Chapter 13

774 10 0
                                    

*Akisha Jade Pov*

"Good afternoon po ma'am and sir, table for two po?" Approach agad ng lalaking waiter samin ni Ricci nung pumasok kami sa RME'S Restaurant.

"Yes." Tipid na sagot ni Ricci.

"This way po ma'am and si---"

"Pwede ba wag mo hawakan ang girlfriend ko." Masungit na sabi ni Ricci sa waiter.

Kinuha niya yung kamay ko na hinawakan ng waiter. Wala naman akong nakikitang masama sa ginawa ng waiter kasi parang way na nila yun sa pag approach sa mga customer nila.

"Sorry po sir." Medyo lumayo naman ang waiter sakin.

"Sorry sa inasal niya hah, pero mabait naman to nagseselos lang yata." Nakangiting sabi ko sa waiter.

"Did I allow you to talk to that person? Wag kang ngumiti sa kanya baka agawin ka niyan sakin." Seryosong sabi niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Well I can say na bumalik na nga ang Ricci na minahal ko noon. Hinawakan ko na siya sa kamay niya at sumunod na ako sa waiter papunta sa table na pagdadalhan niya samin.

"Dito na po ma'am and sir, Ito na po ang menu sir." Sabay abot ng dalawang menu kay Ricci.

Inalalayan naman ako ni Ricci para umupo at tsaka siya umupo sa harap ko.

"Mahal anong gusto mong kainin?" Tanong niya sakin at tsaka tumingin sa menu.

"Ikaw na bahala love kahit ano na lang." After ko sabihin yun tumingin siya sakin tsaka ngumiti.

"Still the same huh?" Ngumisi siya sakin at tumingin ulit sa menu. "Sige ako na lang, waiter ito oh dalawang sisig, dalawang bulalo, dalawang fried chicken tsaka dalawang slice ng chocolate cake tapos apat na kanin at dalawang pineapple juice."

"Sige po sir wait niyo na lang po." Nakangiting sabi niya tsaka umalis na.

"Ang dami ata non cci?" Kunot noong tanong ko.

"Mabuti na yun mahal para siguradong busog ka." Nakangiting sabi niya.

Tinignan ko siya at bigla ko lang naisip na ang swerte ko pa din kahit papano dahil nagawa niya akong patawarin sa kasalanan ko. Hindi ko lang inaasahan na ganito ka aga niya akong mapapatawad I thought it will take a year bago niya ako mapatawad. Siguro ganun talaga pag mahal mo ang isang tao kahit may nagawa pa siyang kasalanan sayo papatawarin at papatawarin mo pa din siya.

"Alam kung gwapo ako mahal kaya wag mo na akong titigan." Nakangising sabi niya.

"Kapal! Hindi kita tinititigan may naiisip lang ako. Ang hangin mo pa din hanggang ngayon." But the truth is nakatingin talaga ako sa kanya at hindi ako magsasawa na titigan siya.

"Denial queen ka pa din hanggang ngayon. Oo na hindi ka na amaze sa ka gwapuhan ko. Ano bang inisip ng mahal na prinsesa ko?" Kinuha niya yung kamay ko at hinawakan niya ito.

"Tse! Naisip ko lang kung paano kita aawayin ngayon." Ngumisi na lang ako sa kanya.

"Alam mo mahal na prinsesa hindi mo naman ako kailangan awayin para lambingin ka. Sa totoo kasi niyan na miss din kita sobra pa sa sobra." After niya sabihin yun kinuha niya yung kamay ko at kiniss niya iyon.

"Sir excuse lang po ito na po yung order niyo." Napatingin kaming dalawa ni Ricci sa waiter dahil nagulat kaming nandito na pala siya.

"Salamat." Nakangiting sabi ko.

"Your welcome po ma'am enjoy your food po ma'am and sir." Ngumiti din yung waiter at umalis na siya.

Amaze na amaze naman ako sa mga pagkain na nandito sa harap namin ngayon. Paano ba naman ang dami kasing inorder ng lalaking to. Tinignan ko naman siya at nanlilisik naman ang mga mata niyang nakatingin sakin.

Endless Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon