Chapter 4

746 11 0
                                    

*Akisha Jade POV*

It's been a week now and ang masasabi ko lang is hindi padin kami nakakapag usap ng maayos ni Ricci. Tsaka sobrang close ko na sa mga ka teammate niya nakilala ko na din yun ibang ka teammate niya at naging tambayan ko na nga din yung private room nila at yung rooftop kung nasaan sila minsan. Alam na ni Ricci na sumasabay ako sa mga ka teammates niya pero never siyang sumabay samin kasi siguro nagkaroon din kami ng time para pag usapan ang plano namin kung paano kami makakapag usap ni Ricci.

Nagulat ang lahat ng biglang bumukas ang pinto ng classroom namin at niluwa nito si Juan kasama si Diego.

"Ano nanamang ginagawa niyong dalawa dito? Don't tell me may practice nanaman kayo?" Inunahan na sila ni Miss bago pa sila magsalita.

"Good morning po Miss Suarez, alam po namin na gwapo kami Miss pero hindi po kami nandito para sunduin si Ricci." Si Diego na muna ang nag salita sa kanilang dalawa. Hinanap niya ako at nang makita niya ako kumindat pa sakin ang loko. Nakita ko naman na napatingin si Ricci sa kanilang dalawa at tumingin din siya sakin at nakita niya kung paano ako ngumiti kay Diego.

"Good morning po Miss Suarez. Tama po si Diego hindi po kami nandito para sunduin si Ricci tsaka sawa na kami sa pag mumukha niyan araw araw na namin nakakasama yan. Nandito kami para itanong kung pumasok po ba si Jade ngayon?" That mouth of yours Juanito! Yes Juanito ang tawag ko sa kanya at ako lang ang tumatawag sa kanya niyan gawa gawa ko lang din yan haha :)

"Wow bago ata to Juan himala hindi si Ricci ang hinanap niyo ngayon hah. Well to answer your question yes pumasok si Jade ngayon. So ano naman sayo kung pumasok siya o hindi? Are you courting her Mr. Gomez De Liano?" After sabihin yun ni Miss nagsigawan naman yung mga kaklase ko.

"Hoy sissy anong drama nanaman ni Juan ngayon? Don't tell me inlove na yan sayo." Bulong sakin ni Samantha sa harap ko kasi siya nakaupo tapos na sa gilid ko naman si Ricci.

"Well you know Miss Suarez, Single naman si Jade so meaning pwede ko siyang ligawan buto ba kayo sakin Miss para sa kanya. Hi Jade!" Sabi niya sabay kindat sakin.

And with that kinilig nanaman ang mga kaklase ko. May iba namang kontra dahil masyado na daw nakakaabala na daw sila sa discussion namin ngayon. Pero yung lalaking na sa tabi ko NR pa din, No Reaction!

"Alam mo Juan nakikita ko naman sa mga mata niyo ni Jade na gustong gusto niyo ang isa't isa. Pero pwede ba mamaya niyo na ituloy yan? Nakakaabala na kayo sa discussion namin. Hala sige labas na kayo! Mga bata talaga ngayon ha---" hindi na natapos ni Miss ang sasabihin niya dahil biglang tumayo si Ricci at hinila ang dalawa palabas ng room namin.

Haisst Juan Gomez De Liano your really a great actor! I hope gumana ang plano niyo.

****

*Juanito's Calling*

"Hi Jade, pwede ka bang pumunta dito sa rooftop?"

"Ngayon na?"

"Oo may ipapaturo lang kasi ako sayo. Don't worry dahil may pagkain na ako dito so no need to buy some food at the canteen."

"Ikaw talaga Juanito alam na alam mo talaga kung paano mo ako mapa-oo."

"Syempre ako pa ba. Sige na pumunta ka na dito dapat within 2minutes nandito ka na. Kasi pag wala ka pa libre mo ako ng lunch sa loob ng isang buw---"

Hindi ko na siya pinatapos at pinatay ko na agad ang tawag niya at nagmadali na akong umakyat don sa rooftop. Saktong sakto naman dahil pag dating ko sa elevator papunta ito sa taas at konti lang ang tao sa loob.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now