Chapter 11

738 14 0
                                    

*Ricci POV*

Apat na araw na ang lumipas ng sabihin ni Juan sakin yun pero hanggang ngayon hindi ko pa din yun nakakalimutan. Yung tipong parang kanina niya lang sinabi sakin yun. After sabihin ni Juan sakin yun biglang nag flash yung mukha ni Akisha sa isip ko. Yung Akisha na malapad ang ngiti. Parang naka feel ako ng guilty dahil sa ginawa ko sa kanya mula nung bumalik siya dito.

Apat na araw na din siyang hindi pumapasok pati si Samantha hindi din pumapasok. Ewan ko ba sa mag kaibigan na yun sabay sabay pa talaga silang nag absent ng apat na araw.

"So pre hindi pa din ba pumapasok si Jade?" Tanong ni Paul sakin.

Kakatapos lang ng training namin at nag papahinga kami ngayon dahil mamaya may mga klase na kami.

"Hindi, ewan ko ba anong nangyari don." Sagot ko.

"Ang g@g* mo naman bro girlfriend mo hindi mo alam kung bakit hindi pumapasok?" Sermon naman ni Diego sakin.

"Nag text na ba siya sayo?" Tanong naman ni Kobe.

"Hindi pa. Hindi ko nga alam kung may number ako don sa kanya. Tsaka wala din siyang number sakin." Nung isang araw ko lang na realize na wala nga siyang number sakin.

"Jowa mo pero wala kang number? Nakakatawa ka bro." Nakangising sabi ni Juan.

Hindi ko talaga alam kung kontra ba to sakin o kakampi ko to. Minsan may topak din kasi ang isang to. Tapos minsan may sasabihin siyang mga salita na mag iiwan talaga ng marka sa isip ko.

"Kasalanan ko ba yun kung bakit wala kaming number sa isa't isa?" Sabat ko naman.

"Sort of bro, alam mo yung sinasabi nilang 'pag gusto may paraan pag ayaw maraming dahilan' isa don ang ginagawa mo ngayon." Hindi ko alam kung saan kinukuha ni Juan lahat ng mga pinagsasabi niya sakin.

"Tama si Juan pre pag gusto may paraan. So bakit hindi mo gamitin ang source mo? Tsaka ang daming pwedeng paraan pre pero wala ka man lang ginawa sa loob ng apat na araw na wala ang girlfriend mo?" Singit naman ni Paul.

"Oo nga bro diba iisang subdivision lang kayo? So bakit hindi mo siya puntahan sa bahay nila? For sure naman na alam mo kung saan siya nakatira." Sabi naman ni Javi.

Tama sila hindi ko man lang naisip na may number siyang nilagay don sa form niya na na sa office ni dad. Tapos hindi ko man lang siya nagawang puntahan sa bahay nila sa loob ng apat na araw. Sige mamaya din pag hindi pa siya papasok kukunin ko yung number niya kay dad at dadaan ako sa bahay nila total uuwi naman ako ngayon sa bahay. Nakakabaliw kasi ang katahimikan sa condo ko pakiramdam ko pag tumagal pako don baka mabaliw ako.

Teka bakit ko ba naiisip na gawin yun para sa kanya? Ito naman ang gusto ko diba ang maging tahimik ang buhay ko at mawala siya sa tabi ko? Aaauughh!! Hindi ko na talaga alam kung ano pa ba ang tamang iisipin ngayon. Baliw na nga yata talaga ako.

"What if bro may nangyaring masama kaya hindi siya nakapasok sa loob ng apat na araw?" out of nowhere na sabi ni Kobe.

"Who knows baka bumalik na yun sa states dahil na realize niyang hindi naman talaga siya mahal ni Ricci at wala ng chance na mahalin siya ulit ni Ricci? Naku baka napagod na si Jade kakahabol sayo bro. So ano susunod ka ba sa states?" Nakangising sabi ni Juan.

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Kobe at ni Juan. Paano nga pag may nangyaring masama sa kanya? Paano pag bumalik na nga siya sa states at hindi na ulit siya babalik dito?

"So mas mabuti kasi wala ng manggugulo samin ni Roxanne." Yun na lang ang nasabi ko sa kanila. Nasabi ko yun pero hindi ko maiwasan na ma pa isip so paano nga pag hindi na siya babalik dito?

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now