Chapter 24

490 8 0
                                    

*Akisha Jade POV*

Nandito kami ngayon sa condo niya. After ng nangyari kanina sa dugout hinila ko na agad siya na umuwi na kami. Umuwi kami sa condo niya at hindi ko siya kinikibo mula kanina.

"Mahal hindi mo ba talaga ako kakausapin?" Siniksik niya yung mukha niya sa leeg ko. Nakaupo kami ngayon dito sa sofa niya.

Sasama na lang sana ako kanina kila mommy pauwi pero hinila ko na lang si Ricci dahil sa naiinis ako sa sinabi niya kay Brent kanina.

"Mahal kausapin mo naman ako."

"Uuwi nako cci." Seryosong sabi ko.

Napatingin siya sakin nung sabihin ko yun. "Galit na nga yung mahal ko na cci na kasi ako. Sorry na mahal." Hinawakan niya pa yung kamay ko.

"Bitawan mo nga ako, uuwi na ako and don't you dare na ihatid ako." Seryosong sabi ko at tumayo ako.

"Mahal naman ayokong umuwi ka ng hindi natin naaayos to. Sabihin mo mahal kung anong problema." Hinila niya ako paupo.

"Seryoso? Alam kung alam mo kung ano ang problema natin Ricci."

"Si Brent pa din ba?" Naging seryoso yung mukha niya.

"Anong tingin mo?"

"Look mahal kung yun ang dahilan kung bakit galit ka sakin ngayon, sorry okay? Ayokong si Brent pa ang dahilan ng pagaaway natin ngayon."

"Sabi ko sayo kanina humingi ka ng sorry sa mga sinabi mo sa kanya. Pero anong ginawa mo?"

Naiinis talaga ako sa sinabi niya kanina. Gusto ko talaga siya upakan non.

"Alam mong hindi ko gagawin yun mahal. Teka bakit ba pinag tatanggol mo ang lalaking yun?" Seryosong sabi niya.

"Hindi ko siya pinag tatanggol alam ko lang talagang mali ang ginawa mo kanina."

"Anong mali don mahal? Ayaw ko naman talaga siyang nakikita, tuwing nakikita ko kasi siya parang gusto ko siyang patayin sa ginawa niya."

"Bakit ba galit na galit ka sa kanya?"

Alam ko may nagawa kami noon na hindi niya nagustuhan pero hindi ko naman inaasahan na masisira talaga ang friendship nila. Siya lang naman ang galit kay Brent dahil hindi naman galit si Brent sa kanya.

"So hindi mo talaga alam? Sobrang laki ng galit ko sa kanya mahal, to the point na gusto ko na siyang patayin ng makita ko siya kanina."

"Sobrang laki ng galit mo sa kanya kasi ayaw mo naman alamin kung ano ang totoo. Ilang beses kung sinabi sayo na hayaan mo akong mag explain pero anong ginagawa mo? You keep on refusing my explanations. Grow up Ricci hindi ka na bata para pagalitan pa para lang makinig!"

Dala ng inis ko hindi ko na napigilan ang sarili ko na sigawan siya.

"I'm sorry mahal." Niyakap niya ako bigla after niya sabihin yun.

"Ano ba talaga ang gusto mo?" Seryosong tanong ko.

"I'm sorry mahal kung nagalit ka pa sakin. Sige kung ang pagalitan ako ang makakapag pagaan ng loob mo, tatanggapin ko lahat ng mga sasabihin mo mahal. Galit ka sakin ngayon at ayokong magalit sayo dahil kung pareho tayong galit sa isa't isa hindi tayo magiging maayos."

After what happened hindi pa din siya galit sakin, kahit nasigawan ko na siya hindi pa din siya galit. Now I can say na bumalik na nga ang dating Ricci na minahal ko.

"Gusto ko na nga ayusin lahat pero ikaw tong ayaw na ayusin natin ang lahat."

Inalis niya ang pag kakayakap sakin at kinuha niya yung mga kamay ko. "Hindi na natin kailangang ungkatin ang nakaraan mahal. Ang mahalaga ngayon okay na tayo at masaya na tayo. Sige kung gusto mong pag sabihan ako ng mga masasakit na salita tatanggapin ko yun, hindi ako makikipag talo sayo dahil baka saan lang mapunta ang pag aaway natin."

Endless Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon