Chapter 21

537 6 0
                                    

*Akisha Jade POV*

"Mom may iniwan akong cookies dito. Alis na po ako mom." Lumapit ako kay mommy at nag beso ako sa kanya.

"Sige mag iingat ka sweetie." Hinatid niya na ako sa labas. "Yung mga bilin ko sayo sweetie hah wag kakalimutan, I love you sweetie."

"Opo mom, I love you too mom."

Sumakay na ako sa taxi. "Sa xxxx po tayo kuya." Sabi ko agad sa driver ng taxi.

Well papunta lang naman ako ngayon sa condo ni Ricci. Gumawa ako ng cookies para sa kanya I know paborito niya yun. Hindi na ako nag text sa kanya gusto ko kasi siyang i-surprise.

Linggo ngayon at alam ko wala silang training kasi kailangan nilang mag pahinga kasi may game sila bukas. First game pala yung game nila bukas 2:00 pm yung game nila. Sa pagkakaalam ko ang lahat ng may mga ticket excuse pero sabi nila wala na daw pasok non. Wala naman akong ticket kasi hindi ako nakabili.

Hingi kaya ako kay Brent? Oo nga pala nakalimutan kung sabihin na naglalaro din si Brent sa UAAP at UST yung team niya kasi doon siya nag aaral. As far as I can remember UP vs. UST yung first game, tapos Ateneo vs. FEU naman yung second game. Hindi ko nga alam kung makakanood ako ng game bukas kasi sa pagkakaalam ko sold out na daw yung ticket. Hindi ko din alam kung anong kulay na damit ang susuutin ko bukas.

"Ma'am nandito na po tayo." Napatingin agad ako sa labas after sabihin yun nung driver.

''Sige ito po Kuya, thank you po." Sabay abot ko ng bayad.

"Salamat po ma'am ang bait niyo naman po." Ngumiti sakin yung driver. Ngumiti na lang din ako sa kanya at bumaba na ako ng taxi.

Paano ko nalaman na dito yung condo ni Ricci? Well I have connections, joke lang ang totoo niyan hiningi ko yung address ng condo niya kay Tito Paolo.

Nandito na ako ngayon sa harap ng unit niya. Hindi ko naman alam kung ano ang code niya kaya hindi ako makakapasok pag hindi ako nag doorbell. So dahil wala akong choice I push the doorbell button.

And after one minute bumukas ito at nagulat ako ng makita ko si Juan ang nagbukas nito.

"Wow hindi ko inaasahan na pupunta ka dito Jade, pasok ka."

Naglakad naman ako papasok. Hindi ko magawang tumingin kay Juan sa mga mata niya, siguro dahil sa mga nakita niya nung na sa batangas kami.

"Hindi naman sinabi ni Ricci samin na pupunta ka ngayon dito Jade." Nakangiting sabi naman ni Kobe.

Actually marami sila ngayon dito sa sala ng condo ni Ricci. Si Kobe, Paul, Diego and Janjan na sa mahabang sofa sila. Si Jun at Javi na sa isang sofa naman. Si Bright at Jerson na sa isang sofa din. Tapos sa sahig si Jarell, Gelo and Will. Si Juan naman nakatayo sa tabi ko.

"Si Ricci?" Pareho naman silang lahat na napatingin sa kusina ng itanong ko yun.

"Cci may magandang dilag na naghahanap sayo!" Sigaw ni Paul.

"Pag hindi ka daw magpakita iuuwi ko na siya!" Sigaw din ni Kobe.

Napatingin ako sa kusina at hindi ko inaasahan ang makikita ko. Greek God! Syete alam ko naman na hot siya pero hindi ko inaasahan na ganito pala siya ka hot.

Messy hair, shorts na kulay pink tapos wala pa siyang damit at tanging apron lang ang suot niya sa itaas. Tapos yung lips niyang mapula pula. Alisin niya na lang kaya yung apron, sagabal pa kasi eh! Teka joke lang yung sinabi ko.

"Wow mukhang natulala si Jade sayo bro." Tukso ni Diego. Napaayos naman ako ng tingin sa kanya after sabihin yun ni Diego.

"Mahal hindi ko inaasahan na mapapa aga ang pag punta mo dito." Lumapit siya sakin at ngumisi siya. "Excited ka na bang mag pa massage sakin mahal ko? I miss you mahal." Then nung nakalapit na siya sakin kiniss niya ako sa forehead ko.

Endless Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now