Chapter 9

646 10 0
                                    

*Ricci Paolo POV*

"Pakitang tao din pala siya girl kasi diba dati ang tapang tapang niya tapos ngayon na nandito si Ricci bigla siyang bumait. Akala mo kung sinong Angel yun pala demonyo din sa loob." After sabihin ni Alexa yun bigla na lang lumabas si Jade.

First time ata na hindi siya nakipag sagutan sa kanila ni Alexa at Lyka dati nakikipag bangayan pa siya sa dalawa pero ngayon bigla na lang lumabas.

Totoo kaya ang sinabi ni Alexa na pakitang tao lang si Jade?

Aaagghh!! Bakit mo ba yun naisip Ricci you know in the first place kung sino ang mas totoong nakakakilala sa kanya. Teka bakit may guilt akong nararamdaman? Is it because hindi ko siya sinundan nung lumabas siya or because hindi ko man lang siya naipagtanggol ng ipahiya siya ni Alexa at Lyka.

F*ck! Why would I be? Deserve niya naman yun after all siya naman talaga tong may kasalanan sakin. Kung dati gustong gusto kong protektahan siya well iba na ngayon. Hindi na ako ang Ricci na nag papakatanga sa kanya noon. After all siya naman talaga ang may gusto na umalis hindi man lang siya nag paalam kahit isang salita wala akong narinig sa kanya.

*Flash Back*

"Punta tayo sa bahay niyo cci."

"Mamaya na Sam hintayin na lang muna natin si Akisha."

Kanina pa kasi niya ako kinukulit na pumunta na sa bahay. Excited yata masyado nung nalaman na nag handa si mommy sa bahay ng mga paborito nilang ulam.

"Kanina pa tayo nandito si cci pero wala pa din si sissy kahit nga si Brent wala pa din eh." Pagmamaktol ng kaibigan ko.

"Kunting tiis na lang mamaya din dadating na sila baka sabay pa nga yun dumating eh."

Nandito kami ngayon sa plaza kung saan kami nagkikita before pumunta sa bahay para tumambay. Bata pa lang kami ganito na kami kaso minsan hindi nakakapunta si Jade kasi hindi siya napapayagan ni Tito.

"Ayon cci oh si Nanay Shella tanungin natin kung nasan si sissy."

Tumayo agad siya at hinila niya ako papunta kay nanay Shella. Nag lalakad si Nanay Shella at may dalawang bag na malaki siyang dala.

"Nanay Shella saan po kayo pupunta?" Tanong agad ni Sam sa kanya nung nalapitan na namin siya.

Tumingin samin si nanay shella at nakita naming namumula ang mga mata niya.

"Uuwi na ako sa probinsya mga anak. Babalik na ako sa pamilya ko kasi wala na akong trabaho dito." Malungkot na sabi niya.

"Hah? What do you mean by that nanay shella?" Sam.

"Pinalayas na ako ni Sir kaya wala na akong trabaho ngayon." Tumulo ang luha niya at agad niya naman itong pinunasan.

"Bakit ano po ba nangyari? Si Akisha po nasaan?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita.

"Mahabang kwento mga anak sa ngayon hindi niyo pa maiintindihan pero darating ang araw malalaman niyo din ang lahat. Si Jade? Wala umalis na siya."

After sabihin ni Nanay Shella yun biglang bumilis ang tibok ng puso ko hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan sa sinabi niya.

"What do mean na umalis na si sissy nanay?"

"Sam anak yung kaibigan mo umalis na siya at hindi ko alam kung babalik pa ba siya."

Nung narinig ko yung sinabi ni nanay shella parang piniga ang puso ko sa sobrang sakit.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now