Chapter 12

813 8 0
                                    

*Akisha Jade POV*

The moment I open my eyes si Ricci agad ang nakita ko. Nang makita niyang gising na ako bigla niya akong niyakap. Teka himala ata na niyakap niya ako? Teka pano ba ako napunta dito? Nang ilibot ko yung mata ko nalaman kung nandito ako ngayon sa clinic. Pero ang hindi ko alam is kung paano ako napunta dito.

"Buti naman gising ka na." Sabi ni Ricci habang nakayakap sakin.

"Teka anong ginagawa ko dito?" Tanong ko.

Pilit kung binalikan ang mga nangyari kanina. Pumasok kami ni Sam na tatlong oras lang ang tulog namin. Tapos pag dating namin sa room maya maya naman dumating din si Ricci tapos... So meaning hindi lang panaginip ang nangyari kanina? Pero hindi eh impossible na mangyari yun alam ko namang galit sakin si Ricci. Ang huling naaalala ko yung sinundan niya ako nung lumabas ako sa room namin tapos hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari kasi unti unti ng lumalabo ang paningin ko kanina.

"Nahimatay ka kanina habang na ka yakap sakin. Tapos dinala kita dito sa clinic and believe it or not six hours ka ng tulog."

Nakayakap sa kanya? Teka bakit parang wala akong may naalala na niyakap niya ako? Teka sabi niya six hours na akong tulog? So meaning hindi ako nakapasok sa mga klase ko ngayon?

"Anong oras na ba?" Tanong ko.

"3:20 pm na at hanggang ngayon hindi ka pa din kumakain. Kamusta na ba pakiramdam mo ngayon?" Teka tinanong niya ba kung kamusta ako? First time to ah.

"Ano daw ba ang sakit ko sabi ng nurse kaya nahimatay ako?" Pag iiba ko ng topic namin. Bakit ba sa hindi ako sanay na ganito siya sakin ngayon eh. Parang kailan lang sinisigaw sigawan pako nito.

"Too much stress daw kulang ka daw sa pahinga at masyado ka daw nag pupuyat. Ano ba nangyari sayo? Tsaka bakit ka pala absent sa loob ng apat na araw?" Seryosong sabi niya.

Si Ricci ba to? Ngayon lang ako nakarinig sa kanya na nag tatanong siya sakin kung anong nangyari sakin.

"Wala, tsaka bakit parang nag aalala ka sakin?" Seryosong tanong ko.

"Syempre boyfriend mo ako kaya mag aalala ako sayo. Apat na araw kang hindi pumasok kahit ni isang text wala akong may natanggap mula sayo. Tapos pagbalik mo malalaman ko na lang na stress ka daw at kulang ka sa pahinga kasi masyado ka daw napapagod." May bakas ng galit sa boses niya.

Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa kanya o matutuwa kasi nag aalala siya sakin.

"Bakit ka nagagalit sakin?"

"Look I'm sorry hindi ko sinasadya na takutin ka. Nag aalala lang ako sayo dahil sa mga sinabi ng nurse sakin kanina habang tulog ka. Hindi ko alam pero na gu-guilty ako kasi pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit mo nararamdaman lahat ng yun..." Tumigil muna siya tapos kinuha niya yung kamay ko at ang isang kamay niya naman hinawakan ang mukha ko. "Alam mo mahal ng marinig ko yung sinabi ng nurse kanina isa lang ang napatunayan ko. Yun ay mahal pa din kita at gustong gusto kita protektahan. Sorry mahal kasi sinaktan kita nung bumalik ka sana mapatawad mo pa ako. I love you mahal."

O_O - Ako, Teka totoo ba to? Kung panaginip lang to please wag niyo na akong gisingin. Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya sakin. Nakatingin lang ako sa kanya at ganun din siya sakin. Ang alam ko galit pa to sakin hindi ko naman alam na ganun na lang yun kadali mawala ang galit niya sakin.

"Mahal I'm so sorry sa lahat ng nagawa ko sayo. Sorry kasi nasaktan kita. Alam ko isa akong g@g* dahil hinayaan kung galit ang manaig dito sa puso ko. Mahal gusto ko magsimula ulit tayo. This time seryoso na wala ng halong pag papanggap." After niya sabihin yun niyakap niya ako.

Endless Love (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ