Chapter 42

397 6 0
                                    

*Ricci POV*

Kahit na ayaw na ayaw kong mag training kanina wala akong nagawa kundi ang mag training. Pagkatapos namin mag usap ni Joseph sobrang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko kanina. Hindi naman nasagot ang lahat ng yun dahil bigla na lang umalis si Joseph.

Nandito ako ngayon sa RME'S Restaurant, kumain muna ako dahil pupunta ako mamaya sa bahay nila ni Akisha. Sabi ni Sam ngayon ang labas niya kaya sigurado ako na doon siya iuuwi ng daddy niya sa bahay nila. Pag wala siya doon pupunta ulit ako sa bahay nila ni Brent baka nandon nanaman, pero impossible na doon siya uuwi. Pwede naman dumaan muna ako sa bahay nila ni Brent kasi malapit lang naman yun dito. Tapos pag wala siya doon tsaka na ako pupunta sa bahay nila.

"Yan lang ba ang kakainin mo babe?"

"Oo babe busog din naman kasi ako ang sarap kasi ng niluto ni Tito kanina."

"Masarap talaga si Tito mag luto babe, pero mas masarap mag luto si mama."

"Agree naman ako sayo babe kaya nga lumalaki ka nanaman, masyadong sinasarapan ni Tita ang mga niluluto niya sa inyo."

"Ang payat na daw kasi ni Jade kaya ayon dinadamihan niya talaga ang mga niluluto niya."

Tama nga ang hinala ko na si Brent at Samantha ang nag uusap sa likod ko. Boses pa lang alam ko na talaga tapos na mention pa nila si Akisha. Parang gusto kong sugurin si Brent ngayon at suntukin siya hanggang mawalan siya ng malay. Pero dahil gusto kong marinig ang pinaguusapan nila mag papanggap na lang akong parang hindi nila ako kilala.

"Babe mabuti na lang na pumayag si tito luis na doon na muna matutulog si sissy sa inyo."

"Hindi naman nahirapan si mama na kausapin si tito dahil ilang araw na lang din sila dito. Tsaka iisang kwarto na nga lang ang tutulugan namin mamaya."

Parang nag pintig ang tenga ko ng marinig ko yung sinabi niya. What the! So iisang kwarto lang sila ng tinutulugan? Tsaka himala na pumayag si tito na doon matulog si Akisha sa kanila ni Brent.

"So you mean babe sa loob ng dalawang araw sa iisang kwarto lang kayong apat matutulog nila tito at tita?"

"Oo babe, mas okay na din yun para masulit na namin. Tsaka si papa quin kasi babalik na din yun sa states after two days. So dalawa na lang kami ni mama dito. Babe may sasabihin pala ako sayo, pumayag na pala si mama na doon ka na matulog samin pag umalis na si Jade doon. Para daw makatipid ka na din."

Papa quin? So nakilala na ni Brent yung papa niya? Akala ko ba wala na siyang balak na hanapin ang sarili niyang ama? Tsaka bakit babe yung tawagan ni Brent at ni Samantha? Don't tell me may relasyon sila? So kung may relasyon sila, ano namang meron sa kanila ni Brent at Akisha? Tsaka bakit doon natutulog si Akisha sa kanila? Tapos sabi niya pag umalis daw si Akisha sa kanila doon na din daw titira si Samantha sa kanila? T@ng!na sumasakit ang ulo ko! Gulong gulo ako kung ano ba talaga ang totoong relasyon ni Samantha at Brent tapos si Brent at Akisha.

"Sure ka ba babe na okay lang kay tita yun? Tsaka nahihiya ako."

"Actually si mama ang nagsabi niyan babe, tsaka yun din ang gusto ni Jade. Sabi niya mas mabuti daw na nasa iisang bubong lang tayo at kasama natin si mama."

"Seriously sinabi talaga ni sissy yun? Kainis naman siya eh aalis tapos papatirahin tayong dalawa sa iisang bubong."

"Safety mo lang din babe ang iniisip niya."

"Kainis naman eh naiiyak ako babe! Parang gusto ko siyang pigilan na um---"

"Ihahatid na kita sa bahay ng tita mo baka magalit nanaman yun dahil gabi ka na."

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now