Chapter 55

421 5 0
                                    

*Ricci POV*

(Author's Note: Balikan muna natin ang lahat ng mga ginawa ni Ricci para sa proposal. Mga ilang chapters din po ito kaya sana wag po kayong malito.)

"Sir ito na po yung order niyo." Tapos nilagay na ng waiter ang pagkain sa table namin.

Ngumiti na lang din ako sa kanya.

"So ano ba talaga ang pag uusapan natin ngayon Rivero?" Seryoso niya akong tinignan.

"Gusto ko po sana kayong makausap Tito, I know dati pa lang ayaw mo na sakin para sa anak niyo. Pero nandito po ako kasi gusto ko po kayong makausap."

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin sakin Rivero." Seryoso at maawtoridad niyang sabi.

"Nandito po ako para hingin ang kamay ng anak niyo sa inyo, gusto ko pong pakasalan ang anak niyo Tito." Seryosong sabi ko habang nakatingin ako sa mata niya.

Siya ang ka una unahang taong kinausap ko tungkol dito. Ayoko munang sabihin kay Akisha ang plano ko dahil gusto ko muna makausap ang mga magulang niya.

"Umalis si Jade ng limang taon dahil nasaktan mo siya, do you think na papayag akong pakasalan ka niya?" Seryoso pa din ang mga tingin niya sakin.

"I know po Tito na sobra kong nasaktan ang anak niyo, nandito po ako para humingi ng kapatawaran sa inyo sa nagawa ko sa anak niyo. Okay na po kami ni Akisha napatawad niya na po ako, kaya po nandito ako para humingi din ng kapatawaran sa inyo."
Tapos yumuko ako sa kanya.

"Hindi ibig sabihin na napatawad ka na ng anak ko papayag na akong pakasalan mo siya. Hindi ikaw ang lalaking gusto kong makasama ng anak ko. Sobra mo na siyang nasaktan at ayoko ng masaktan mo pa ulit siya."

"I was a jerk five years ago at sobrang g@g* ko para pakawalan ang anak niyo noon Tito. Mahal na mahal ko po ang anak niyo Tito at siya lang ang babaeng gusto kong makasama. Handa po akong patunayan sa inyo na deserving po ako sa pagmamahal ng anak niyo Tito. Lahat po gagawin ko para sa kanya Tito, a life without her is nothing."

Uminom si Tito ng kape at tinignan niya ako sa mga mata ko, yung seryosong tingin.

"Mahal mo ba talaga ang anak ko? Kung mahal mo siya bakit hindi mo siya hinanap ng umalis siya?"

"Mahal na mahal ko po siya Tito sobra pa sa sobra, siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Mahal ko siya sobra pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Hindi ko siya sinundan dahil alam ko na ikaw po ang kasama niyang umalis noon. Gusto ko pong bigyan siya ng time na makapag isip-isip at gusto ko po muna siya bigyan ng space." Sabi ko habang nakatingin sa mata niya.

"Pag ba binigay ko ang kamay ng anak ko sayo, masisigurado mo bang hindi na ulit siya masasaktan? Hindi na ba siya ulit iiyak?" Seryoso niyang sabi.

"Pinapangako ko po sa inyong hinding hindi ko na po ulit siya sasaktan, hinding hindi ko na siya hahayaan na umalis ulit. Ang buhay po hindi lang puro saya at hindi ko po maipapangako na hindi na siya iiyak. Pero gagawin ko po ang lahat para hindi na siya umiyak. Bilang pa lang po sa mga daliri ko kung ilang beses ko pa lang siyang nakitang umiyak, magaling pong magtago ng emosyon ang anak niyo Tito. Hindi ko man nakita na umiyak ng todo si Akisha noon, pero pinapangako ko po sa inyong hinding hindi ko na po siya papaiyakin ngayon. Gagawin ko po ang lahat para sa kanya Tito. Palagi ko po siyang papasayahin dahil ang ngiti niya po ang isa sa pinaka gusto ko sa kanya."

"Ano ba ang mga kaya mong gawin para sa kanya Ricci?" Maawtoridad na boses at seryosong tingin ang pinakita niya sakin.

"Lahat po gagawin ko para sa anak niyo Tito, poprotektahan ko po siya ng buong puso dahil hindi ko po kaya pag nawala siya sakin. I will protect her just like the way how you protect her Tito. Mamahalin ko po siya ng buong puso at hinding hindi ko po siya iiwan. Mamahalin ko po lahat ng mga imperfections niya at hinding hindi ko po siya ipagpapalit kahit kanino. Lahat po gagawin ko para lang po sumaya siya at hinding hindi niya po pagsisisihan na ako ang pinili niyang mahalin."

Endless Love (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ