Chapter 48

490 7 0
                                    

*Akisha Jade POV*

Nagising ako ng may maramdaman akong may humahalik sa labi ko. Tapos hinahaplos niya pa yung mukha ko.

"Good morning mahal, I know na gising ka na kaya idilat mo na yang mga magaganda mong mata." Tapos kiniss niya ako sa forehead ko.

Dinilat ko na din yung mga mata ko at nagulat ako dahil pag dilat ko may pagkain nang nasa tray sa tabi ko tapos may isang bouquet of red roses. Umupo ako at binigay niya naman sakin ang bulaklak at kiniss pa ako sa lips.

"Isang fresh bouquet of red roses for you, my angel. Kumain kana po mahal ko." Tapos may kinuha siyang unan at pinatong niya pa sa binti ko at pinatong niya sa unan ang tray na may mga pagkain.

"Good morning love, na surprise ako dito ah." Tapos ngumiti ako sa kanya. "Ikaw nagluto nito? Tsaka saan mo kinuha yung bulaklak?"

"Yes mahal ako nagluto niyan, tsaka itong bulaklak binili ko to sa flower shop na malapit dito." Tapos ngumiti pa siya sakin

"Anong oras ka nagising love?" Seryosong tanong ko.

Napaisip lang kasi ako, kasi gabi I mean kaninang madaling araw na kami nakatulog tapos nakapag luto pa siya ngayon at nakabili pa siya ng bulaklak.

"Secret, sige na kumain ka na mahal." Tapos kinuha niya yung kutsara at sinubuan niya ako.

"Ayokong ako lang ang kakain kaya dapat dalawa tayo love." Nakangising sabi ko.

Tapos ngumisi siya sakin at lumapit siya at may binulong. "Kakain ka o kakainin kita?" Tapos nakita ko pa yung malapad niyang ngisi.

Halos tumayo naman ang balahibo ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung patay ba yung aircon niya kasi parang naging mainit bigla o sadyang nadala lang ako sa sinabi niya at nung naramdaman ko pa yung hininga niya sa leeg ko.

"K-kakain na n-nga ako diba." Utal kong sabi, hindi ako makatingin sa mga mata niya parang nararamdaman ko kasing namumula ako.

"Ang hot mo mahal pag namumula ka, na tu-turn on tuloy ako sayo." Tapos lumapit nanaman siya sakin. "If I will ask you to make love with me right now, would you say yes, my angel?"

Parang nanigas ako sa sinabi niya, parang mas lalong uminit dito at nung nagtama ang mga kamay namin para akong napaso. Parang naging awkward bigla at hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya.

"U-umayos ka nga R-rivero!" Tapos tinulak ko siya palayo sakin. Nung hinawakan ko siya sa balikat niya parang biglang nag spark at parang na kuryente ako.

"Your getting turn on, my angel. I love it everytime you call me 'Rivero' it's sounds good for me." Tapos ngumisi pa siya.

Sinasadya niya ba o talagang nakakaakit lang ang boses niya? Parang gusto kong tumayo pero para naman akong na freeze dito.

"Joke! Sige na kumain ka na mahal dahil alam ko may trabaho ka ngayon. Tsaka kailangan kong puntahan ang bagong branch ng restaurant natin." Tapos ngumiti siya sakin at hinalikan niya ako sa noo.

Whooo!! Parang nakahinga ako ng mabuti ng lumayo siya sakin.

"Restaurant natin? Wala naman akong nabigay sayo kahit peso tapos sasabihin mong atin yun." Sabi ko at kumain na lang ako.

"Hindi mo naman kailangan magbigay ng pera mahal, kasi para sa atin naman talaga yun, para sa future natin at para sa mga magiging anak natin." Nakangising sabi niya.

Wow para sa future daw at sa mga magiging anak namin. Parang sure na sure siyang ako na talaga ang nakatadhana para sa kanya. Pero lihim din akong napangiti sa sinabi niya, natuwa lang ako kasi parang ang dami niyang plano sa buhay niya at sa mga plano niyang yun kasama niya ako. Kagabi sobrang dami niyang mga sinabi sakin tapos ang dami niya ding planong gawin, tapos sabi niya lahat daw ng yun gagawin niya kasama ako. Ang saya ko lang kasi ako ang babae na gusto niyang makasama para sa pagabot niya ng mga gusto niya sa buhay.

Endless Love (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن