Chapter 3

22.2K 337 15
                                    

L A U R E N 

Naramdaman kong nilapitan niya ako at hinalikan sa likod ng aking. "Tapos ka na?" Nanginig ang buong katawan ko ng hinalikan niya ako sa leeg. Napa-tikom ako ng bibig. Bakit ba palagi siyang sugod ng sugod? "Nagulat ka? Masanay ka nalang kaya," sabi niya pa at hinalikan muli ang leeg ko.

Am I paralyzed? Bakit hindi na ako gumagalaw? Ang lakas lang ng alindog nitong lalaking ito! 

Why am I allowing him to kiss and touch me, anyway? "What's wrong, Babe?"

Ikaw kasi e! "W-wala naman."

Nagulat ako ng yakapin niya ako ng buong-buo mula sa likod ko. Likod ko pa lang ito, paano kaya kung nasa bisig na niya ako nakaharap? "'Wag kang manahimik diyan. Sabihin mo sa akin, Denisse."

Mas lalo pa tuloy akong hindi umimik ng tawagin niya ako sa pangalawa kong pangalan. Ewan ko, parang ang sarap lang pakinggan lalo na at siya lang ang kauna-unahang tumawag sa akin ng ganyan.

"W-wala nga."

He sniffed my neck and it brings me chills all over my body! Oh god. 

Epekto ba 'to ng simpleng pag-amoy niya sa leeg ko? Nakaka-panghina naman.

Ang laki talaga ng tama nito sa akin. "May gumugulo ba sa 'yo?"

Napailing-iling nalang ako at yumuko at napapikit ng mariin. Ikaw nga ang gumugulo sa akin e. "Paano ko magagawang damayan ka, kung hindi mo sabihin sa akin? C'mon, tell me, Babe."

"Bakit kasi gano'n..." I startled to say the words. "...parang ang bilis lang talaga." Siya naman ang hindi nag-salita. May mali ba? Hindi ko ba napili ng maayos ang mga katagang sinabi ko?

Hinawakan niya ang kanang kamay ko at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. "Naisip ko rin 'yan e." Panimula niya. "Pero, napag-isip isip ko na, mas okay na ang pagiging mabilis. Kaysa sa pagiging pakipot," sabi niya.

Pakipot? Grabe naman! Hindi ba puwedeng dahan-dahanin nalang muna namin? Baka nga ngayon na ang huli naming pag-kikita, dahil baka hinahanap na ako sa DVG!

Oo nga pala! Baka, makahalata sila na wala ako doon! I really need to go!

"Caius..." I called him. "...kailangan ko ng pumasok."

"Hindi ba pwedeng mag-leave ka muna ng isang araw?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. "Hindi pwede 'yon, Caius!"

"Ganyan na ba talaga ang pagiging magaling na Architect?"

Pati 'yon, alam niya?! "Baka kasi, pag-hinalaan ako e."

"Hindi 'yan. Sa inyo naman ang Del Valle- Garcia Group of Companies... 'di ba?"

Teka, hindi na 'to tama a! Humarap ako sa kanya at kumalas na pagkaka-yakap niya. I strongly stared at him. "Bakit ba parang kilalang-kilala mo na ako?!" I shouted at him. "Are you investigating me?!"

Tumawa nalang siya ng nakaka-loko at hinaplos ang kaliwang pisngi ko. "Ayaw mo no'n? Kilalang-kilala na kita. Hindi mo na kailangang magpa-kilala sa akin."

"How do you know every inch of me?!" I asked him, again.

"Meron akong dahilan kung bakit, Lauren."

Pilit kong binabasa muli ang mga mata niya. Galit? Napailing-iling nalang ako sa isipan ko. No, it can't be.

"Anong dahilan mo, Caius?"

"You'll know it, soon... babe."

Huminga nalang ako ng malalim. Gusto ko na talagang umuwi at malayang makapag-isip. Sana lang talaga, ito na ang huli naming pagkikita. Hindi ko na kayang makasama pa itong lalaking ito. Baka lumala lang ang pangyayari.

Heart By Heart (The Architects Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt