Chapter 56

418 7 0
                                    

*Ricci POV*

Nandito ako ngayon sa condo ko after ko makausap ang mommy at papa ni Akisha sa states kinabukasan umuwi agad ako ng pilipinas. Pero hindi pa alam ni Akisha na nandito na ako sa pilipinas ngayon, ang pagkakaalam niya nandon pa ako sa states.

Hindi na muna ako mag papakita sa kanya dahil kailangan ko pang ayusin ang lahat. Alam ko kasing magiging sobrang busy ako at hindi ko siya mabibigyan ng sapat na oras dahil marami akong gagawin. Tsaka baka mahalata niya ang plano ko dahil hindi ko siya masyadong mabigyan ng oras.

Tinawagan ko si mom na pumunta sila dito sa condo ko dahil kakausapin ko sila ni daddy. Pumunta naman silang dalawa at kasama nila si Riley, busy naman si Riley sa cellphone niya. Nandito kami ngayon sa sala at nakaupo silang dalawa sa mahabang sofa ako naman nandito sa pangisahan.

"Mom mag popropose na po ako kay Akisha." Nakangiting sabi ko kay mommy.

"Seriously son?/ Totoo ba yan sahia?" Sabay na tanong nila ni dad.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa at tumango. "Yes mom and dad I'm serious, totoo po ang sinabi ko. Nakausap ko na ang daddy niya at pumunta ako sa states nung isang araw at nakausap ko na din ang mommy at papa niya." Paliwanag ko.

"So kailan bo balak mag propose sahia?" Nakangiting tanong ni dad.

"Omaygod I can't believe mag popropose na ang anak ko. I'm so happy for you son." Masayang sabi naman ni mom.

"Balak ko po sana next week ako mag popropose sa kanya, gusto ko kasing siya ang mag ayos ng wedding proposal ko for her. Matagal niya na kasing gusto yun at gustong gusto niya kasi talaga na siya ang mag organize non. Pero baka kasi hindi sapat ang isang linggo at ayokong mapagod siya." Seryosong sabi ko.

Bata pa lang kami palagi niya ng sinasabi sakin na kung sakali mang mag popropose ako sa kanya pag malaki na kami gusto niyang siya ang mag organize non, gusto niya kasing maganda ang wedding proposal ko daw sa kanya.

"Pag siya ang gumawa non baka mapagod siya at hindi na yun surprise son." Seryosong sabi ni mom.

"Yun na nga mom baka hindi kasya ang isang linggo, pero actually idea lang naman niya ang lahat pero hindi siya ang mismong gagawa ng lahat. Yung mga empleyado niya na ang kikilos at bahalang mag design ng lahat pero siya ang mag dedecide sa mga designs at sa lahat. Tsaka kakausapin ko si Diego tungkol dito, hihingi ako ng tulong sa kanya para hindi malaman ni Akisha na para sa kanya ang gagawin niya. Gusto ko kasing sorpresahin siya at pag sinabi ko sa kanyang para sa kanya yung gagawin niya edi hindi na surprise yon."

"So anong plano mo sahia?" Seryosong tanong ni dad.

"Kakausapin ko si Diego, sasabihin ko na kunwari siya ang mag popropose kay Samantha para lang hindi malaman ni Akisha na para sa kanya talaga yung gagawin niya. Sure naman akong papayag si Diego dito, kakausapin ko muna ang mga pinsan ni Akisha at yung bestfriend niya then after that kakausapin ko na si Diego." Paliwanag ko naman.

"Kung idea lang naman ni Jade ang gagawin, sigurado akong kakasya ang isang linggo son. Excited ako para sa inyo finally malapit na kayong ikasal." Nakangiting sabi ni mom.

"Pag engage na ba kayo ni Jade tsaka niyo ipaplano ang kasal niyo?" Tanong naman ni dad.

"Actually hindi dad, one week siyang magiging busy para sa wedding proposal ko. I will grab that opportunity para maayos ko na din ang kasal namin. Hindi na po ako makapag hintay ng isang buwan o taon bago ako maikasal sa kanya. Lahat gagawin ko para hindi na umabot ng isang buwan at maikasal na kami." Nakangiting sabi ko.

"Excited ka sahia? Masyadong mabilis yata?" Nakangising sabi ni dad.

"Oo nga son tsaka hindi sapat ang ilang linggo para ayusin ang isang bonggang wedding. Nag iisang anak lang si Jade at isang beses lang kayong ikakasal kaya ibongga mo na son." Nakangiting sabi ni mom.

Endless Love (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن