Chapter 31

411 6 0
                                    

*Ricci POV*

Isang linggo na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita si Akisha. Araw araw akong pumupunta sa bahay nila pero wala namang tao. Isang linggo din siyang hindi pumasok at hindi ko din siya ma contact. Isang linggong walang Akisha Jade parang naging ilang taon akong magisa. Mababaliw na nga ata ako kakahanap sa kanya pero hindi ko talaga siya makita.

"Dude pupunta ka ba sa students night mamaya?" Tanong ni Juan at umupo sa tabi ko.

Kakatapos lang ng training namin at nag papahinga kami ngayon dahil mamaya may pasok na kami.

"Hindi, hahanapin ko pa si Akisha." Seryosong sagot ko.

"Wait don't tell me hindi mo pa din alam kung nasaan si Jade?" Sabat naman ni Kobe at umupo din sa tabi ko.

"Mababaliw na nga ata ako kakahanap sa kanya pero hindi ko pa din siya nakita."

"Wait maiba ako mga dude, nag text sakin si Sam wala na daw pasok buong araw mag prepare na lang daw lahat para sa students night mamaya." Singit naman ni Diego at kumuha ng gatorade.

"Whoo! Celebration to mga dude!" Tuwang tuwa na pagkakasabi ni Paul.

"Hindi na ako sasali at hahanapin ko na lang ulit si Akisha." Seryosong sabi ko at kinuha yung cellphone ko.

Kahit si Samantha hindi ko matawagan. Don't tell me magkasama nanaman silang dalawa. Pareho silang hindi pumasok sa loob ng isang linggo.

"Dude! Whoo! Teka lang! Ano dude may b-balita ako sayo!" Hingal na sabi ni Javi. Kakadating niya lang hindi kasi siya nakapag training dahil may importanteng ginawa daw kanina.

"Ano yun bro?" Seryosong tanong ko.

Nag inhale exhale muna siya ng dalawang beses bago nagsalita. "Whoo! So ito na nga, nakitakosijadekasamasisamantha!" mabilis na sabi niya.

Binatukan siya ni Juan at hinila paupo sa tabi namin. "Jave hindi namin naintindihan ang sinabi mo." Seryosong sabi ni Juan.

Kahit ako hindi ko din naintidihan ang sinabi niya, sino ba makakaintindi non sa sobrang bilis ng pagkakasabi niya.

"NAKITA KO SI JADE KASAMA SI SAMANTHA!" sigaw niya samin.

Para akong naistatwa sa narinig ko. Tatanungin ko sana siya ng makita kong binatukan siya ni Juan.

"Nawala tuloy yung thrill!" nakangising sabi niya pagkatapos niyang batukan ang kapatid niya.

"Saan mo siya nakita bro?" Seryosong sabi ko.

"Palabas siya ng room niyo kanina. Nag announce nga kasi na wala ng pasok ngayon buong araw."

After niya sabihin yun tumayo na ako at tumakbo na ako papunta sa room namin. Pero bago pako makalabas ng gym narinig ko yung sigaw ni Kobe.

"Dude baka wala na siya don!"

I don't care kahit wala na siya don hahanapin ko pa din siya. Finally makakausap ko na din siya at masasabi ko na din ang katotohanan sa kanya.

Pagdating ko sa room namin walang tao kahit isa. Teka saan ko siya hahanapin? Aha! Tama sa canteen baka nandon sila ni Samantha.

Masyadong busy ang mga estudyante ngayon para sa students night mamaya. Well wala akong pakialam sa students night na yon! Ang importante sakin makita ko si Akisha.

Pagdating ko sa canteen nilibot ng mga mata ko ang buong canteen pero nadismaya ako dahil wala akong nakitang Akisha dito kahit anino niya man lang wala. Saan ko pa siya pwedeng hanapin?

Grabe ngayon ko lang na realize na malaki pala talaga ang UP. Nalibot ko na ang buong UP pero hindi ko pa din siya nakita. Pumunta na ko sa rooftop, sa pool, sa garden, pati lahat ng mga classrooms napuntahan ko na din. Lahat ng pwede niyang puntahan dito napuntahan ko na pero wala talagang Akisha. Teka baka niloloko lang ako ni Javi? Pag nalaman kong niloloko niya lang ako humanda talaga siya sakin.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now