Chapter 7

678 12 0
                                    

*Akisha Jade POV*

"Good evening po Tita Aby." Lumapit ako kay Tita Abigail para bumeso.

"Good evening din Jade. It's nice to see you again buti naman pumayag ka na dito na mag dinner." Masayang sabi niya.

"Ako din po Tita masaya po ako na makita ulit kayo. As if naman po na may choice ako, ayokong magalit sakin si Ricci pag hindi ako pumayag na dito ako kakain ngayon."

"Still the same huh? Halika na nga kumain na tayo." And with that hinawakan ako ni Tita sa kamay.

Nasaan ako ngayon? Well nandito lang naman ako sa bahay nila ni Ricci. Gusto kasi ni Tita Abigail na dito daw ako mag dinner ngayon. Gustong gusto niya daw kasi akong makita. Kaya ayon sinabi ni Ricci na hindi ako pwedeng umayaw kasi magagalit daw si Tita sakin.

Okay na ba kami ni Ricci? Pag nandiyan si Tito Paolo at Tita Abigail okay na okay kami. Pag wala back to normal na, siya na ulit ang Ricci na sobrang galit na galit sakin.

Nagpapanggap lang ba kami? Ako hindi dahil totoo lahat ng pinapakita ko sa kanya. Lahat ng care at pag aalaga especially ang pagmamahal na pinaparamdam ko sa kanya totoong totoo lahat yun. Pero siya alam ko naman na nagpapanggap lang siya.

It's been one week after niyang pumayag sa gusto ni Tito Paolo.

*Flash Back*

"Okay fine! Simula ngayon iyong iyo na ulit ako."

"Akala ko ba ayaw mo? Bakit biglang nagbago isip mo?" Nakangising tanong ni Tito Pao sa kanya.

"Kaya kung gawin lahat dad, ang hindi ko lang kaya ang talikuran kayong pamilya ko." Seryosong sabi niya.

"So you mean pumapayag ka na sa gusto ko?"

"Do I have any choice?"

"Well then it's settled now kayo na ulit ni Jade." Nakangiting sabi ni Tito.

"So masaya ka na?" Biglang nagtama ang mga mata namin.

Hindi ko siya magawang tignan sa mga mata dahil hindi ko alam kung tama ba to. Gusto ko pag naging kami ulit yun ay dahil sa mahal niya ako, hindi yung ganitong napipilitan lang siya.

"Anyway gusto ko pa lang sabihin sayo son na pag labas mo dito kausapin mo na agad si Roxanne at sabihin mo na sa kanya na tinatapos mo na ang kung ano manglaro meron kayo. At ito ang tatandaan mo. Ayoko ng makita siyang nakadikit sayo simula ngayon lalayo ka na sa kanya at hindi ko na gustong marinig o makita man lang na nag aaway kayong dalawa ni Jade. Magiging maayos din ang lahat son just trust the process, time will come tatawanan niyo nalang ang mga problema na pinagdaanan niyo." after that tumayo na si Tito para lumabas pero bago niya buksan ang pinto lumingon ulit siya samin at nagsalita. "Alam kung magiging masaya kayong dalawa ni Jade at nakikita ko sa mga mata niyo na mahal na mahal niyo pa din ang isa't isa. Son I know darating ang araw na mag papasalamat ka sakin kaya ngayon pa lang sasabihin ko na sayong, your welcome son it's my pleasure na ibalik sayo ang taong nawala sayo sa loob ng limang taon" And with that tuluyan ng lumabas si Tito

*End of Flash Back*

And yes break na po si Roxanne at Ricci nung araw din na iyon sinugod ako ni Roxanne at ang dami niya nanamang mga sinabi sakin hinamon pa akong makipag away sa kanya. Well syempre hindi ako pumatol first hindi ko gawain ang makipag away ng pisikalan sa ibang tao to think na na sa loob kami ng University tingin niya talaga papatol ako sa kanya? Like duh!

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now