnig ko na yung tibok ng puso ko. Sobra akong kinakabahan ngayon hindi ko alam kung bakit basta kinakabahan talaga ako.

Pagpasok namin sa loob nakita ko agad silang lahat pero wala si coach Bo dito. Nakatalikod si Ricci sakin at napatingin sakin ang mga kaibigan niya. Pumunta si Kobe sa bench at umupo siya doon. Napatingin ako sa kanilang lahat at biglang nagsalubong ang mga mata naming dalawa at tumango siya sakin at tumingin siya kay Ricci.

"L-love." Hindi ko alam kong narinig niya ba yung sinabi ko dahil alam ko mahina lang ang pagkakasabi ko non. Parang naguunahan sa pag takbo ang mga ugat sa puso ko ngayon. Kinakabahan ako ngayon.

Lumingon siya sakin at sobrang sama ng tingin niya sakin. Tumingin siya kay Kobe at nagsalita. "Who the f*ck give you the permission para papuntahin siya dito?" Seryoso niyang tinignan si Kobe at bakas sa boses niya ang galit.

"Gusto lang namin na magkaus---"

Hindi natapos ang sasabihin niya dahil sumigaw si Ricci.

"Sinabi ko pang kailangan ko ng tulong niyo! Ang hilig niyong pakialaman ang buhay ko!" Bakas na bakas sa sigaw niya na galit na galit siya.

"Love hindi mo naman sila kailangan sigaw---"

Lumingon siya sakin at tinignan niya ako ng seryoso. "Love? What the f*ck Jade tigilan mo na ang laro mo! Nahuli na kita!" Sigaw niya sakin.

Endless Love (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя