Chapter 35

353 8 0
                                    

*Akisha Jade POV*

"Jade dalian mo na malalate na tayo!" Narinig ko pang sigaw ni Brent mula sa garahe.

Hindi na lang ako sumagot at kinuha ko na yung bag ko at lumabas na din ng bahay. Pag labas ko pumasok na ako sa kotse niya at sumunod naman siya.

"Ihahatid mo talaga ako?" Seryosong tanong ko.

"Oo nga pambawi ko na yun sayo, salamat nga pala kagabi." Nakangiting sabi niya at nagmaneho na.

After namin bumili ng mga damit sa mall umuwi na din kaming dalawa dahil gabi na din. Hindi na ako bumalik sa condo ni Ricci at dito na lang ako natulog sa bahay.

"Maiba ako bro, ano nga pala ibig sabihin ng sinabi mo kagabi?" Seryosong tanong ko.

Napalingon siya sakin at ngumiti. "Slow mo talaga, basta be ready." Nakangising sabi niya at tinuon ang tingin sa daan.

And finally dumating na din kami, lumabas si Brent at pinagbuksan niya ako.

"Naks gentleman ka na ngayon bro!" Nakangiting sabi ko at sinundot ko pa siya sa tagiliran niya.

"Minsan lang to insan, sige na pumasok ka na. Mag iingat ka tsaka pakisabi kay Sam I love you." Niyakap niya ako at kiniss niya yung forehead ko.

"Oo na bro! Infairness ang lambing mo ngayon!" Nakangising sabi ko. "Sige papasok na ako bro, mag iingat ka sa daan." Ngumiti ako sa kanya at pumasok na nga ako.

Pumasok na din siya sa kotse niya at umalis na. Minsan lang yun sweet pero pag naglalambing siguradong kikiligin ka talaga sa kanya.

***

"Sissy himala atang late ka ngayon? Buti na lang wala si Ms. Suarez." Nakangiting bungad sakin ng kaibigan ko pag dating ko.

"Si Brent kasi late na din nagising tapos minamadali pako kanina dahil late na daw siya. Sissy pagsabihan mo nga yang jowa mo baka masuntok ko yun." Nakangising sabi ko at kinuha ko yung phone ko.

First time atang hindi nag text si Ricci ngayong umaga, every morning kasi may natatanggap ako sa kanyang good morning message pero ngayon wala. Tsaka wala din siya ngayon dito.

"Moody talaga yang pinsan mo sissy. By the way labas tayo sissy, wala kasi si Miss." Masayang sabi niya at hinila niya ako.

"Bakit nasaan daw ba si Ms. Suarez?" Kinuha ko yung kamay ko na hawak niya.

"May seminar daw sabi nila, kaya ayon wala tayong pasok ng two hours. Punta tayong canteen sissy hindi kasi ako nakapag breakfast." Hinila niya nanaman ulit ako.

Kinuha ko na lang yung bag ko at hinayaan ko na siyang hilain ako. Ang hilig talaga nitong manghila.

Pagdating namin sa canteen kunti lang yung estudyante dito, may mga pasok na kasi yung iba kaya ganun.

"Sissy ako na ang mag oorder umupo ka na don." Sabi ko at inalis ko yung kamay niyang nakahawak sakin.

"Sige sissy." Nakangiting sabi niya at naghanap na siya ng mauupuan namin.

Nag order na din ako mabuti na lang hindi mahaba yung linya kaya mapapadali ang pag order ko.

"Good morning po ma'am, ano po yung order niyo ma'am?" Nakangiting sabi sakin ng babae.

"Miss dalawang rice po at isang ham, bacon and fried chicken. Tapos isang chocolate cake at strawberry cake. Tapos dalawang lemonade at tubig." Nakangiting sabi ko din sa kanya. Tapos inabot ko yung bayad ko.

"Sige wait lang po ma'am." Kinuha niya yung bayad at binigay niya yung sukli tsaka kumuha ng inorder ko.

Actually isang strawberry cake lang naman ang kakainin ko and then lahat ng yun kay Samantha na. Kumain na kasi kami kanina ni Brent sa bahay, nagluto kasi ako kaya ayon nakapag breakfast kami kahit wala si mommy.

Endless Love (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat