Then nag change na din ang music from little do you know, ngayon perfect na by Ed sheeran pero boses pa din ni Ricci ang kumakanta. Actually maganda naman talaga ang boses niya at hindi niya masyadong pinaparinig yun sa ibang tao. Kaya sobra akong nagulat ng siya ang kumanta ng little do you know pati na ng perfect.

Hindi ko na talaga alam kong ano ang nangyayari ngayon feeling ko nasa heaven ako na parang lumilipad ako. Hindi ko alam bakit may mga ganito sa pagkakaalam ko engagement party ni Diego at Sam to pero bakit parang ako ang star of the night?

Bigla ding lumapit sakin si Brent at may ibinigay din siya saking isang red roses at may card din ito. Pagbukas ko may nakasulat na honesty. Gaya ng ginawa namin kanina nila Juan at Javi sumayaw din kaming dalawa ni Brent.

"Honesty, mahal ito ang ikatatlong kailangan natin para mas mapatibay ang pagmamahalan natin. Sabi nga nila 'Honesty is the best policy' well they are all right, just like in our relationship honesty is very important. I am very honest to you mahal alam mo yan and I promise to everyone here especially to you, I will always be honest to you no matter what happen. Even just in a small things, I want to be honest with you to prevent arguments and fights. Alam mong hindi ako mapakali sa isang tabi pag alam kong galit ka sakin o hindi kaya pag nag aaway tayong dalawa. Alam mong hindi kita matitiis at gusto kong iwasan na magkaroon ng dahilan para mag away tayong dalawa. Alam kong walang perpektong relasyon at lahat nag aaway, but as long as wala tayong dahilan para mag away alam ko na maiiwasan natin ang mag away araw araw. I love you so much mahal, mula noon hanggang kamatayan."

Feeling ko parang maiiyak na ako ngayon, grabe hindi ko na talaga alam kung bakit ganito ang mga pinagsasabi niya sakin ngayon. Don't tell me surprise nanaman to? Hindi naman namin monthsary or anniversary baka kasi gaya to nung college kami nung nasa rooftop kami.

Tinignan ako ni Brent sa mga mata ko at ngumiti siya sakin. "Sabi nga nila, sa hinaba haba man ng prosisyon sa simbahan pa din ang tuloy, after all the stuggles and dilemmas who would think na aabot pa kayo sa ganito. I know sobrang deserve niyo ang isa't isa at alam ko naman noon pa man na mahal na mahal niyo na talaga ang isa't isa. Bata pa lang tayo noon nakikita ko ng gustong gusto niyo ng makasama ang isa't isa hanggat sa pagtanda niyo, ngayon malapit na kayo sa pangarap niyong yun Jade. Saksi ako ng lahat ng mga pinagdaanan niyo noon at masasabi kong hindi basta basta ang mga pagsubok na binigay sa inyo. Masaya ako para sayo Jade, finally malapit ka na sa pangarap mo, just keep on smiling that's all I want from you. I love you insan, your the best cousin in the whole universe!" Then after sabihin ni Brent yun kiniss niya ako sa forehead at umalis na din siya.

Teka hindi ko na talaga alam kong ano ang nangyayari, bakit ganun ang mga sinasabi nila? Tsaka bakit ganun din ang mga salita na lumalabas sa bibig ni Ricci?

Tapos nagulat ako dahil biglang nag iba yung kanta at yung music na nakaplay ngayon is God gave me you pero boses pa din ni Ricci ang kumakanta. Don't tell me nag recording siya? Kasi yung tatlong kanta na nag sound is boses niya ang naririnig kung kumakanta, tapos everytime na sumasayaw na kami ng nagbigay sakin ng red roses nagsasalita siya sa mic pero yung background music ganun pa din.

Nagulat ako dahil biglang lumapit sakin si Papa Joaquin at inabot niya sakin ang isang red roses. Kinuha ko sa kanya yun at bigla ko siyang niyakap. Niyakap niya din ako pabalik then after that kumalas siya sakin sa pagkakayakap at binuksan niya yung card na nakasabit sa bulaklak. Trust, yun yung nakita kong nakasulat.

"May I have this dance my beautiful darling?" Nakangiting sabi ni papa at inoffer niya sakin yung kamay niya.

Nilagay ko yung dalawang kamay ko sa leeg ni papa at nilagay niya naman sa bewang ko ang mga kamay niya at nag simula na nga kaming sumayaw.

"Trust, mahal ito ang ika-apat na kailangan natin to make our relationship more stronger. Without trust our relationship would not work, that's why I want you to know that I trust you mahal. Malaki ang tiwala ko sayo mahal and sorry kung minsan nagiging possessive ako sayo, alam mo naman na may tiwala ako sayo pero kasi mahal sa ibang lalaking nakakasalamuha mo sa kanila ako walang tiwala. Kasalanan ko bang takot akong mawala ka sa buhay ko? Alam ko naman na hindi mo na ako iiwan ulit at naniniwala ako sa sinabi mong hindi ka na aalis ulit. Sana magtiwala ka din sakin mahal, just trust me lahat ng mga ginagawa ko para sayo lahat ng mga yun mahal. Lahat ng mga yun para sa future natin yun mahal, and if I told you I love you believe me because I really mean it. I really really love you Akisha Jade Arquiza, you are my life now and without you I am nothing. Mahal, I love you since we we're young and I will continue to love you ti'll we we're both old, I love you so much mahal."

After akong yakapin ni papa inangat niya yung mukha ko at pinunasan niya yung luha ko. Hindi ko na talaga napigilan ang luha ko, sa lahat ng mga sinabi ni Ricci at habang sumasayaw kami ni papa parang unti unti ng nag po-process sakin lahat.

"Don't cry darling, you are so beautiful tonight this is your day. I am here today to witness this very important event of your life darling. I am so proud of Ricci sa lahat ng mga ginawa niya at sa mga susunod niya pang gagawin. Your man is full of surprises darling, you both deserve each other and I can see in the eyes of the both of you how deeply in love are you with each other. After all the pain and challenges, look where are you now. I don't want to see you cry again darling, now I want you to smile and enjoy your night. Papa will always love you darling I'm always here for you." Tapos kiniss niya ako sa forehead ko. "See you later darling." Tapos umalis na din siya.

Then nagulat ako kasi may nakikita akong may naglalakad papalapit sakin na may hawak na kandila. Matatakot na sana ako ng makita kong si Samantha pala ito at may hawak siyang microphone.

Lumapit siya sakin at hinawakan niya yung kamay ko tapos sa kabilang kamay niya may hawak siyang microphone at kandila. Omaygod parang debut ko lang, kanina roses ngayon candles naman. Sa pagkakaalala ko nakapag debut naman ako noon pero bakit may ganito ngayon?

"Sissy before ka pa umiyak ng bungga gusto ko din na marinig mo muna yung wish ko for you. So ayon nga sissy first of all thank you sa lahat ng mga advice at mga lesson na tinuro mo noon sakin, I was so blessed to have you as my bestfriend. Bata pa lang tayo bestfriend na tayo at ngayon kilalang kilala na kita, kahit utot mo alam na alam ko na sissy." Tapos ngumisi pa siya at pinunasan niya yung luha niya. "Ano ba yan naiiyak ako, kasi naman sissy sobrang saya ko for you. Bata pa lang tayo alam ko na kung paano niyo pinaglalaban ang pagmamahalan niyo ni Ricci. Isa ako sa mga naging saksi kung paano niyo binuo ang mga pangarap niyo noon, sobrang proud ako sa inyo dahil unti unti niyo na ito naaabot. Sobrang saya ko para sayo sissy kasi finally ito na yun, ito na ang isa sa pinaka biggest dream mo noon."

Kinuha ko yung kamay ko sa kanya at pinunasan ko yung luha ko. Hindi ko alam pero naiiyak ako sa mga sinasabi niya ngayon. Samantha and I were bestfriend since then kaya sobrang halaga niya na din sakin, we may not be sisters in blood but in our hearts we are sisters.

"Ayoko ng tagalan pa to dahil alam ko lahat ng nandito excited na. Isa lang ang masasabi ko sayo, sobrang saya ko for you and I know deserve mo lahat ng mga ito sissy. Ricci please lang ingatan mo tong bestfriend ko, nagiisa lang to kaya wag ka ng magtangkang maghanap pa ng ibang babae dahil wala ka ng may makikita pang mas hihigit pa sa mga nagawa niya for you. Continue to love her dahil alam ko naman na patay na patay ka sa kanya simula noon pa man." Tapos niyakap ako ni Samantha. "I love you sissy, you will always be my number one sissy. Congrats sissy I know you deserve it all." Tapos kiniss niya ako sa pisingi ko at umalis na din siya.

Nagulat ako dahil bigla niyang kinanta ang 'Marry your Daughter' and paglingon ko sa likuran ko nakita ko si daddy at may hawak din siyang bulaklak, binuksan niya ang card na nakasabit dito at ang nakita kong nakasulat ay, Love. After niyang gawin yun niyakap ko agad siya at doon na ako umiyak ng lubusan.

Endless Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon