Chapter 57

357 4 0
                                    

*Ricci POV*

"Are you serious dude?" Kunot noong tanong ni Diego.

"Yeah, tsaka yan lang ang hihingin kong tulong sa inyo ni Sam. For sure hindi naman kakausapin ni Akisha si Sam dahil surprise nga ito diba? Ikaw lang naman siguro ang kakausapin niya, galingan mo na lang dude ang pag arte." Nakangising sabi ko.

Nandito kami ngayon sa bar ko kinausap ko silang dalawa ni Sam at nandito din si Shane ang kinuha kong wedding planner.

Sinabi ko na kay Diego lahat ng mga gusto kong gawin at ang plano naming lahat nila Juan, Brent at Samantha. Sinabi ko na lahat at sinabi ko na ding wag sabihin kay Akisha na para kay Akisha to.

"Omaygod Ricci ready ka na nga talaga! Sige papayag kami! Babe I know magaling ka sa acting kaya ngayon mo ipakita sa iba." Nakangiting sabi ni Sam.

"Sige na nga papayag na ako, baka kasi isipin mo pang hindi kaibigan ang turing ko sayo. Pasalamat ka dahil malakas sakin si Jade." Nakangising sabi niya.

"Sige salamat, alam ko naman na papayag kayo. Salamat talaga dude!" Tapos lumapit pako sa kanya at niyakap ko siya.

"Oo na cci ang baduy mo! So ano pa bang gagawin namin?" Tapos inalis niya ang kamay kong nakayakap sa kanya.

"Wala, yun lang at wala ng iba. Galingan mo na lang dude sa pag arte and please wag na wag mong sasabihin sa kanya ang lahat ng mga plano ko." Tapos ngumiti ako sa kanya at tumingin naman ako kay Samantha. "Sam salamat dahil pumayag kayo."

"Wala yun cci basta ikaw, sige wala ka na bang kailangan may gagawin pa kasi ako." Tapos ngumiti siya sakin at tumayo na siya.

"Sige na dude ako na bahala kay Jade, una na kami may gagawin pa kasi si Sam sa companya nila." Nakangiting sabi niya.

"Sige salamat talaga sa inyo, tawagan niyo na lang ako pag may kailangan kayo." Tapos tinapik ko yung balikat ni Diego. "Ikaw na bahala dude."

Then umalis na din silang dalawa ni Sam, mabuti na lang at pumayag silang dalawa.

"Sir kailan ko po kakausapin si ma'am Jade?" Tanong naman ni Shane.

"Siguro bukas na lang ng umaga Shane, and don't you mention na ako ang totoo mong boss. Bukas ang gagawin mo lang is kausapin siya at mapapayag mo siya sa gusto natin, I know hindi ka naman mahihirapan na mapapayag siya. Gustong gusto niya kasi yan dati pa man."

"Sige po sir, hindi po ako aalis bukas hanggat hindi ko siya napa oo. So next saturday na po ang event?"

"Oo Shane, siguro naman enough na yung one week to prepare everything. Mabait si Akisha at hindi ka mahihirapan na makatrabaho siya. Tsaka nga pala wag na wag mo siyang hayaan na siya mismo ang gumawa ng trabaho, ang ipapagawa mo lang sa kanya is yung buong concept ng event. Ayokong napapagod siya kaya wag mo siyang payagan na magbuhat ng kahit ano." Seryosong sabi ko.

"Sige po sir akong bahala sa kanya, how about po yung sa kasal?"

"Naayos ko naman na yun, yung gown tatahiin na lang at kakausapin ko na mamaya ang tatahi non. Tapos yung heels na susuotin niya nabili ko na sa states yun kasama ng mga necklace at earrings niya. Tapos yung cake nasabi ko na din sa best friend niya na siya ang gagawa. Sa ngayon mag focus muna kayo sa wedding proposal then after pag uusapan na natin ang sa kasal. Yung gagawin na lang natin na para sa kasal is yung decorations sa simbahan at ang reception. Yung mga damit na susuotin ng pamilya niya at nila mom ay doon na natin bibilhin sa boutique ng kaibigan ko, kakausapin ko na din sila yung about dito." Seryosong sabi ko at kinuha ko yung cellphone ko.

"Wow sir planadong planado na ang lahat, for sure magiging bonggang kasalan to." Masayang sabi ni Shane.

"Syempre isang beses lang naman kami ikakasal, kaya dapat bongga na." Nakangiting sabi ko. Tapos bigla kong naalala yung singsing. "Yung kaibigan ng kapatid ko nag bebenta sila ng mga alahas, hihiram muna ako ng sampung magagandang singsing. Then after that ipapakita mo lahat sa kanya yun at papipiliin mo siya kung alin ang mas gusto niya. Gusto ko kasi na yung singsing na ibibigay ko sa kanya pag nag propose ako magugustuhan niya talaga. Yung wedding ring naman namin nabili ko na yun sa states, kaya wala ng problema yun."

Endless Love (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora