Chapter 54

476 6 1
                                    

*Ricci POV*

The sweetest yes echoed in my ear. My heart exulted, it beated blasting and vivid! With a tight hug and passionate kiss, I thanked her so much. She completed my life and I could never let her go!

"Congrats son I'm so proud of you, you did a job well done." Nakangiting sabi ni mom at niyakap niya ako.

"Congrats Jade your so lucky to have him, please take good care of my sahia. Thank you also for saying yes, I know my son is so very happy now." Tapos niyakap niya din si Akisha.

"Yes po Tita I am, don't worry I will take good care of your sahia. I'm so happy also Tita, I still can't believe na nangyari nga talaga yun." Nakangiting sabi niya naman kay mommy habang nakayakap.

After niya mag yes kanina nagkaroon na din ng ilaw at nagulat daw siya kasi sobrang dami daw ng mga bisita, tapos hindi niya din daw inaasahan na para sa kanya ang ginawa niyang engagement party. Well tinupad ko lang naman ang isa sa mga pangarap niya, then siya din tinupad niya din ang isa sa mga pangarap ko.

Kumakain na ang lahat ngayon at kaming dalawa naman pinupuntahan namin ang mga bisita. Sila mommy muna ang unang pinuntahan namin kaya nandito kami ngayon sa table nila.

"You really a man now cci! I'm so proud of you! Always remember that put God at the center of everything." Tapos niyakap niya ako.

Niyakap ko din siya pabalik. "Thank you dad."

Kumalas na din siya sa pagkakayakap niya sakin at niyakap niya din si Akisha, may mga sinabi pa siya kay Akisha pero hindi ko na narinig. Nakita ko na lang na tumawa siya at kumalas na siya sa pagkakayakap ni dad sa kanya.

"Dad ano nanaman ang binulong mo sa fiancé ko?" Seryosong tanong ko. Baka kasi kalokohan nanaman yun.

"Okay po Tito don't worry, siguro mga after two years pa." Tapos tumawa pa siya. Lumapit siya sakin at hinawakan niya yung kamay ko. "Ito namang fiancé ko sobrang seryoso, wala lang yun love ano ka ba." Nakangiting sabi niya.

"Dude your the one! Grabe hindi ako makapaniwalang ginawa mo lahat ng yun. I'm so proud of you cci!" Si Kuya Prince.

"Oo nga cci kakaiba ka! Ikaw ang totoong idol! Congrats bro nalalapit ka ng matali!" Nakangising sabi naman ni Kuya Rasheed.

Sabay nila akong niyakap at pumunta naman si Akisha kila Riley, Gelo, Ashton and Allen.

"Grabe hindi ko alam kong saan mo nakuha ang idea na yun cci!" Nakangising sabi ni Kuya Prince.

"Ganyan talaga kuya pag inlove ka ang dami mong magagawa na hindi mo iisipin na magagawa mo pala." Nakangiting sabi ko.

"Grabe hindi ko alam na sa ating tatlo ikaw pa ang mauunang magpakasal bro!" Tapos tinapik ako ni Kuya Rasheed sa balikat.

"Alam ko na yun kuya bata pa lang tayo, ikaw pa nga si daddy noon diba? Tapos si kuya Prince naman si father." Tapos tumawa pa ako after ko sabihin yun.

"Loko ka talaga pati yun sinabi mo pa sa harap ng mga tao!" Tapos sinuntok pa ako ni kuya Prince sa braso pero mahina lang naman.

"Okay naman yun ah. Sige na aalis na muna kami ni Akisha pupunta pa kami sa table nila Tita Sandy. Usap nalang tayo pag hindi na busy." Tapos niyakap ko pa silang dalawa.

Lumapit naman ako kay Akisha at pinalibot ko yung kamay ko sa braso niya. Nagulat siya sa ginawa ko at napatingin siya sakin, ngumiti na lang din ako sa kanya.

"Boys pwede ko ba munang hiramin ang ate Akisha niyo? Pupuntahan lang namin ang mommy niya." Nakangiting sabi ko sa kanila.

"Syempre naman kuya, Congrats po kuya!" Nakangiting sabi ni Angelo.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now