Chapter 50

479 7 0
                                    

*Akisha Jade POV*

"Mahal kumain ka na muna." Tapos inabot niya sakin yung pagkain na dinala niya.

Nandito kami ngayon sa opisina ko dinalhan niya nanaman ako ng pagkain, after namin mag usap ni Diego kahapon pagdating ko dito sa opisina nagulat ako dahil nandito siya. Syempre hindi ko siya kinausap, nagtatampo pa din ako sa kanya dahil hindi siya nag paparamdam sakin nung nasa states siya.

Tinignan ko lang siya at tinuloy ko yung ginagawa ko.  Busy ako ngayon dahil marami akong kailangan tapusin at mamayang one pm na din magsisimula ang pag aayos namin para sa engagement party ni Diego.

"Mahal naman kahapon mo pa ako hindi kinakausap, countless times na din akong nag sorry at nag explain sayo pero hindi mo pa din ako kinakausap. Tama na muna yan mahal kumain ka na muna." Tapos nilagyan niya ng pagkain ang kutsara at isusubo niya na sakin.

"Wala ka bang gagawin ngayon? Ilagay mo na diyan, kakain ako mamaya pag gutom ako." Cold kong sabi.

Kahapon niya pa talaga ako nilalambing pero hindi ko pa din siya kinakausap ng maayos. Nakakatampo lang kasi na hindi man lang siya nagparamdam sakin sa loob ng dalawang araw.

"Wala, tsaka hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako mapapatawad mahal." Tapos hinawakan niya yung kamay ko.

"Kung wala kang gagawin edi mag hanap ka ng gawin. Kailangan ko matapos lahat ng mga paper works ko ngayon. Mamayang one pm may gagawin pa kami para sa isang event." Tapos inusog ko yung pagkain na nasa harap ko at tinuloy ko na yung ginagawa ko.

Nagulat ako dahil bigla niyang isinara ang laptop ko at hinila niya ako patayo at niyakap niya ako.

"Ano pa ba ang kailangan kong gawin mahal para mapatawad mo ako, totoong importanteng bagay lang ang ginawa ko sa states. Tsaka sa tingin mo talaga magagawa ko pang mag hanap ng ibang babae doon sa states? Ang laki kong tanga kung ipagpapalit pa kita. I love you mahal ikaw lang sapat na, sorry na mahal bati na tayo please." Tapos kiniss niya ako sa forehead ko.

Actually hindi naman ako galit sa kanya, nagtatampo lang ako. Sa lahat ng mga ginawa niya kahapon para suyuin ako parang hindi ko yata kayang magalit sa kanya. Kahapon ko pa talaga pinipigilan ang sarili ko na bumigay sa kanya, pero sa tingin ko hindi ko na talaga kaya. Tsaka isa pa namimiss ko na siya sobra, kaya niyakap ko din siya pabalik.

"Hindi naman tayo nag away love, nagtatampo lang ako sayo dahil hindi ka nagparamdam sakin sa loob ng dalawang araw. I love you too love." Sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"I love you more Akisha Jade Arquiza! Bati na tayo hah hindi ko kayang hindi mo ako kinakausap." Tapos mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sakin.

"Oo na nga bati na tayo, kahit hindi naman tayo nag away." Tapos kumalas na ako sa pagkakayakap niya sakin.

"Kumain ka na muna mahal bago mo tapusin yan." Tapos dinala niya ako sa  isang table at nilagay niya yung pagkain.

"Kakain tayong dalawa love then after that behave ka na dahil tatapusin ko na lahat ng mga paper works ko. Magiging busy na ako mamayang hapon." Tinignan ko siya sa mga mata niya at ngumiti ako sa kanya.

"Okay po mahal, sige na kumain na tayo ako nagluto niyan kanina." Nakangiting sabi niya.

Ngumiti na lang din ako sa kanya at kumain na nga kaming dalawa. Ang swerte ko talaga dahil binigyan ako ng isang Ricci Rivero. God thank you dahil sakin mo siya binigay, I promise that I will keep him and I will take good care of him.

****

"So ma'am nakapag isip na ba kayo kung anong theme ng event?" Tanong ni Shane sakin habang nakatingin sa laptop niya.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now