Chapter 25

10.7K 197 6
                                    

L A U R E N 

"I didn't know you have a half-sister," komento niya at saka humigop ng kape na timpla ko. Medyo na-distract pa kasi ako bago sumagot dahil ang swabe at seksi niyang humigop ng kape. Idagdag mo pa ang maskulado at medyo paos na boses niya.

"Ah, oo... itinago siya ng Daddy ng mahabang panahon sa amin. He had an affair." Sa totoo lang, parang ayoko nang pag-usapan ang tungkol doon. Nakakainis. Siya na naman ang topic?

"Your hair colors are the same," sabi niya pa.

"Mana ako sa kulay ng buhok ni Dad. Kahit si Kuya. Si Xander lang ang itim ang buhok dahil nakuha niya ito kay Mommy," sabi ko na lang.

"And..." Tumingin siya sa akin at ngumisi. "...you're both beautiful."

I eyed him and he just laughed while he enjoys his coffee. "Excuse me?!" Sigaw ko. "Caius -- ugh!" I screamed in frustration. "Tangina mo!"

"What?" He asked carelessly. Meron pa siyang ganang tanungin ako n'yan?! Tangina niya talaga!

"What a nice way to ruin my morning in my office." Inirapan ko siya at tinuro ang pinto. "Get out!" Anas ko sa kanya at padabog na kinuha ang lapis ko at kunot-noong pinagpatuloy ang sketch ko.

Nang dahil tuloy sa inis ko ay madiin na ang pagkakaguhit ko sa aking malaking sketch pad. Hindi ko na tuloy magawang tignan siya na hanggang ngayon ay alam kong nakangisi pa rin at komportableng umuupo sa upuan na nasa harapan ng aking mesa.

Tinignan ko siya muli -- inis. "Ang sabi ko, 'di ba? Alis," matapang na utos ko sa kanya. Pero, hindi 'man lang nagpa-tinag. Aba! "Caius, alis."

"Okay," magaan at walang halong inis na sinabi niya at parang isang lalaking nakakuha ng deal mula sa malaking kumpanya na lumabas ng opisina ko. Tse! Bahala siya.

●♥●

"Hmm, it's seems like Mr. Montez is not yet around. Maybe, I can take you out for lunch?" I closed my eyes tightly and pressed my lips into a thin line.

Pinilit kong iniiwasan ang mga sinabi ni Arthur. We are walking down the hallway after we finished our meeting in DVG's VIP Conference Center. At malamang, maraming na ngayon ang mga tinititigan kami.

"Arthur, lumayo ka nga kaunti," impit kong sinabi sa kanya at salamat naman ay sinunod niya.

"Can I take you out for lunch?" Muli niyang tanong sa akin.

"Ayoko," sabi ko at lumingon-lingon sa paligid at laking pasasalamat ko nang makapasok na sila sa kani-kanilang departamento.

"Why?" Hindi ko magawang tignan si Arthur. Naiinis lang ako sa pagmumukha ng lalaking ito.

"Ayoko. May magagalit. Alam mo naman kung sino 'yun 'di ba?" Sabi ko at bigla na lamang siyang tumigil kaya gano'n din ako. Pero, ikinabigla ko ang sinunod niyang ginawa. Mabilis niya akong hinarap sa kanya at hinalikan ako. "A-Arthur!" I squealed and tried to push him away.

"FÚCK YOU!" Bigla kong narinig ang boses na 'yon kung saan. Biglaang humiwalay sa akin si Arthur at nanlaki ang mga mata ko nang nakadikit na pala siya sa dingding -- si Caius!

"Love the show?" Nakangising sambit ni Arthur.

Susunggaban na sana ni Caius ng isang suntok si Arthur, pero pinigilan ko siya. "Caius," tawag ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin. "Baka may makarinig sa atin dito."

Marahas niyang binitawan si Arthur kaya halos mawalan ng balanse ito. Aalalayan ko na sana siya pero, hinila naman ako papalayo ni Caius. "Engineer Stephenson, that will definitely be your fúcking last shot," mariin na wika ni Caius at pinanlinsikan pa ito ng mata.

Heart By Heart (The Architects Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon