Chapter 30

426 6 0
                                    

*Akisha Jade POV*

"Grabe sissy sobrang ganda ng birthday celebration ni Tito Joaquin." Masayang sabi ni Samantha.

"Hindi lang kasi ito birthday celebration babe, we know na opening din ng bagong branch ng restaurant ni Tito." Nakangiting sabi ni Brent.

Oh yes si Brent at Samantha na po, finally nagkaaminan na din sila ng true feelings nila sa isa't isa. Before daw kami pumunta dito sinagot na ni sam si brent.

Pag tingin ko sa kanilang dalawa napangisi na lang ako. Na sa isang table lang kaming tatlo at kaharap ko silang dalawa ngayon. Ang mga loko sobrang tamis nainggit tuloy ako, chika! joke lang naman.

"Ang daming langgam sissy." Nakangising sabi ko sa kanya.

"Sus inggit ka lang sissy kasi wala yung jowa mo. Tsaka war pa kasi kayo ngayon kaya ayan hindi ka tinatawagan." Tumawa pa siya after niya sabihin yun.

"Excuse me, sinadya ko talagang ioff yung cellphone ko para hindi niya ako ma tawagan." Masungit kong sagot.

For sure galit na galit na sakin yun dahil hindi ako nag paparamdam sa kanya sa loob ng dalawang araw. Mag papamiss muna ako minsan lang naman to.

"Guys excuse me, hihiramin ko muna ang dalaga ko." Ngumiti si papa samin at hinawakan niya ako sa balikat ko.

"Yes papa?" Ngumiti na din ako sa kanya.

"Come with us sweetie gusto ka lang namin ipakilala ng mommy mo sa mga business partners natin." Hinawakan ako ni papa patayo. "Mag solo muna kayong dalawa hihiramin ko lang ang dalaga ko, enjoy your food guys."

Tumalikod na kami sa kanila at nilagay ni papa yung kamay ko sa braso niya. Lumapit naman samin si mommy at nag beso ako sa kanya.

"Hon ayon si Mr. Flores oh!" Sabay turo ni mommy sa isang business man na naka suit.

"Come sweetie ipapakilala kita sa kanila ng anak niya. You know what sweetie Mr. Flores is one of the most popular business man in the philippines." Inalalayan ako ni papa papunta sa isang table.

"Hi Mr. Flores this is my daughter Jade. Sweetie this is Mr. Flores one of our investors." Pagpapakilala ni papa.

Ngumiti naman sakin ang lalaki at nag offer siya ng handshake. "Good evening dear, wow quin your daughter is so beautiful."

"Thank you po sir, it's nice meeting you po sir." Inabot ko yung kamay niya at nakipag handshake ako sa kanya.

"Ang bait naman ng anak niyo quin, I want you to meet my son also dear. Nag cr pa yon pero mamaya babalik na din yun. Let's have a sit first?" Ngumiti siya samin at nauna na siyang umupo.

Umupo na din kami ni mommy at ni papa. Round yung table and good for four lang ito, si mommy katabi niya si daddy tapos ako then may isang upuan na walang nakaupo tapos next to that nandon nakaupo yung business partner ni papa.

"I think quin bagay ang mga anak natin, look your daughter is beautiful and my son is handsome too. Hindi naman sa pagmamayabang pero yung anak ko at the young age madami na siyang mga nagawa, one of those is yung business niya sa philippines." Masayang kwento niya samin.

Natutuwa lang ako kasi pinagmamalaki niya yung anak niya samin, hindi naman ako nayayabangan sa kanya maybe he is just proud sa mga nagawa ng anak niya. Sana ganun din siya, yung ipagmamayabang niya din sa mga ka business partners niya na ako ang nag iisa niyang anak. What the! Bakit mo naiisip yan Akisha Jade? Haisst!

"Dad I'm sorry natagalan ako." Narinig kong sabi ng lalaki sa likod ko.

"It's okay son, umupo ka na muna. Ito nga pala si Tito mo Joaquin and this is your Tita Sandy asawa siya ni Joaquin. And this beautiful lady is their one and only princess." Tumayo siya para ipakilala kami sa anak niya.

Endless Love (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora